==================❤️❤️❤️
CHAPTER 8
Napahinto si Aica sa pagpasok ng bahay nang maringgan na nag uusap ang tiyahin at tiyuhin niya.
Hindi na sana niya papansinin iyon kung hindi niya lang narinig ang pangalan niya. At kung normal lang sana ang tono ng boses ng tiyahin niya.
"Huwag mo ng pagdiskitahan iyong pamangkin mo. Ang baitbait ng batang iyon." ani tiyuhin niya.
"Simula nang dumating 'yang batang iyan, ay mas lalo tayong naghirap. Wala na nga akong naiipon, dumagdag pa sa gastusin. Ewan ko ba. Malas ata iyang batang 'yan." ani naman ng tiyahin niya.
"Malas? Siya na nga lang ang nakakatulong sa atin. Mabuti nga at nagbibigay yang batang iyan kahit ganyan ang trato mo sa kanya." pagtatanggol naman ng tiyuhin niya.
"Aba dapat lang. Nang hindi siya palamunin dito."
"Hindi na nga siya nakapagaral. Kung natuloy lang sana ako sa abroad dati. Nakapagtapos sana si Aica."
"Nako! Sabi ko naman kasi sa iyo, dapat noong gustong umalis niyang batang iyan, hinayaan mo na. Aba't pinigilan mo pa kasi-"
Nanikip ang dibdib niya sa mga narinig. Naririnig na niya dati iyon kahit noong bata pa siya. Ngunit kahit ngayon ay ganoon pa rin ang reaksyon niya. Ganoon pa rin ang nararamdaman niya. Nasasaktan. Ganoon pa rin ang epekto sa kanya. Masakit marinig iyon lalo pa at galing iyon sa nagiisang kapamilya niya.
Bago pa may ibang marinig ay dali-dali na siyang tumalikod at umalis doon. Hilam na sa luha ang mukha.
Ayaw na niyang marinig pa ang mga susunod na lalabas sa bibig nito.
==================
MATTHEW
Pagkatapos na pagkatapos agad sa trabaho ay mabilis na umuwi na si Matthew sa condo niya para magbihis ng kanyang pang takbo. Gusto niyang makarating agad sa subdivision nila Hughbert para muling makita si Aica.
Hindi kasi nagrereply ito sa kanya. Sanay naman siya na hindi pareply ito. Pero nangako na itong magrereply sa kanya. At sumasagot naman ito sa kanya kanina. Kaya lang ay sa isang banda ng isip niya ay parang may mali. Nang subukan niya ring tawagan ito ay hindi ito sumasagot.
Kaya nagmamadali na siya at gusto ng makarating doon. Doon lang din naman kasi niya makikita ito.
Nang matapos makapag shower at makapagpalit ay bumaba na agad siya sa sasakyan at nag drive na agad papunta roon. Dagli niyang ipinark sa may simbahan ang kanyang sasakyan.
Pagkababa ay tumakbo na siya sa kung saan niya nakakasalubong ito. Ngunit nakaikot na siya ay hindi pa rin niya nakita ito. Mas lalong lumakas ang kutob niya dahil doon.
Kapag ganoong oras kasi ay naroon na ito at makakasalubong na niya. Hindi siya pumapalya. At hindi rin siya pumapalya na gulatin ito kapag nakita na siyang makakasalubong na nito. O kaya ay lilitaw sa harap nito.
Nang may maalala ay mabilis na pumunta siya sa park.
Nagbabakasakaling naroon ito. Hindi nga siya nagkamali nang makita itong nakaupo sa isa sa mga benches doon. Sa bandang gilid ng park kung saan sila naupo dati.
Nakahinga siya nang maluwag. Thanking God she's alright. Napakunot noo lang siya nang makitang hindi ito naka suot ng pang takbo. Naka itim na polo shirt, leggings at doll shoes lang ito. Must be her uniform. Naisip niya.
Nakayuko lang ito habang yakap ang bag na nasa kandungan. Hindi niya alam pero bumalik na naman ang kaba na nasa dibdib lang niya kani kanina lang. Mabilis na pinuntahan na niya ito at tinawag.
"Aica."
He was so hopeful that she was okay. But what he saw made his tracks halt. Pag angat kasi nito nang mukha ay nakita niyang hilam iyon sa luha. It made his heart broke. Just seeing her like that.
Dahan dahan siyang lumapit dito at lumuhod sa harap nito. Hindi alintana ang maduming semento.
"Hey. What's going on?" masuyong tanong niya rito. Pilit na hinuhuli ang mga mata nito.
Masuyo rin niyang hinaplos ang mga kamay nito para udyukan ito. Pero naisip niyang sana ay hindi na lang ito tumingin. Dahil nang gawin nito iyon ay muling tumulo ang masaganang luha nito.
Napalunok siya. Ang dami niyang gustong itanong dito. Gustuhing sagutin agad ang mga itatanong niya. Ngunit ayaw naman niyang biglain ito. Ayaw niyang lumayo ito sa kanya na ganoon ang estado nito. Gusto niyang mapagaan ang loob nito. Gusto niyang sa kanya ito sasandal kapag ganoong may dinaramdam ito.
That's odd. Kahit kailan ay hindi pa siya nagkaroon ng ganoong pagkagustong aluin ang isang taong bago lang niyang nakilala. Ni dati nga ay hindi niya ginagawa iyon. But seeing her cry made his mind to do everything, just to stop what's hurting her right now and make her smile again. He wants to see her smile again.
Itinaas niya ang mga kamay sa mukha nito para punasan ang mga luha nito. Napabuga siya ng hangin ng hindi ito lumayo. Patuloy lang siya sa ginagawa. Pero patuloy lang din ito sa pagluha. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at tumabi na siya rito upang ipaloob ito sa kanyang mga bisig para yakapin.
Natuwa siya dahil gumanti ito ng yakap at hindi lumayo. Ngunit sa isang banda ay mas lumala ang pag aalala niya nang nagkatunog na ang pagluha nito. Humihikbi na ito.
Hush, baby.
Mas hinigpitan niya lang ang pagyakap para maramdaman nitong naroon siya. Na hindi niya ito iiwan kung kailangan siya nito.
Naramdaman niyang dumikit na sa katawan niya ang basang t-shirt dahil sa luha nito. Hindi niya alintana iyon. Napangiti lang siya ng mapait. Kung sana lang ay nababasa iyon ng dahil sa pawis kapag tumatakbo. Kasama ito. Subalit ngayon kasi ay ang mga luha nito ang dahilan.
Labis siyang nasasaktan sa nakikitang sitwasyon nito. Pilit na hinahanap sa isip na kung ano man o sino man ang nagpaiyak dito ay makakatikim sa kanya.
Hindi kaya ay boyfriend nito?
Tumambol ang dibdib niya. Ngayon lang pumasok sa isip na possibleng may katipan ito. Hindi niya kasi naisip iyon nang makita ito at basta na lang lapitan at makipagkaibigan.
Pero paano nga pala niya malalaman. Hindi ba at ang dahilan mo ay pakikipag kaibigan lang? Sa naisip ay may umapaw na galit sa dibdib niya kung sakaling boyfriend nito ang nagpaiyak dito. Parang gusto niyang manuntok. Kinagalitan ang sarili na sana ay noon pa niya inalam kung may kasintahan na nga ba ito o wala.
Pero pilit niyang isinantabi iyon at nag focus kay Aica. Kapag nalaman niya ang dahilan ay saka siya aaksyon."Ssh." Hinagod hagod niya ang likod nito. Napamura siya sa isip ng maramdamang basang basa iyon ng pawis. Kapag natuyuan ito ay baka magkasakit pa.
==================
There's something special right now and I want you also to be happy kaya... here's a double update for you guys!! Chapter 7 and 8
Enjoy reading! ❤️❤️❤️
==================
Kamusta po?
Any comments?
Questions?
Votes?
Kausap?
Hehehe
Thank you! ❤️❤️❤️
Posted: June 15, 2020 2:39 pm
BINABASA MO ANG
It's Way Too Early [COMPLETED]
RomanceKinse anyos pa lang si Aica nang maulila siya at makilala ang tiyahin niyang hindi man lang nabanggit sa kanya ng mga magulang. Inasam niyang dito niya muling mararamdaman ang kalinga ng isang ina, ngunit kabaliktaran naman ang pinakita sa kanya. Sa...