CHAPTER 19

283 18 4
                                    

2k Reads!!

2k Reads!!

Gulat ko kanina! Grabe! (Paano yung gulat? Parang yung Gif sa picture Hahaha XD)

Nasita pa ako ni Mudra sa gulat ko eh hehehe ✌️😘

I'd like to thank... ALL OF YOU!
Thank you so mucccchhhh po!
Thank You! *kisses* *marami pang kisses to all of you!*

 ALL OF YOU!Thank you so mucccchhhh po!Thank You! *kisses* *marami pang kisses to all of you!*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(c) Photo edited from Facebook

Enjoy reading po!

==================❤️❤️❤️


CHAPTER 19

Mabilis na hinipan ni Aica ang ginamit na papel na pangsindi matapos masindihan ang mga naglulutangang kandila.

Hapon niyon at katatapos lang ng dinaluhang panghapong misa. At matapos iyon ay doon na siya dumiretso para magsindi ng mga kandila.

Ipinagpapasalamat niya na kahit papaano ay nairaos niya ang buwan na iyon. Halos mag iisang buwan na rin mula nang umalis siya sa poder ng tiyahin niya at mabalitaan ang engagement nila Matthew at Reece.

Mag iisang buwan na rin na nakikitira siya sa bahay nila Ate ML. Balak niya sana noong maghanap ng bagong matitirhan o kahit bedspace man lang matapos niyang makitira ng kahit ilang araw lang sa bahay nito, ngunit pinigilan siya dahil uuwi rin naman daw ang mga magulang at kapatid nito sa probinsya ngayong bakasyon at ito na lang daw ang maiiwan sa bahay. Kaya pinilit na lang niyang makihati sa mga gastusin nito roon.

Mula sa pagkakatitig sa mga nakasinding kandila ay natigilan siya dahil sa naamoy na pamilyar na pabango. Hindi niya alam kung imahinasyon lang niya pero parang naamoy niya ang pabango ni Matthew.

Ipinilig niya ang ulo. Unti unti ay tinuturuan na niya ang isip at puso na kalimutan na ang lalaki. Hindi pwedeng may maamoy lang siya na kahit kaamoy ng pabango nito ay masira ang unting unting paglimot dito. O kung ano mang pwedeng makapagpaalala rito.

Ayaw na rin niyang umasa na babalikan pa siya ng lalaki. Tama na ang sakit na naramdaman niya dahil dito.

Ngunit sadya atang sinusubok siya dahil bigla na lang napabilis ang pagtibok ng puso niya nang maramdamang may tao sa likod niya.

Mariing ipinikit niya ang mga mata para payapain ang sarili.

Relax Aica. Imahinasyon mo lang yan. Sabi niya sa isip.

Mabilis na sinabihan niya rin ang sarili na umalis na roon.

Pero nakaka isang hakbang pa lang siya nang mapatigil dahil narinig niya ang pamilyar na boses na tinawag ang pangalan niya.

It's Way Too Early [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon