CHAPTER 14

304 12 2
                                    

852 Reads!!

(As of 5:41 pm July 7, 2020)

Thank you so much po!!

Here's another update po
================== ❤️❤️❤️


CHAPTER 14

Nakakalayo na sila sa amusement park nang mahalata niyang hindi ang pabalik sa parking ang daang tinatahak nila. Tinanong naman niya ito.

"It's almost dinner. May malapit dito na seafood restaurant. Is seafood fine with you? Nagke crave kasi ako."

"Oo naman. Kung ano ang gusto mo." nakangiting sagot niya rito.

Nang makarating sila roon ay natuwa siya sa itsura ng restaurant. Para kasi silang nasa loob ng isang malaking Kubo. Native style ang buong design niyon. Lahat ng gamit ay gawa sa kahoy. May mga carvings pa ang mga iyon.

Ang mga lamesa, silya, at kahit ang candle holder na nasa gitna ng mga lamesa ay gawa sa bamboo. Kahit mukhang mamahalin ay napanatili ng nagdisenyo ang native touch ng mga iyon.

Open area rin iyon kaya malayang pumapasok ang maginhawa at malamig na simoy ng hangin galing sa Manila bay.

Dinala sila ng waiter sa gilid kung saan kitang kita ang maliliit na ilaw ng mga bahay sa kabilang panig ng bay. Ipinaghila pa siya ni Matthew ng upuan. Hinayaan na niyang ito ang umorder dahil mas alam nito ang restaurant na iyon.

Habang naghihintay ay patuloy niyang inililibot ang mga mata sa paligid. Namamangha pa rin kasi siya. Kulang na lang ay damo at parang nasa probinsya na sila.

"I'm glad you like it." Napalingon siya kay Matthew nang magsalita ito.

"Uh-hmm. Sobrang pagka native ng design. Saka ang presko dito. Nakaka relax."

"That's true. It's the reason why I like it here." saka inilibot din ang mga mata.

May pumasok namang negatibong ideya sa isip niya. Kung gusto nito rito, ibig sabihin ay ilang beses na rin itong nakapunta doon. Babae din kaya ang dinadala nito kapag bumabalik? Sa naisip ay may kumirot sa puso niya. Nakaramdam din siya ng selos sa pag iisip na may ibang babae itong gusto at dinadala rito sa restaurant. Kung alam lang sana niya ang nararamdaman nito para sa kanya.

Dagli niyang ipinilig ang ulo. Umayos ka Aica.

"My friend and I always eat here. Favorite din kasi niya ang seafood. Especially crab. Hindi ko nga alam kung paano niya nagustuhan iyon. Ang hirap kainin. Mine's shrimp though."

Napangiti siya. Oh, nasagot agad ang tanong mo. Fast forward kasi magisip.

Ilang sandali pa ay dumating na ang mga inorder nito. Nagulat siya dahil hindi lang pang dalawang tao ang mga pagkain. Umorder ito ng tig iisang platter ng kanin, kare-kare, buttered shrimp, pinaputok na tilapia, at garlic buttered crab.

"Umorder na rin pala ako ng kare-kare para hindi naman lahat seafood." naglagay na ito ng napkin sa kandungan.

"Sobrang dami na nga nito, Matt. Hindi natin mauubos lahat ito."

Napangiti ito. "It's fine. We can take it home kapag hindi naubos."

Napatango na lang siya. "Maghuhugas lang ako ng kamay." paalam niya rito.

Kahit ang restroom ng restaurant ay pulos kahoy ang design. Sa gilid pa niyon ay may isang maliit na fountain na sa bamboo lumalabas ang tubig. May mga halaman din doon na sa alam niya ay dito lang sa bansa tumutubo.

It's Way Too Early [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon