CHAPTER 6

423 17 2
                                    

216 reads!

So grateful to have you all here.

Salamat po ng marami! 😘😘😘
==================

CHAPTER 6

Ang tahimik naman. Sabi ni Aica sa kanyang isip dahil sa nangyayari ngayon.

Kasama niya kasi si Matthew. At hawak muli nito ang kanyang kamay habang sila'y naglalakad. Humawak na lang ito bigla sa kamay niya nang magkasalubong sila matapos niyang mag jogging.

Nagpahawak ka naman. Sita niya sa sarili. Ayaw niyang aminin pero masarap kasi sa pakiramdam.

Tahimik lang silang ganoon habang naglalakad. Binabaybay ang tahimik na kalsada ng Parkwood subdivision. Ni hindi niya nga alam kung saan sila pupunta. Siya ay parang naco conscious at ito ay mukhang chill lang. Na parang normal na sa kanila iyon. Nagiisip siya kung ano ang pwedeng gawin para hindi sila maburyong. Oh baka ikaw lang. Wala kasi silang mapag usapan. Hindi din naman siya makaisip ng io-open. Ito man ay hindi nagsasalita.

Napahikab tuloy siya. Dahilan para lingunin siya nito. "Tired?"

"Hindi naman." Umiiling niyang sabi.

"Are...you okay?"

"Hmm." tumango siya.

Kinunotan siya nito ng noo. Nagtatanong ang mga mata. "Boring lang kasi."

"Am I boring you?"

"Hindi." iling niya. "Hindi naman sa ganon. Ang tahimik lang kasi. Parang hindi lang ako sanay. May kasama nga ako pero parang wala naman. Kapag may kasama kasi ako, lalo na yung best friend slash Ate ko na si Ate ML, laging maingay kasi talakera iyon. Mas mabuti pa atang magisa na lang. Para mas feel ko yung katahimikan." Natawa siya.

"Then what do you want to talk about?"

"Iyon nga rin ang problema eh." napakamot siya sa ulo. "Wala akong maisip."

Saglit na nagisip ito. "How about we do something."

Nagtatanong na tiningnan niya ito.

"Minsan kasi kapag wala kaming magawa ng mga kaibigan ko. Nagpapaligsahan kami." Lumaki ang ngiti nito na parang naaalala ang mga pangyayaring iyon.

"Sometimes we dare each other, sometimes we race. Since nandito naman na tayo. Why don't we race?"

"Pwede." napatango tango siya. "Anong premyo?"

"Hmm...Ikaw? Any truth or consequences?"

Napaisip siya. "Kapag nanalo ako, ililibre mo ako ng milk tea doon sa High Tea." inginuso pa niya ang direksyon kung nasaan ang store niyon na nasa loob lang din ng subdivision.

Napangisi ito. "Then maybe it's safe to say na kapag nanalo ako, rereplayan mo na ako sa mga text ko...every text."

Nahiya tuloy siya. Hindi niya kasi nirereplayan ito. Kung ano lang ang text niya noong sabihan siya nitong i-text ito kapag nakauwi siya ay iyon lang.

Napatango na lang siya. Nilakasan ang loob na mananalo siya rito. Kaya mo yan, Aica. Matatalo mo siya. Para sa milk tea! With extra pearls!

Inilahad nito ang kamay na parang nakikipag negosasyon ito sa negosyo. Pati ang ekspresyon nito ay ganoon din.

"Okay. Let's start here." Tumapat sila sa isang malaking puno. "The end point is to that restaurant." Turo nito.

Napatingin siya doon.
Siguro ay nasa 100 meters din iyon. Kaya mo yan Aica! Para sa milk tea!

It's Way Too Early [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon