EPILOGUE - Part 2

362 11 4
                                    

==================❤️❤️❤️


EPILOGUE - PART 2

Napangiti siya sa alaala na iyon at muling napatingin sa singsing. Isa iyong princess cut na ang isa sa dalawang magka-intertwined na band nito ay napapalibutan ng mga maliliit pang dyamante.

Family heirloom na raw iyon ng pamilya dahil nanggaling pa iyon sa Lola nito sa Ina, na mismong nagbigay kay Matthew upang ibigay sa mamahalin nito, sa kanya.

Sobrang tuwa nila Ate ML at boss Sacha ng malaman ng mga ito kinabukasan ang nangyari.

Nang sunduin siyang muli ni Matthew ay pinagbantaan pa ng mga ito ang lalaki na kung lolokohin siya ay puputulin ng mga ito ang kinabukasan nito na ikinapula naman niya. Nakangiti lang na sumagot ito na hinding hindi mangyayari iyon.

Ramdam niyang totoo iyon.

Ipinagpatuloy na niya ang paglilipat ng mga damit nang mahulog ang isang sobre mula roon. Iyon ang binigay ng tiyuhin niya bago siya umalis.

Kusang gumalaw ang mga kamay niya at binuksan iyon. Isang sulat iyon.

Akala ko titulo ng lupa... Napapailing sa kalokohang naisip.

Napahigit siya ng hininga nang mabasa niya ang pangalan doon. Nakilala niya rin ang pakurbang sulat ng kanyang tatay.

Aica anak,

Dapat ay harapan kong sinasabi ito sa iyo ngunit hindi ko magawa dahil ayokong makita ang magiging reaksyon mo kung sakaling hindi mo matanggap ang katotohanan.

Ayokong makitang kamuhian mo ako. Hindi ko kakayaning makita sa mga mata mo ang sakit dahil hindi namin agad sinabi ng nanay mo ang totoo. Ako ang may kasalanan niyon. Sinabi ko sa nanay mo na huwag munang sabihin sa iyo.

Masaya tayong pamilya, Aica. At ayokong mawala iyon dahil lang sa katotohanang hindi naman na dapat ungkatin dahil wala na rin namang saysay sapagkat wala naman ng pakialam ang taong iyon.

Pero alam kong karapatan mo pa ring malaman ang katotohanan.

Patawad anak, dahil hindi ako ang tunay mong ama.

Ni hindi nga ako naging kasintahan ng iyong ina.

Matagal ko ng kaibigan ang nanay mo noon at matagal ko na rin siyang minamahal mula sa malayo. May nobyo kasi siya noon, si Mon, ang totoo mong ama, at nasa lalaking iyon lang ang atensyon ni Aira.

Ayokong ikasira niyon ang pagkakaibigan namin at lumayo siya sa akin. Kaya kahit masakit ay nanatili ako.

Hanggang sa umiiyak na lumapit sa akin si Aira at sabihin nga ang kalagayan niya. Na may nangyari nga rito at sa nobyo niya.

Nang malaman ni Mon na dinadala ka na ng nanay mo ay bigla na lang itong nawala.

Pinuntahan namin siya sa tinutuluyan niyang bahay at doon namin nalaman na may sariling pamilya na siya.

Ayaw daw niyang panagutan ang nanay mo at ayaw niyang kilalanin ka bilang anak.

Sobrang sakit niyon sa nanay mo at halos napabayaan na ang sarili niya.

Kaya napagdesisyonan kong sabihin sa kanya ang katotohanan. At sinabi kong pananagutan ko siya. Kayo.

Sa una ay hindi niya ako tinanggap pero pinakita ko kung gaano ko kamahal ang iyong ina, at sa kalaunan ay natutuhan niya rin akong mahalin.

Napakasaya ko noon, anak. At ramdam kong totoong totoo ang nararamdaman niya para sa akin.

Suportado ako ng mga magulang ko. Labag naman ang kapatid ko sa naging desisyon ko, pero itinuloy ko pa rin. Alam kong sobrang nabigo ko siya dahil sa sobrang laki ng pangarap niya sa akin.

It's Way Too Early [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon