CHAPTER 4

543 22 3
                                    

Hi! 🤗 Hello! 😁

Gusto ko pong magpasalamat sa mga nakapagbasa na ng It's Way Too Early at thank you in advance po sa mga magbabasa pa. 🤗🤗

Enjoy Reading! ❤️❤️❤️
==================

CHAPTER 4

Napapapikit si Aica habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin ng gabi. Napakasarap sa pakiramdam habang tumatama iyon sa kanyang mukha kapag binibilisan niya ang pagtakbo.

Namiss niya ang ganoong pakiramdam. Noon lang kasi siya nakatakbo ulit. Simula kasi ng ma-encounter niya ang lalaki sa simbahan ay umuwi na siya agad at hindi na itinuloy pa ang pag dya jogging. Dalawang araw din siyang hindi muna pumunta roon dahil iniiwasan niyang makita ulit ito.

Nakaka tatlong ikot na siya nang mapagdesisyonan niyang maglakad-lakad na lang muna. Habol-habol na rin kasi niya ang hininga kaya pinagpahinga muna niya ang kanyang baga. Kapag nakabawi ay mas bibilisan niya pa ang pagtakbo mayamaya.

Malapit na siya sa simbahan nang maramdamang parang may nagmamatyag sa kanya. Nang tumingin siya sa paligid ay tanging mga joggers lang din naman na busy sa pagtakbo at mga nagpa praktis ng sayaw ang nandoon.

Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Guni-guni mo lang iyon Aica. Sabi pa niya sa sarili.

Ngunit nang mapadako siya sa isang madilim na parte ng isang parking lot doon ay napakunot ang noo niya. Para kasing may narinig siyang dumadaing. Nilinga linga niya ang paligid at nagconcetrate sa pakikinig. Pero wala naman siyang narinig ulit. Guni-guni na naman? Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad.

Pero bago pa siya tuluyang makalampas doon ay narinig niya muli ang isang pagdaing ng lalaki. Mabilis niyang sinundan ang tunog niyon. At sa likod ng isang puting van ay tumambad nga sa harap niya ang isang lalaking nakahiga sa semento. Mariing nakapikit ito habang hawak-hawak ang balakang. Mabilis na nilapitan niya ito at lumuhod sa tabi nito. Siguro ay nasa mga singkwenta anyos na ito.

"Nako, Kuya. Ano po ang nangyari sa inyo?" Nagpalinga-linga siya sa paligid. "Tulong! Tulungan niyo po kami! Tulong!"

Muli niya itong pinasadahan ng tingin. Sa balakang lang ang hawak nito. Nagiisip siya kung dapat niya ba itong itayo o hindi.

"What happened?" anang isang baritonong tinig. Nakahinga siya ng maluwag. Mabuti na lamang at may nakarinig sa kanya.

"H-hindi ko nga po alam eh. Basta paglapit ko ho-" Natigilan siya nang mapagsino ang lumapit. Ang lalaking nakaengkwentro niya sa simbahan!

Naroon na naman ang bilis ng tibok ng puso niya. Parang naumid din ang dila niya. Ano ba itong nangyayari sa kanya?!

Naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya. "Hey, are you okay?" masuyong pagtanong nito sa kanya. Ang mga mata nito ay parang nakakahipnotismo. Nang mapadako naman ang haplos nito sa pisngi niya ay tila parang nakuryente siya na siyang nagpabalik sa huwisyo niya. Mabilis na lumayo siya rito. Mabuti na lang at nagsalita na ang matandang lalaki kaya nabaling ang pansin nila rito.

"M-masakit... balakang... D-dulas." nanghihinang sabi nito. Unti-unti ring napapapikit ito. Hanggang sa nawalan na nga ng ulirat.

"Nako po! Kailangan na siyang madala sa ospital." nag-aalalang sabi niya.

"Tsk! I should have brought my car." narinig niyang bulong nito sa sarili. "Okay. Just relax. There's a hospital nearby. I just need you to help me make him stand so I can carry him. Then dalhin na natin siya sa hospital."

"Sige. Okay." mabuti na lang at may alam ito sa gagawin. Pilit niyang inayos ang sarili at naging focus sa nangyayari at gagawin.

Pero hindi na rin naman niya nagawa iyon dahil ito na mismo ang nagtayo sa walang malay na katawan ng lalaki. Nakita niya kung gaano kalakas ito. Umalalay na lamang siya nang isasakay na nito sa likod nito ang lalaki. Mabibilis pero maingat ang mga kilos nito. Siya naman ay nakasunod lang dito.

Saglit pa lang silang nakakalayo ay may humintong magarang sasakyan sa gilid nila na nakapagpahinto sa kanila.

Bumaba ang bintana niyon at sumilip ang isang lalaki. "Anong nangyari?"

"Dumadaing po na masakit ang balakang. Tapos nawalan na po ng ulirat. Dadalhin po namin sa ospital." siya na ang sumagot.

"Sakay na. Ihahatid ko na kayo." bumaba ito at siyang tumulong na isakay ang lalaki.

Nang makarating sa hospital ay pinagtulungan ng mga ito na dalhin ang lalaki sa ER. Mabuti na lang at nakita sila agad ng gwardiya at mabilis na naglabas ng stretcher kasama na ang isang nurse.

Nagtaka pa siya nang biglang kausapin ng nurse ang lalaking naghatid sa kanila. Mukhang close pa nga ang mga ito. Naliwanagan lang siya ng marinig niya ang nurse na tawagin itong Doc at pumasok na sa loob.

Saglit naman na pinaupo sila sa registration para tanungin. Ang lalaking nasa tabi niya ang sumagot.

"We really don't know what happened. Nang makita namin siya ay nakahiga na siya sa semento. He just said that he slipped and masakit ang balakang niya. After that nawalan na siya ng malay."

Iyon lang at pumunta na ito sa isang private na space na ang divider lang ay kurtina kung saan nakita niyang pumasok ang doktor kasama ang pasyente.

Napabuntong hininga siya. Isang kaginhawaan na nadala nila agad ng lalaki. Nanghihinang napasandal siya sa upuan at napapikit.

Pinagrerelax niya ang katawan nang maramdaman niyang may nakatitig sa kanya. Nang buksan niya ang mga mata ay hindi nga siya nagkamali. Nakatingin kasi ang lalaki sa kanya. Busy ito sa pagtingin sa buong mukha niya. At nang magtama ang mga mata nila ay napangiti ito. Ganoon pa rin ang epekto sa kanya ng mga mata nito. Naramdaman niyang umakyat yata ang lahat ng dugo niya sa mukha. Hindi niya alam kung susuklian ang ngiti nito.

Mula sa pagkakaupo nito na ang mga siko ay nakapatong sa tuhod ay umayos ito ng upo at humarap sa kanya.

"We haven't formally met." inilahad nito ang kanang kamay. "I'm Matthew."

Matthew pala ang pangalan nito. Bagay na bagay dito.

Nagdalawang isip pa siya kung tatanggapin ang pakikipag kamay nito. Pero nang balikan niya ang mga nangyari kanina ay napa isip siya. Hindi naman pala ito masamang tao. Mabilis pa nga siyang tinulungan nito. At ng maalala ang huli nilang pagkikita, ito pa nga ang umalalay sa kanya at naglagay ng tubig. Ang bastos naman kung susungitan at tatanggihan niya iyon.

"Aica." saka nakipagkamay dito.

"Aica." Ulit nito. Parang ninanamnam ng dila nito ang pangalan niya. Hindi pa rin sila nagbibitaw. Kay lambot ng mga kamay nito. Ang sarap din sa pakiramdam ng init na bumabalot mula doon. Parang ayaw na niyang bumitiw pa.

==================

Thank you so much po! 😘😘😘

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thank you so much po! 😘😘😘

Gusto ko pong i-mention din yung mga nakabasa na, kaso hindi naman po kita dito sa Watty...
Pero sobrang salamat pa rin po sa inyo!
Sobrang Na appreciate ko po
Love love!!! 😘😘😘

==================

How was it?

Any comments?

Votes?

New friends?

Chika tayo? 😁

Thank you for reading my work!
❤️❤️❤️

Posted: June 5, 2020 9:54 pm

It's Way Too Early [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon