CHAPTER 20

392 16 4
                                    

First of all, gusto ko pong pasalamatan ulit ang Panginoon sa pagbibigay po sa akin ng blessing na ito at nakagawa at nakasulat po ako ng isang story. Sana po ay makagawa pa po ako at ma express ko ng maayos ang mga nagagawa or gagawin pa pong mga storya. Thank You so much po! ❤️❤️❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

Second, sa lahat po ng nagbasa ng "It's Way Too Early", at magbabasa pa po, Salamat! 🤗❤️😘😘 *kisses*

Salamat din po sa mga nag vote, nag comment, at mga nag follow sa akin habang ginagawa ko ang storya na ito. Salamat po sa tiwala at pagtangkilik. Sana po sa mga susunod na mai-published ko or journey as a writer ay magkitakita pa rin po tayo hehehe ^_^ Kila Ate IamAyaMyers po at Ate ballpenniako, thank you po ulit kasi isa din kayo sa reason kaya nakapag open ako dito sa Watty. Marami pa po akong itatanong ha? Hahahaha

Hello to my fam! Heheh *kisses*

Thank you and Happy Reading!

==================❤️❤️❤️


CHAPTER 20

"Reece is pregnant."

Napasinghap siya. Kaya pala magpapakasal ang mga ito.

Ito na nga Aica. Magpapaalam na si Matthew. Parang pinipiga ang puso niya. Pero pilit niyang pinigilan ang sariling umiyak. Ayaw na niyang umiyak sa harap nito. O kahit sa sino man. Hindi na niya kayang palagi na lang siyang nagmumukhang kawawa.

"But I can't do it, Aica." Hinawakan nito ang mga kamay niya. "I can't marry her."

Tumitig ito ng mabuti sa kanyang mga mata. "Ikaw ang mahal ko!"

Umusbong ang kaligayahan sa kanyang dibdib. Kitang kita sa mga mata nito ang pagmamahal sa kanya.

Hindi siya makapaniwala na makikita niya sa mga mata lang nito ang damdaming iyon. Nakikita din kaya ng binata sa kanyang mga mata na mahal din niya ito?

Hindi niya akalaing mahal din pala siya ng taong mahal niya. Kung wala lang sanang hadlang ay magtatatalon na siya sa tuwa at pupupugin na ng halik ito.

Pero labag man sa loob niya, kailangan niyang baliwalain iyon. Isa siya sa mga halimbawa ng walang kinagisnang mga magulang sa paglaki. Ayaw niyang maranasan ng batang nasa sinapupunan ni Reece ang naranasan niya.

Ayaw niyang magaya siya na iaasa na lamang ni Reece sa ibang lalaki ang magiging anak ng mga ito. Ayaw niyang ulitin ang nakaraan. At lalo nang ayaw niyang maging dahilan ng lahat ng iyon.

Pinatatag niya ang loob at hinarap ito. Pati ang ekspresyon ng mukha niya ay ganoon din. At sinabi ang bagay na napagdesisyonan na niya agad.

"Hindi." umiling siya. "Hindi pwede Matthew."

Napakunot noo ito. "Anong hindi pwede?"

"H-hindi. Hindi mo ako pwedeng mahalin. Hindi pwede. Kailangan mong panagutan si Reece. Hindi mo dapat iwanan ang bata."

Tila parang naguluhan ito sa sinasabi niya. Mayamaya ay naging seryoso muli ang mukha.

"Ikaw ang mahal ko, Aica. Pwede ko namang panagutan ang bata ng hindi nagpapakasal kay Reece. Maraming pwedeng paraan para masuportahan ang bata."

Hindi pa man natatapos ito sa pagsasalita ay umiiling na siya. "Matth-"

"Aica, hindi mo ba ako mahal?" putol nito sa kanya.

It's Way Too Early [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon