Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
______________________________________
"Aisha, gusto kita." Napatitig lang ako sakanya habang sinasabe niya ang tatlong salitang 'yan.
Nagulat ako dahil hindi ko inakala na may gusto sakin ang bestfriend ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa pagkagulat sa sinabe niya.
"Aisha?" pagtawag niya sakin.
"Ano ulit yon?" sambit ko.
"Gusto kita, Aisha. Matagal na. Una palang kita nakita, crush na kita pero dahil mga bata pa tayo hindi ko pinansin yon. Pero nung mapalapit ako sayo hindi ko inakala na mahuhulog ako ng tuluyan sayo." Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat kaya hinayaan ko nalang muna siya ipagpatuloy yung mga sasabihin niya.
"Sumasaya ako kapag napapasaya kita, ang saya saya ko kapag nakikita ko yung ngiti dyan sa labi mo. Ang saya ko kapag kasama kita, nalulungkot ako kapag malungkot ka at gusto ko nandyan ako lagi sa tabi mo kapag nalulungkot ka. At.... Nalulungkot ako tuwing nakikita kitang kasama si Angelo, nagseselos ako tuwing napapangiti ka niya. Hinihiling ko na sana... Sana ako nalang 'yon, sana ako nalang." dagdag niya pa.
Naiiyak ako sa mga naririnig ko mula sakanya. Dahil hindi ko inakala na ganon pala ang nararamdaman niya. Nadadala niya ako sa mga pang-aasar niya ngunit hindi ko nahalata yung sakit na nararamdaman niya. Ang tanga mo naman, Aisha!
Nakita niya ang mga luha galing sa aking mga mata kaya lumapit siya sakin at niyakap ako. Mas lalo akong naiyak nang yakapin niya ako dahil feel ko magbabago ang pakikitungo niya sakin magmula ngayon. At ayokong mangyare 'yon.
"I'm sorry. Sorry kung nagkagusto ako. Alam kong may usapan tayo na hanggang bestfriends lang, pero hindi ko alam napapamahal na ako sayo na mas lamang pa sa pagiging bestfriend." sambit pa niya habang pinupunasan ang pisngi ko na puno ng luha galing sa aking mata.
"Sorry din kung ang tanga ko, hindi ko man lang nakita na nasasaktan ka. Promise mo sakin please? Walang magbabago kung paano tayo dati, ganon padin ngayon oki? Ayokong mawala ka sakin." naiiyak paring sambit ko.
"Hindi mo kasalanan yun, choice ko yun. Ayoko talaga pakita sayo dahil ayokong dumagdag pa sa mga iniisip mo. Oo naman, wala talagang magbabago 'no. Aysh! hinding hindi ako mawawala sayo. Lagi lang ako nandito sa tabi mo, promise." nakangiting sambit niya.
"Sorry padin. Dapat lang 'no! Wag mo'ko iiwan ah?"
"Oo naman." Nakita ko naman na pilit siyang ngumiti.
Nasasaktan parin ako sa nalaman ko sakanya ngunit alam ko namang maiintindihan niya ang side ko. Hindi ko na muna inisip 'yon dahil dapat masaya lang kami ngayon.
"Nako! Aisha, may pupuntahan pa pala ako."
"Huh saan ka pupunta?" tanong ko.
"Sa isang kaibigan, may importante kasi kaming ginawa. Sige na bye na!" nagtaka naman ako dahil nagmamadali siyang umalis ngunit hindi ko na 'to pinansin.
Boring ang mga kasunod na araw dahil wala akong ibang ginawa kundi magbasa lang ng libro dahil busy rin si Angelo sa business nila. Gusto ko siyang puntahan at kamustahin ngunit mukhang sobrang busy siya kaya naman hindi ko na muna siya iniistorbo. Si Ryan naman hindi din nagpaparamdam, hmp katampo! Pero napaginipan ko siya kanina, nakangiti lang siya sa panaginip ko at parang nagpapaalam sakin. Kaya naman mamaya pupunta ako sakanila para kamustahin siya.
Bumaba muna ako dahil nagugutom na din talaga ako. Nakita ko naman si mama na nakaupo at nakatutok sa kanyang laptop.
"Ma, may pagkain pa po ba?"
"Nasa ref anak." dali-dali naman akong pumuntang kusina at kinuha agad ang pagkain sa ref. Medyo malamig na 'to ngunit okay na din, gutom ako e. Habang kumakain ay biglang nagring ang phone ko. Sino kaya 'yon?
Tita Candy calling.....
"Aisha? Aisha pumunta ka dito ngayon, please. Naaksidente si Ryan malala ang lagay niya ngayon." natigil ako at nanginig sa narinig mula kay tita.
______________________________________
_____________________
____________:)
BINABASA MO ANG
In Between (On Going)
Teen FictionA story where Lumiere Aisha had a lover named Lance Angelo. She didn't know that her bestfriend Ryan was hurt, while she was with Angelo. Her bestfriend Ryan confessed his feelings to Aisha. She was shocked, but they promised each other that nothing...