ViewMaaga naman kaming gumising para sulitin pa ang ilang oras dahil may pasok na ulit kami bukas. Naligo na kami at nag-ayos ng gamit.
"Wala na kayong naiwan?" tanong ni Angelo.
"Na-check ko na naman, wala naman na naiwan." nakangiting sambit ni Elyse.
"Okay, let's go na! Sayang oras." naunang naglakad si Angel. Sumunod naman kami sakanya. Nang matapos namin malagay ang mga gamit namin sa sasakyan ay pumunta na kami sa sinasabe nila Angel na masayang puntahan dahil maganda ang view, at masarap mag-picture.
Pinikit ko na muna ang mga mata ko dahil medyo masakit ang ulo ko dahil kulang sa tulog. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Ryan, Si Angel naman ang nasa frontseat dahil siya ang may alam ng direction. Nakita ko namang tumingin si Angelo, ngunit hindi ko na ito pinansin.
"Uy guys, we're here na!" nakangiting sambit ni Angel. Nag-ayos naman na ako at tumingin kay Ryan na nakangiti sakin.
"Bakit?" nagtataka kong tanong.
"Wala, ang cute mo lang. Haha!" tumatawang niyang sambit.
"Thanks." sambit ko.
Bumaba na kami ng sasakyan at tinignan lang ang magandang tanawin sa aming harapan.
"Ang ganda!" namamangha kong sambit at agad pinicture-an 'yon.
"Lika, Aisha! Picture-an kita." nakangiting sambit ni Ryan. Agad naman akong lumapit at nag-pose doon.
"Naks! Ganda naman!" nakangiti niyang sambit.
"Aba syempre noh!" sambit ko naman.
"Ako naman dali!" sambit ni Elyse. At agad siyang pumunta sa kung saan ako nakapwesto kanina. Napangiti naman ako dahil ang ganda niya! Si Angel ang sumunod na nagpakuha, inasar ko naman si Ryan.
"Yieeee! Dyan nagkatuluyan lolo't lola ko!" sambit ko sakanila. Nakisama na din si Elyse sakin.
"YUCK!" sabay nilang sigaw kaya lalo kaming natawa.
"Kadiri ah!" sambit ni Ryan.
"Wow ah?! Ikaw pa nandidiri, swerte mo pa no' sa ganda kong to'?" pagtaray sakanya ni Angel.
Nagsagutan na naman sila ngunit hindi ko na 'to pinansin dahil nakita ko si Angelo na nakatingin sa malayo at mukhang ang lalim ng iniisip.
"Hey! Okay ka lang? Parang ang lalim ata ng iniisip mo?" lumapit ako sakanya.
"Oo naman! Baliw hindi, ang sarap lang tignan pero ang sakit din pala." ngumiti siya ngunit ito'y halatang pilit.
"huh? Masakit?" taka kong tanong.
"Wala haha. Picture-an nalang kita dali!" agad niya namang tinapat sakin ang phone niya kaya ngumiti nalang ako.
"Ikaw naman!" kinuha ko ang phone ko at pinicture-an din siya. Nagsmile naman siya agad. Ang lakas talaga ng dating niya, nang-aakit e lalo na yung dimple niya!
"Tayo! Picture ulit please?" ang daya, ang cute niya! Pumayag naman ako sa gusto niya dahil gusto ko den. Char! Para mawala din ang kung ano mang iniisip niya.
"Hindi kana galit sakin?" tanong niya.
"Hindi naman ako galit ah?" sambit ko.

BINABASA MO ANG
In Between (On Going)
Novela JuvenilA story where Lumiere Aisha had a lover named Lance Angelo. She didn't know that her bestfriend Ryan was hurt, while she was with Angelo. Her bestfriend Ryan confessed his feelings to Aisha. She was shocked, but they promised each other that nothing...