Chapter 2

66 42 18
                                    

First day

After 7 years....


"Aisha, gising na. Hinihintay kana ni Ryan sa baba, sabay daw kayo papasok. Mag-ayos kana dyan." sabi ni mama. Kaya naman agad akong naligo at nag-ayos na ng gamit tsaka bumaba.


Nakita ko silang naghihintay sa akin para makakain na. Agad naman akong umupo sa aking upuan at bumati sakanila.

"Goodmorning!" nakangiti kong sambit.

"Goodmorning." malamig na sambit ni Ryan kaya naman sumimangot ako sakanya at kumain nalang.

"nako anak bilisan mo na dyan, nakakahiya kay Ryan kanina pa nagaantay sayo." sambit ni mama

"Kumain naman siya ma, okay lang yan." sabi ko.

Tumingin ako kay Ryan at tinignan niya lang din ako. Nang matapos ay lumabas na kami at nagsimula maglakad papuntang school, dahil malapit lang naman ang school namin dito.

"Bakit ang sungit mo ngayon? Meron kaba?" tanong ko sakanya.

"Pake mo" pagsusungit niya. Hmp parang akin galing yan ah.


"Hmp edi hindi na kita kakausapin." sambit ko nang mainis na.

"Joke lang" sambit niya.


Hindi ko pinansin ang sinabe niya at naglakad na lamang ako. Hanggang sa makapasok na at hinanap ang classroom namin, dahil parehas lang naman kami.


Nang mahanap na namin, umupo ako sa may bakanteng upuan at sumunod din si Ryan. Tumabi sakin ngunit hindi ko padin siya pinapansin.


"Uy, sorry na please" pagsusumamo niya. Ngunit ayaw ko padin hmp bahala siya.


Dumating na ang magiging guro namin kaya naman hindi na siya nakapagsalita pa.


"Goodmorning class, I'm Ms. April Mae Mendez and I will be your adviser for this school year" nakangiti niyang sambit. Natuwa naman ako sakanya dahil ang ganda niya at ang amo ng mukha.

"Kayo naman pakilala kayo isa-isa" sambit niya.


"I'm Ryan John Martin. I love playing guitar and singing." pagpapakilala ni Ryan. At sumunod naman ako

"I'm Lumiere Aisha Vera, I like writing stories, singing and dancing." pagpapakilala ko.

Nang matapos ang introduce yourself ay nagdiscuss ng kaunti ng rules and regulations ang aming adviser. Nang magbell ay pumunta na akong canteen para kumain. Nagulat ako nang may biglang sumingit sa harapan ko, hindi ko ito kilala ngunit matangkad siya at sige, medyo cute na rin. Pero hmp walang pwedeng sumingit dito hays.

"Hoy! Hindi mo ba nakita na nakapila ako??" sabi ko sakanya.

"Sorry, hindi kita nakita. Ang liit mo kasi." ngumiti pa siya hmp. Nanggigil na ako dito ah pigilan niyo ako


"Aba! pwede ba ha?? Wala akong oras sayo kaya pumila ka ng maayos at wag kang pasingit-singit lang dyan!" naiinis ko sambit.

"Paano kung ayoko?" nang-aasar niyang sabi.

"Edi wag." napikon kong sabi. Hays sa bahay nalang ako kakain hmp sayang lang oras ko sakanya.

Umalis na ako don at bumili na lamang ng tubig, para kahit papano ay may laman ang tiyan ko. Umupo na lamang ako sa isang table doon at tinuloy ang pagbabasa sa libro ko. Nagulat ako nang may umupo sa harap ko.

"Ikaw nanaman?! Anong ginagawa mo dito?" naiinis ko pa ring sabi.

May bigla siyang nilagay sa harap ko, dalawang sandwich at may kasama pang fries.

"Sorry sa pagsingit ko kanina, ayan na pambawi ko hehe sana magustuhan mo. Kainin mo yan ah para hindi lang tubig laman ng tiyan mo hays." sabi niya.

"Wala yon haha nairita lang ako, sorry. Thank you." nakangiti kong sambit sakanya.


"Walang anuman. Ako nga pala si Angelo." naglahad siya ng kamay.

"I'm Aisha." at nakipag shake-hands sakanya.

"Ow nice name, bagay sayo." ngiti niya sakin.

"Thank you." sabi ko.

"Anong grade ka?" tanong niya.

"mm grade 10, ikaw ba?" pabalik kong tanong.

"grade 12." sagot niya.

"ow so kuya kita? Haha" sabi ko.

"Ayoko, hindi. Hindi mo'ko kuya, friends tayo." sambit niya. Natawa ako sa naging reaction niya nang sabihin ko iyon. Tumango na lamang ako sakanya at kinain nalang ang binili niya para sa akin.

"Aisha!" pagtawag sakin ng kung sino man, agad naman akong lumingon at nakita kong si ryan 'yon.

"Halika na, uwi na ta--" natigilan siya at tinignan maigi si angelo. "sino ka? Sino yang kasama mo, aisha? " tanong niya.

"Angelo, si ryan nga pala bestfriend ko. Ryan, si angelo." pagpapakilala ko sakanilang dalawa.

Naglahad naman ng kamay si angelo ngunit hindi ito pinansin ni ryan at hinatak na lamang ako.

"Sandali nga! Masakit ah!" naiirita kong sabi.

"Sino ba yon ha? Crush mo? Bakit mo siya kasama, anong ginawa niya sayo ha?!" sunod-sunod niyang tanong.

"Nakilala ko lang kanina, nagsorry lang siya kase sumingit siya sa harap ko kanina kaya umalis nalang ako sa pila at ayun binilhan niya ako ng sandwich. At ano kaba hindi ko siya crush no' pero cute siya diba? Hehe." kinikilig kong sambit.

"Che! Mas cute ako don hmp" sabi niya. Agad naman akong natawa sakanya.

"Yuck kadiri! Ikaw? Cute? Yuck." pang-aasar sakanya dahil nakakatawa ang kanyang reaction.

"Edi hindi na cute, pogi nalang." at bigla siya nagpogi-sign.

"Yuck huhu tumigil ka na nga hmp. Oo nalang ako basta libre mo'ko hehe." pambuburaot ko.

"hays yan na buraot. Ano ba gusto mo?" tanong niya.

"ice cream, pleash?" nagpuppy eyes ako para lalong gumana.

"oh tara don." pagturo niya sa 7 eleven store malapit samin.

Kinuha ko agad ang cookies n' cream flavor dahil iyon ang favorite ko at siya naman ay strawberry hahaha. Nang malaman ko 'yon nung una ay inasar ko pa siya ngunit baka mas trip nga lang niya ang lasa.

"Gusto mo pa?" tanong niya nang agad ko naman itong naubos.

"Yes, please." sagot ko. At agad naman siyang tumayo at kumuha ulit para sakin.

Pagkatapos namin kumain ng ice cream ay hinatid na niya ako sa'min dahil ang dami pa naming kailangan gawin at kailangan din ng pahinga.

"Thank you sa pa-ice cream mo and sa paghatid." sambit ko.

"Walang anuman, aisha. Basta ikaw malakas ka sakin e!" nakangiti niyang sabi.

"Naks naman hahaha sige na umuwi kana at madami pa tayong gagawin." sabi ko.

"sige babye!" nakangiti niyang sambit.

Pumasok na ako sa'min, wala pa si mama kaya baka nasa trabaho pa siya. Umakyat na lang ako sa kwarto at ginawa ang mga dapat gawin. Nag-advance reading din ako para may alam na ako sa kung ano mang ituturo sa mga susunod na araw. At maya-maya nakaramdam na din ng antok, kaya natulog na ako.

_________________________________________________________________________
__________________

:)

In Between (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon