Chapter 1

71 43 22
                                    

Park

Third Person's POV

Naglalaro sa park ang batang lalake nang may makita siyang batang babae na nakaupo sa may damuhan. Napasigaw at tumakbo ang bata dahil inaakala niya na isa itong multo kaya naman di niya inaasahan na siya ay madapa sa damuhan. Napatingin sakanya ang batang babae at ito'y napatayo at nagdesisyon na puntahan ang batang lalaki para tulungan.

Aisha's POV

"HEP, DYAN KA LANG WAG KANG LALAPIT." nagtaka ako dahil siya ay nanginginig. At siya na nga 'tong tutulungan ayaw niya pa.

"Bakit ka nanginginig?" tanong ko sakanya.

"TAO KA?! HINDI KA MUMU?" Lumapit ako at binatukan siya.

"Nakakatakot ba ako ha?! Hmp bahala ka nga dyan istorbo ka sa pag muni-muni ko!" at iniwan ko na siya don ngunit hinabol niya ako.

"Sandali! Natatakot ako, pwede mo ba akong samahan?" natawa naman ako sakanya dahil halatang natatakot nga siya

"Bading ka no'?" Panunukso ko sa kanya.

"Hindi ako bading 'no! Nagpapasama lang bading agad?" 

"eh takot ka e hahaha." kunwari pa 'to.

"Hindi nga hays bakit? Bawal ba matakot ha? Gusto mo kiss pa kita e" nagulat naman ako sa sinabe niya.

"HOY ANONG KISS BATA PA AKO NO' TSAKA IKAW DEN BATA KA PA HMP"

"basta hindi ako bading hays samahan mo na kasi ako, dali na!" pagmamakaawa niya saken.

"Oo na, sige na." pagpayag ko.


Umupo kami pareho sa damuhan at tumingin lamang sa kalangitan.

"Ang ganda 'no?" sambit niya at tumango lamang ako.

"Ako nga pala si Ryan. Ryan John Martin." pagpapakilala niya.

"Pake ko" pagsusungit ko sakanya.

"Sungit mo naman!"

"Wala lang ako sa mood" sabi ko.

"Sinabe ko lang naman name ko" malungkot niyang sabe.

"Hay ako si Aisha, Lumiere Aisha Vera." pagpapakilala ko.

"Ang ganda ng pangalan mo, bagay sayo." nakangiti niyang sambit.

Nginitian ko lang siya at natahimik kame saglit ng bigla nanaman siyang magsalita. Ang daldal naman neto.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong niya.

"Ah wala gusto ko lang pumunta dito pag gusto ko mapag-isa, ang aliwalas kasi tignan nung view tas ang tahimik lang den." giit ko.

"Bakit? Okay ka lang? May problema kaba?" tanong niya ulit.

"Iniwan kasi kami ni papa." hindi ko na napigilan hindi ma-iyak. Pag sinasabe ko kase problema ko or pag may nagtatanong kung okay lang ako, di ko mapigilan.

"hala! Sorry ang kulet ko, wag ka na umiyak, hindi na ako mag-iingay nakazip na mouth ko hehe." at umaktong zinip nga niya bibig niya.


Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako. Sinandal ko lang din ang ulo ko sa balikat niya at umiyak na lamang.

Hinatid niya na lamang ako sa bahay namin, kahit nadaanan namin ang bahay nila. Ihatid niya na daw ako dahil baka daw kung ano mangyare sa akin at malagot daw siya sa mommy niya kapag may nadisgrasyang babae dahil sakanya.

"Saan ka galing, anak at bakit mo kasama si ryan?" bungad ni mommy sakin pagkapasok ko ng bahay.

"Sa may park lang po, ma. Nagkita po kami sa park" sambit ko.

"Anak, siya yung sinasabe ko sa iyong anak nung matalik kong kaibigan na si tito Raymarc mo at kakalipat lang nila dito." nakangiti niyang sambit.

"Talaga po ma? Bakit hindi ko po siya nakilala?" tanong ko.

"Dahil ayaw ng papa mo noon na lumalapit o kinakausap ako ng tito raymarc mo." nakangiti niyang sinabe iyon pero kita ang lungkot sa kanyang mata.

"Bakit daw po?" nagtataka kong tanong.

"Akala kasi ng papa mo noon na may gusto sakin si raymarc, e kaibigan lang naman turingan namin non." sabi niya.

"Eh ngayon po? Hindi pa po kayo naguusap?" tanong ko sakanya.

"Hindi pa, anak. Nahihiya kasi ako sakanya e, hindi ko alam kung paano siya kakausapin." malungkot niyang sabi.

"Wag ka mag-alala mama, tutulungan po kita. Para magkaayos na din po." nakangiti kong sabi.

"Nako anak, salamat! Pero wag mo na alalahanin yun. Posible rin naman talaga na magkaayos kame dahil malapit lang naman tayo sakanila. At kaibigan ko rin si Candy, ang asawa ng Tito Raymarc mo." nakangiti niya ring sambit.

"Sige po mama basta sana po magkaayos na kayo and maging friends po kayo ulet. Akyat na ako ma.  Inaantok na rin po kasi ako." sabi ko.

"O sige anak goodnight." nakangiti niyang sabi.



Hinalikan ko siya sa pisngi at umakyat na. Pumunta muna ako ng banyo, naghilamos at nagtoothbrush bago pumunta sa aking kwarto. Inisip ko pa na magbasa ng libro ngunit bumabagsak na ang aking mata kaya naman natulog na ako.

____________________________________________________________
_____________

:)



In Between (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon