Girlfriend
Aisha's POV
"Oh Ace! Bakit ka nandito?" tanong ko. Binati niya muna si mama at si Ryan bago niya ako sinagot.
"Susunduin ka ulit," nakangiting sambit niya sakin.
"Nako! Mukhang araw-araw mo na susunduin ang anak ko ah, nanliligaw kaba anak?" tanong ni mama sakanya. Kaya naman nahiya ako.
"Ma, nakakahiya!" pag-inarte ko.
"Hindi po tita," nakangiting sambit ni Ace. Medyo nasaktan ako don. Medyo lang!
"Pero tita kung manliligaw po ako, pwede po ba?" dagdag pa ni Ace kaya naman nagulat ako.
"Aba, oo naman! Basta tapusin ang pagbutihan niyo ang pag-aaral ninyo ah?" nakangiting sambit ni mama kaya naman napangiti rin ako.
"Talaga po, tita? Yes!" masayang sambit ni Ace. Natawa lang ako sa reaction niya,
"Edi liligawan mo nga ang anak ko?" tanong ni mama sakanya.
"Opo tita, kung okay lang po sainyo tsaka kay Aisha." nakangiting sambit ni Ace at bumaling naman sakin.
"Sakin, okay lang! Sayo ba anak?" tanong sakin ni mama. Nahiya ako dahil nakatingin sila sakin ngayon.
"Ah-------" napatigil ako nang biglang magsalita si Ace. "Hindi ko naman po siya minamadali tita, willing naman po ako hintayin ang sagot niya." nakangiting sambit ni Ace kay mama at sakin.
"Oh siya sige na! Baka malate pa kayo sa school, ingat!" sambit ni mama kaya nagpaalam na kami sakanya. Bigla naman akong napatingin sa masungit na mukha ni Ryan.
"Bakit ganyan mukha mo?" tanong ko sakanya.
"Ano pogi?" nakangiti niyang sambit.
"San banda?" pabalik kong tanong.
"Sa mukha, duh!" at tinarayan ako kaya naman hindi ko nalang siya pinansin. Nandon na si Angel sa sasakyan, nakakahiya dahil kanina pa pala siya nag-aantay.
"Sa harap ka, ashie!" nakangiting sambit niya sakin. Tumango ako sakanya at pumunta sa harap.
Natawa naman ako dahil hindi talaga nagtatabi si Ryan at Angel. Nasa magkabilaang side sila ng bintana, haha!
"O nga pala, sa friday alis ulit tayo! Beach naman daw request ni gel." nakangiting sambit ni Ace. Natuwa naman ako dahil matagal na ang last punta ko sa beach.
"Yes! I'm so excited na!" masayang sambit ni Angel.
"O sige ba! Mukhang masaya lagi weekends natin ah?" nakangiting sambit ni Ryan.
"May kasama bang parents?" tanong ko. Dahil iniisip ko na isama si mama para hindi siya maiwan ulit sa bahay.
"Pwede naman, sama mo na si tita! Miss ko na agad luto niya," nakangiting sambit ni Ace.
"Right, Aisha!" nakangiting sambit ni Angel at tumango pa.
"O sige! Para hindi rin siya maiwan ulit mag-isa sa bahay." sambit ko sakanila kaya naman natuwa sila.
"Kayo ba? Hindi sasama parents niyo?" tanong ko.
"Hindi kaya ni papa bumyahe ngayon e, si mama naman magbabantay sakanya." sambit ni Ace.
"Sayang! Sana nextime pwede na." nanghihinayang na sambit ko.
"For sure 'yan! Lumalakas na din naman si papa." nakangiting sambit ni Angel.
"Really? That's good!" nakangiting sambit ko.
"Yung isa dyan, ang dami nanaman sigurong dadalhin." parinig ko kay Ryan. Kaya naman sinamaan niya agad ako ng tingin.
"Ganon talaga pag pogi!" nakangiting sambit niya at nagpogi-sign pa. Iw!
"Yuck! Ryan mandiri ka nga!" nandidiring sambit ni Angel. Kaya natawa kami.
"Hindi ako mandidiri, kasi totoo naman!" proud niyang sambit.
"In your dreams!" sambit ni Angel.
"Totoo 'yon!" natatawang sambit ni Ryan. "Diba pre?" dinamay pa niya si Angelo, tumango naman siya at natawa nalang.
"Oh diba? Pati kuya mo umaagree sa kagwapuhan ko!" pagmamayabang niya.
"Che!" naiiritang sambit ni Angel.
"Baka mainlove ka dyan lil sis ah?" nang-aasar na sambit ni Ace sakanila. "Oo nga haha!" nakisama ako.
"Yuck ahh? Never!" naiirita parin sambit ni Angel kaya natawa kami.
"Arte mo! Gwapo gwapo ko nga hay," feel na feel nanaman niya.
"Hay ewan ko sayo!" nairitang sambit ni Angel. Kaya natawa si Ryan at mas lalo pa siyang inasar. Tinatanggal nito ang headset kay Angel at nagpapapogi 'to. Tawang tawa naman kami ni Ace dito.
"Iw kuya! Paalisin mo na nga 'to dito!" iritang sambit ni Angel. At tinawanan lang siya ni Ace.
"Hay salamat! We're here na. Parang ang haba ng byahe grabe panggugulo ng pangit na 'to!" iritang sambit ni Angel.
"Pangit mo kasi haha!" sambit ni Ryan sakanya kaya lalo lang 'tong nairita.
"Kita tayo mamaya," sambit ni Ace sakin at tumango lang naman ako sakanya.
"Sige," ngiti kong sambit. At agad naman siyang dumiretso sa room nila at ganun din kami. Habang naglalakad ay naiilang naman ako sa mga tingin ng iba.
"Why are they looking at you? Anong meron?" nagtatakang tanong ni Angel sakin. Wala naman akong nasagot dahil hindi ko din alam kung bakit sila nakatingin sakin.
Nagulat naman ako nang makita si Elyse na tumatakbo papunta samin.
"Halika! Canteen nalang muna tayo?" nagtataka naman ako sa kinikilos niya dahil para bang may tinatago siya.
"Ano bang meron?" takang tanong ni Ryan.
"May ano kasi ano----" parang nag-aalangan siya kung sasabihin niya ba o hinde.
"Ano?" tanong ni Ryan sakanya. Gusto ko na talagang malaman kaya naman naglakad ako nang mabilis patungong room namin. Nagulat naman ako nang may makitang iilan na babae doon, mukhang higher year sila.
"O ayan na pala siya!" sambit nung isang babae.
"Ang landi mo rin e no'? Tanong nung malditang babae. Nagtataka naman ako dahil hindi ko naman siya kilala. Sino ba siya?!
"Anong problema mo?" matapang na sagot ko at naiirita na sa inaasta niya.
Nagulat naman ako nang bigla niya akong sampalin. Ang sakit nun ah! Sakto namang andito na sila Angel kaya naman agad nila akong dinaluhan.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Angel. Tumango lamang ako sakanya at tumingin ulit sa babaeng nasa harapan ko ngayon.
"Sino ka ba?!" iritang sambit ko sakanya.
"Ako lang naman ang girlfriend ni Ace,"
________________________________________________________________________
_________________:))

BINABASA MO ANG
In Between (On Going)
Fiksi RemajaA story where Lumiere Aisha had a lover named Lance Angelo. She didn't know that her bestfriend Ryan was hurt, while she was with Angelo. Her bestfriend Ryan confessed his feelings to Aisha. She was shocked, but they promised each other that nothing...