Burden
Habang naglalakad kami ni Ryan ay bigla kaming napatingin sa lola na biglang nagsalita. At nakatingin 'to sa amin.
"Pwede ko ba kayong hulaan?" sambit nito samin. Nung una ay ayaw pumayag ni Ryan ngunit sinabi ko na okay lang naman kaya pumayag na rin siya. Ako ang una niyang hinulaan at hinawakan niya naman ang kamay ko. Medyo kinilabutan ako.
"Iha, may isang taong malapit sayo na may masamang balak, hindi mo inaasahan na siya ang manloloko sayo. Kaya mag-iingat ka sa mga pinagkakatiwalaan mo. Nandyan lang siya, nakapaligid sayo." kinilabutan naman ako sa sinabi niya at natakot bigla. Binitawan niya naman ako at agad hinawakan si Ryan.
"iho, mag-iingat ka. Ingatan mo ang sarili mo, wag ka din agad-agad magtitiwala dahil hindi mo alam baka 'yon ang magiging dahilan ng kamatayan mo." natakot ako sa sinambit niya. At ramdam ko na ganun din ang naramdaman ni Ryan.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" taka kong tanong.
"Ah, wala! Sige na umuwi na kayo at mag-gagabi na." nakangiti niya namang sambit. Ngumiti naman ako sakanya at bigla na siyang umalis.
"Grabe! Ang creepy niya." natatakot ko paring sambit.
"Oo nga! Ano kaya yung magiging dahilan ng kamatayan ko?" taka niyang tanong.
"Hoy wag mo nga isipin 'yon! Matagal pa yun hmp hindi ka pa mamamatay." seryoso kong, sambit dahil pati ako ay natatakot.
Maya maya'y nakarating na kami sa bahay at pumasok kami agad sa loob.
"Wala parin pala si tita," sambit niya, tumango naman ako.
"Hindi ba obvious?" sarkatiko kong tanong.
"Hmp! Stay na muna ako dito." seryoso niyang sambit.
"Sige, mag-aral nalang ulit muna tayo." sambit ko sakanya. "pero teka magpaalam ka na muna, text ka kay tita or tito!" sambit ko sakanya. Tumango naman siya sakin at kinuha ang phone niya.
"Done na, okay daw!" nakangiti niyang sambit. Kaya ngumiti rin ako. Nag-aral na kami at inaral ko 'yong mga lessons kanina na hindi ko naintindihan at nagpaturo kay Ryan.
Maya maya'y dumating na rin si mama kaya naman nagpaalam na si Ryan na uuwi na siya. Nang makauwi ay umupo sa tabi ko si mama kaya naman napatanong ako sakanya.
"Ma sino yung matandang babae sa may park?" taka kong tanong. Nagulat naman siya sakin.
"Si aling rose ba ang nakita niyo?" tanong niya sakin.
"Aba malay ko ma hindi naman siya nagpakilala, sabi niya lang kung pwede niya kami hulaan at ayun hinulaan niya kami." napakunot naman siya ng noo.
"Ano?! Bakit kayo nagpahula sakanya? Dapat iniwasan niyo nalang!" nagtaka naman ako.
"Bakit ma?" tanong ko.
"Wala basta masama 'yon!" sambit niya sakin at tinanong siya ulit.
"Bakit masama?"
"Ang mga hula niya, lahat' yon ay nagkakatotoo. Yun ang sabi-sabi dito." tumaas lahat ng balahibo ko sa narinig ko mula sakanya.
"Pa-pano yun ma ang sabe niya kay Ryan ay mag-iingat daw 'to at wag madaling magtiwala dahil baka ito ang dahilan ng kamatayan niya." natatakot kong sambit.
"Sundin niyo ang sinabi sainyo ni aling rose. Kung ano man 'yon, sundin niyo. Wag kayo basta-basta magtitiwala kahit kanino. Kilalanin niyong mabuti ang mga taong nakikilala niyo." sambit niya sakin.
"Opo ma" natatakot ko pa ring sambit. Niyakap ko na lamang siya at niyakap niya naman ako pabalik.
"Basta mag-ingat lagi, okay?" tumango lamang ako sakanya at nagpaalam na matutulog na.
Kinabukasan...
"Pasok na po kami ma." pagpaalam ko kay mama pagkatapos kumain.
"Mag-ingat ha? Ryan mag-iingat kayo!" ngumiti siya.
"Opo tita! Syempre."
Habang papasok kami ni Ryan ay napadaan muna kami sa 7 eleven para bumili ng sisig. Buti nalang at wala 'yong lalaking cashier na laging tumitingin sa'kin. Nang makabili, naglakad na kami papuntang school. Sa hindi kalayuan ay nandon na sila Elyse na mukhang hinihintay kami.
"Ang tagal niyo naman!"
"Bakit niyo ba kami hinintay?" takang tanong din ni Ryan.
"Para mabantayan natin lahat si Aisha baka mamaya sumugod nanaman yung babaeng ex daw netong si gelo." ani Elyse.
"Right! Ikaw pumasok kana kuya, papasok na rin kami."
"Hatid ko na kayo."
Hindi ko siya pinapansin simula kahapon, may mga text messages siya sakin ngunit hindi ko 'to pinapansin. Alam kong wala naman siyang kasalanan ngunit sino nga ba ako para pakielamanan ang buhay niya diba? Kaya hinahayaan ko nalang siya.
"Aisha, iniiwasan mo ba si kuya?"
"Hindi,"
"Really? Pansin ko iniiwasan mo siya e, kung dahil 'yon sa nangyare kahapon, walang kasalanan si kuya don. Yung babaeng 'yon ang patay na patay sakanya. Kata sana maging maayos na kayo!"
"Try," nakonsensya ako dahil baka nasaktan ko si ace sa pag-iwas ko ulit sakanya. Naalala ko tuloy yung sinabi niya na wag ko na ulit gagawin 'yong hindi siya pansinin. Hay! Oh sige oo na mamaya papansinin ko na.
Dumiretso na ulit kami ng canteen nang matapos ang klase, kumain na agad ako dahil gusto ko na kainin 'yong sisig.
"Wala ba kami?" malungkot na tanong ni Elyse.
"Aba meron! Eto sandwich"
Binigay nalang ni Ryan ang sisig niya sa dalawa at kumain na kami. Ayaw na bumili ng tinda sa canteen, sobrang mahal ba naman. Hindi kami makakapag-ipon kung dyan pa kami bibili ng makakain. Biscuit nga lang 20 pesos na.
Nagtaka naman ako dahil tapos na kaming kumain, wala parin si Ace.
"Asan kaya si kuya?" ani angel. Bumaling naman sila sakin. "Tawagan mo kaya ashie?" sambit nila maliban kay Ryan na tahimik lang.
"baka nagtampo, lagot ka." ani elyse habang tumatawa.
"Kausapin ko nalang bukas?" sagot ko sakanila.
Maya maya'y napagdesisyonan namin ni ryan na umuwi na.
Habang naglalakad, hindi ko parin maiwasan isipin si ace. Hay! Ang hirap naman pag sobrang bait. Char!
"Naiisip mo si Gelo noh?" tanong ni Ryan. At napatango naman ako sakanya.
"Oo, nakonsensya ako e." sambit ko sakanya.
"Bakit mo nga ba kasi siya hindi pinapansin? Mag-aalala yun sayo syempre!" ani niya.
"Eh medjo nasaktan lang sa nangyari tapos naisip ko rin na baka tuluyan akong mahulog sakanya tapos biglang may girlfriend pala siyang iba." malungkot na sambit ko dahil ayokong masaktan.
"Hay nako! Hindi naman daw niya girlfriend 'yon? Tsaka wag mo madaliin ano ka ba! I-enjoy mo muna na friends kayo ngayon." seryosong sambit niya.
"Okay sige, thank you!" nakangiting sambit ko.
____________________________________________________________
______________:))
BINABASA MO ANG
In Between (On Going)
Teen FictionA story where Lumiere Aisha had a lover named Lance Angelo. She didn't know that her bestfriend Ryan was hurt, while she was with Angelo. Her bestfriend Ryan confessed his feelings to Aisha. She was shocked, but they promised each other that nothing...