Truth or dare
"Tara na sa hotel?" tanong naman ni Elyse.
"Tara! Pagod na din ako e." sambit naman ni Ryan.
"Wait! Magpicture muna tayo." sambit ko. Pumayag naman sila kaya kinuha ko agad ang phone ko at binigay kay Angelo para siya ang maghawak.
Nang matapos ay dumiretso na kami sa hotel.
"Gutom na'ko" sambit ni Angel.
"Ako din," malungkot na sambit ko.
"Mag-oorder nalang ako ng pagkain, ano gusto niyo?" sambit ni Ryan. Kaya napangiti ako sakanya.
"Kahit ano na." sambit namin.
"Oh? Bahala kayo mag mcdo alaking tayo." sambit naman niya. Wala naman kaming sinabe dahil gutom kami kaya kakainin din namin 'yon.
"Kainin mo muna 'tong sandwich ko kanina." nakangiting sambit sakin ni Angelo.
"Thank you!" tinanggap ko 'yon at hinatian din si Angel dahil baka matagalan pa ang inorder ni Ryan.
Maya maya' y dumating na rin ang inorder ni Ryan at sabay-sabay na kaming kumain. Ang dami kong nakain kaya naman busog na busog nanaman ako.
"Gutom na gutom ah?" sambit ni Angelo at tumatawa lang sina Angel.
"Oo! Nakakapagod kaya, hmp!" nakangiting sambit ko.
"Oh, magpahinga kana." sambit niya.
"Ayaw! Sayang naman toh kung matutulog agad ako. Mag-enjoy pa muna tayo!" sambit ko naman.
"Oo nga! Tara kwentuhan!" masayang sambit ni Angel.
Pumayag naman kaming lahat kaya ngayon nasa iisang kama kami at nakaupo, sila Angel at Ryan naman ay nakadapa.
"Simulan mo na Elyse!" sambit ni Angel.
"Uhm, dati iniwan kami ni daddy." nagulat ako dahil pareho pala kami. "tapos 'yon, nagkaron ng boyfriend si mama, bata pa ako non kaya hindi ko alam mga pinapagawa sakin nung lalaking 'yon dati, ngayon ko lang na-realize lahat. Tuwing naiiwan kasi kaming dalawa sa bahay dahil may pupuntahan si mama, pinupuntahan ako nung lalake sa kwarto tapos hinahawakan niya yung ano ko alam niyo na, tapos tinatanggal niya yung damit ko. Akala ko normal kaya hindi ko sinasabi kay mommy." pagkwento niya.
"WTF?? Pero alam na ni tita ngayon?" sambit ni Ryan.
"Grabe! Ang lala nun." sambit ko. Sumang-ayon naman si Angelo.
"Sobra!" dagdag ni Angel.
"Si mommy mismo nakakita, nahuli niya na ginagawa sakin yon tapos hanggang sa nalaman ni daddy. Nagalit siya kay mommy non kaya balak niya pa ako ilayo sakanya ngunit ayoko din iwan si mommy kaya pumayag si daddy na mag-stay ako. Hindi nagtagal nagkabalikan si mommy at daddy kaya ayon maayos na ulit kami ngayon." nakangiting sambit niya.
"Pag nakita ko yung lalaking bumastos sayo nun, lagot sakin 'yon." sambit ni Angel. At sumang-ayon kaming lahat.
"Wala na yon, ano ba kayo! Mabuti na nga lang nakita talaga agad ni mommy kundi lagi akong kawawa non." malungkot niyang sambit.
Niyakap naman namin siya.
"Ikaw naman, Ryan!" sambit ni Elyse.
"Hmm ano dati nung baby ako, isa-isang nagpapicture yung mga nurse sa ospital dahil napakagwapo ko daw!" nakangisi niyang sambit. Natawa kami sakanya dahil feel na feel niya yung sinasabe niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/228009001-288-k328265.jpg)
BINABASA MO ANG
In Between (On Going)
Teen FictionA story where Lumiere Aisha had a lover named Lance Angelo. She didn't know that her bestfriend Ryan was hurt, while she was with Angelo. Her bestfriend Ryan confessed his feelings to Aisha. She was shocked, but they promised each other that nothing...