Ex-girlfriend
"What?!" takang tanong ni Angel. Bigla namang dumating si Ace na mukhang tinawag pa ni Elyse kasi parehas silang kakarating lang.
"Kuya, is it true? Girlfriend mo siya?" tanong ni Angel sakanya at umiling naman 'to agad.
"Of course not! Wala na kami matagal na." pagtanggi ni Ace. Napatingin naman siya sakin at napahawak sa pisngi kong namumula. Nakita ko ang galit sa mukha niya at muli siyang bumaling sa babaeng ex-girlfriend niya ata?
"Anong ginawa mo sakanya?" halata mo ang galit sakanya. Kaya kinabahan ako dahil baka kung anong gawin niya.
"Sinampal niya si Aisha, kuya!" sumbat ni Angel. At tinignan ng masama 'yong babae.
"Gusto ko lang malaman ng babaeng yan na ako lang mamahalin mo at wala ng iba!" pagsigaw niya.
"Di ko naman siya boyfriend o hindi niya naman ako nililigawan? Kaya anong ikinagagalit mo dyan?" mataray kong sambit.
"Nilalandi mo siya!" sambit niya na ikinagulat ko naman.
"Sige nga pano ko siya nilandi?" tanong ko sakanya.
"Ayan oh!" at pinakita niya sakin ang mga litrato namin ni Ace na nag-uusap at nung nagsama kami sa canteen. Parang yun lang e?!
"Pwede ba ha? Hindi na kita girlfriend kaya wala ka ng karapatan sakin. Ako ang lumalapit kay Aisha, ako ang unang kumakausap sakanya. Gusto ko 'yon gawin e, may magagawa ka ba?" galit na sambit ni Ace sakanya.
"Hindi please! Angelo mag-usap tayo. Ayusin natin please akin ka lang!" pagmamakaawa naman nung babae. Natawa naman ako dahil mukha siyang timang pero at the same time naawa rin dahil mukhang mahal na mahal niya nga si Angelo.
"Anong nangyayari dito?! O bakit may shs students dito?" nagulat naman kami sa sigaw ng adviser namin.
"Ah wala po ma'am. May sasabihin lang po ako sa kapatid ko" sambit ni Angelo. At nagkunwaring may sinasabe nga kay Angel.
"Sige na bumalik na kayo sa classroom niyo at magsisimula na ang klase." sambit ng adviser namin kaya agad naman kaming sumunod. Binangga naman ako nung babaeng 'yon pero hindi ko nalang siya pinansin.
Hindi naman ako nakafocus dahil ang hapdi ng pisngi ko at naiisip ko rin ang nangyari kanina. Kaya naman sinusulat ko nalang ang mga sinasabi ni ma'am para maaral ko. Bwiset kasi 'yong babaeng yun buti nalang mabait ako at hindi ako pumatol sakanya hays.
Nang matapos ang klase pumunta na agad sila Elyse samin.
"Masakit padin ba?" nag-aalalang tanong ni Ryan. At tumango naman ako sakanya.
"Oo medyo mahapdi pa," sambit ko.
"Wag ka mag-alala, hindi kana niya ulit masasampal." sambit ni Angel.
"Subukan niya lang ulit noh hays." naiinis ko pa ring sambit. Naglakad na kami papuntang canteen dahil nagugutom na din talaga ako. Pumila ngayon sina Angel at Ryan, kami naman ni Elyse ay humanap ng upuan. Maya maya'y biglang dumating si Ace at tumabi sakin.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya at tumango na lamang ako sakanya. Hinawakan niya naman ang pisngi ko at napaiwas ako.
"Masakit?" tanong niya at hinimas-himas ito para mawala ang hapdi.
"Medyo," sambit ko sakanya.
"Sorry, hinding hindi ka na niya masasaktan ulit." seryosong sambit niya. Tumango na lamang ako sakanya. Maya maya'y dumating na rin ang mga pagkain.
"Yun oh! Gutom na ako e," masayang sambit ni Elyse. Agad niya namang kinuha ang pagkain niya at ganon din ako dahil gutom na rin ako. Kumain na ako agad.
"Oh, Aisha hinay hinay lang baka mabilaukan ka nyan!" sambit ni Ryan nang mapansin na tuloy-tuloy ang pagsubo ko.
"Gutom ako e!" irita ko namang sambit. Kaya naman tumayo siya ulit at pumuntang canteen mukhang bibili ulit siguro ng pagkain? Maya maya'y bumalik siya at may dalang dalawang sandwich at inabot 'to sakin.
"Thanks!" nakangiti kong sambit. Agad ko namang kinuha 'yon dahil gutom parin ako.
Nang matapos nagpaalam na si Elyse samin dahil kailangan niya na daw umuwi. Kaya kami nanamang apat ang natira.
"Uuwi na din ba kayo?" tanong ni Angel samin. Umiling naman ako dahil naalala ko 'yong sinabi ni Ace kanina, kaya naman tinanong ko siya.
"May sasabihin ka ba sakin?"
"Meron sana kaso nextime nalang pala." sagot naman niya kaya tumango nalang ako.
"Tara na pala aisha hinahanap na ako samin e," sambit ni Ryan kaya pumayag na din ako. Nagpaalam naman kami kila Angel.
"Hatid na namin kayo," sambit ni Ace. Di naman kami pumayag dahil nakakahiya na.
"Hindi na, masasayang pa ang gas niyo." ngiti kong sambit. "Kaya naman naming lakarin," dagdag ko pa. Tumango at ngumiti na lamang sila at kami naman ni Ryan ay naglakad na pauwi.
"Galit ka ba kay gelo?" tanong ni Ryan sakin habang naglalakad kami. Umiling naman ako sakanya.
"hindi, nawala lang talaga ako sa mood kanina. Pano umagang-umaga kasi tapos monday na monday maninira ng araw yung babaeng 'yon." naiinis kong sambit.
"Baliw kase dapat sinampal mo din e," natatawa niyang sambit.
"Ayoko, mabait ako!" proud kong sambit kaya lalo naman siyang natawa.
"San banda? Haha!" pang-asar niya sakin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Aba aba hmp! Bait bait ko kaya." sambit ko. Napadaan naman kami sa 7 eleven at napatingin ako dahil namiss ko mag-ice cream! Huhu.
"Gusto mo ice-cream?" nakangiting tanong ni Ryan. Masayang tumango naman ako sakanya kaya pumasok na kami at bumili ng cornetto. Cookies n cream ang pinili ko as usual fave! Siya naman ay chocolate. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang kumakain ng ice-cream. At bigla akong natawa sakanya dahil ang dungis ng mukha niya haha!
"Para kang bata!" natatawang sambit ko sakanya dahil puno ng chocolate ang bibig niya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Yuck!" sigaw ko sakanya nang lagyan niya rin ako ng chocolate ice cream sa mukha, agad ko naman siyang binawian. Natawa naman ako sa itsura niya dahil napakadungis niya na talaga!
"Tama na tama na!" umiiwas kong sambit nang makitang lalagyan niya ulit ako. Natatawa naman siya sakin.
"Ang dungis na natin!" naka-pout kong sambit. Natawa naman siya.
"Haha! Waitlang" sambit niya at biglang kinuha ang panyo niya at pinunasan ang mukha ko. Habang malapit ang mukha niya sa mukha ko ay ang bilis ng tibok ng puso ko ngunit hindi ko nalang 'to pinansin.
"O ayan! Wala na." nakangiti niyang sambit. At pinunasan din naman ang mukha niya. Kinuha ko naman ang panyo sa kamay niya at ako ang nagtanggal ng ice cream sa sakanya. Napangiti naman siya sakin.
"Para fair!" ngiti ko sakanya at ngumiti lamang siya sakin.
___________________________________________________________
_____________:))

BINABASA MO ANG
In Between (On Going)
JugendliteraturA story where Lumiere Aisha had a lover named Lance Angelo. She didn't know that her bestfriend Ryan was hurt, while she was with Angelo. Her bestfriend Ryan confessed his feelings to Aisha. She was shocked, but they promised each other that nothing...