Chapter 3

61 39 12
                                    

Crush


Nagising ako nang may narinig na ingay sa baba, agad-agad naman akong lumabas para tignan 'yon. Nakita ko ang tatay ko at si mama na nag-aaway. Umiiyak si mama kaya naman agad ko siyang pinuntahan.



"Anak." bungad niya sakin nang makita niya ako.




"Pwede ba umalis ka nalang, hindi lang si mama sinasaktan mo pati rin ako kaya pwede ba. Panindigan mo yung desisyon mong iwan kami, wag ka ng bumalik pa." naiinis kong sambit.



"Anak, please! Patawarin mo ako, patawarin mo ako sa ginawa ko---" napigil siya sa pagsasalita dahil biglang may nagdoorbell sa labas. At baka si ryan na nga 'yon.




"Hindi kita kayang patawarin, hindi ko kaya. Ang sakit ng ginawa mo e. Sinaktan mo din si mama kaya sige na umalis kana, wag kana babalik pa." sabi ko.




"Sorry, anak" paghihingi niya ng tawad habang siya ay paalis na. Niyakap ko si mama na umiiyak parin hanggang ngayon. Bilib rin ako sakanya dahil nakakaya niya lahat ng 'yon, kung sakin mangyare hindi ko alam gagawin ko.



"Tita, bakit po kayo umiiyak? Anong nangyare? Ano pong ginawa ni tito raymond?" lumapit agad si ryan at nakiyakap. Anak ka gHorl?! Char!



"Siya na nga 'tong gustong bumalik, siya pa nang-aaway kay mama. Kapal diba?" naiinis ko pa ring sambit.




Nang tumahan na si mama ay nagpahinga nalang muna siya sa kanyang kwarto. At buti maaga pa dahil maghahanda pa ako papasok. Nang matapos ay hindi na ako nag-abala kumain pa kaya naman inaya ko na si ryan.



"Hindi ka kakain??" tanong niya.



"Hindi na, nawalan ako ng gana." sabi ko.



"Aba hindi pwede. Tara daan muna tayo ng 7 eleven, bili tayo sisig para ganahan kana." sambit niya at bigla naman akong napangiti dahil favorite ko 'yon.



Nang makapasok sa 7 eleven dumiretso siya agad sa may mga meals at ako naman umupo lang. Nagtaka naman ako sa lalaking cashier dahil nakatingin at nakangiti ito sakin. WEIRD.


Umiwas na lamang ako ng tingin at naglabas ng libro upang magbasa.


"Oh kumain kana muna para may energy ka mamaya." sambit ni ryan.


"Salamat." nakangiti kong sabi. Tumango lamang siya at kumain na rin. Ang takaw talaga nito! Kakain siya sa bahay nila tapos kakain samin tapos kakain ulit ngayon. Hmp! Pero ang daya bakit hindi tumataba tsk.



Nailang naman ako sa cashier dahil nakatingin parin ito sa'kin. Binilisan ko nalang ang pagkain at inaya na si ryan umalis, buti nalang tapos na rin siya kaya naman umalis na kami agad don.


"Wag na ulit tayo kakain don, hmp!" sambit ko.


"Bakit naman?" naguguluhan niyang tanong.



"Nakakailang yung tingin nung lalaking cashier grr." naiirita kong sambit.


"Aba pano tingin niya? Tara balik tayo dun upakan ko lang" umakto naman siyang babalik talaga don kaya pinigilan ko siya.



"Ano ba, panget mo! Haha. Basta nga wag na ulit tayo kakain dun, oki? Bumili nalang tayo tapos sa school na kainin." sambit ko.


"Mas pangit ka. Hmp! Oo na, basta pag nandon pa yung lalaking 'yon uupakan ko talaga siya." naiinis niyang sambit.



"Oh talaga ba? Crush mo nga ako e, yieeee!" pang-aasar ko. "Haha anuba hayaan mo nalang 'yon wala lang siguro magawa hays." dagdag ko pa.



"Baka ikaw may crush sakin, yieee ikaw ah! Alam ko naman aisha cute na cute ka sakin, wag kana mahiya umamin" nang-aasar din niyang sambit.



"Gr anong hayaan, hindi pwedeng hayaan hays. Lagot sakin 'yon." sambit niya pa.



"Hoy wala akong gusto sayo, hmp! Crush ko ano si angelo hehe shh ka lang ah wag ka maingay." kinikilig kong sambit.



"Aysh bahala ka" sambit ko pa.


"Wag ka don, hmp. Babaero yon!" sambit niya.



"At bakit?? Malay mo magbago siya pagdating sakin hehe" kinikilig ko paring sambit. At iniimagine na pag naging kami ni angelo.



"Nako ka, aisha! Basta ako, ayoko siya para sayo hmp pero kung dun ka sasaya edi go." hindi ko alam kung ano pero parang nawala siya sa mood nang sabihin niya 'yon.



Nakarating na kami sa room at nakakagulat naman dahil nginingitian ako ng mga kaklase namin. Edi nginitian ko lang din sila, hindi naman kase ako mataray, hmp!


Umupo na ako sa upuan ko, nang may biglang lumapit.



"Hi! Ako si elyse." ngumiti ako sakanya at tumingin naman sa isa. "ako naman si angel" nakangiti niyang sambit. Kilala ko na naman siya at alam kong kapatid niya si Angelo.


"hello! Ang ganda niyo! Ako naman si Aisha." pagpapakilala ko.


"Hello! Close pala kayo ni kuya Ace?" sambit ni angel.


"Angelo? Hala hindi naman, nakilala ko lang siya kahapon sa canteen. Medyo naasar kasi ako sakanya tapos ayun bigla siyang bumawi." sambit ko.


"Weh? Eh ano bang ginawa?" tanong naman ni elyse.


"Nakapila ako tapos sumingit sa harapan ko. Nainis ako kaya hindi nalang ako bumili tapos ayun pinuntahan niya ako sa table ko tapos inabutan ng food." pagkwento ko sakanila.



"Sweet naman kakilig! Hihi" kinikilig na sambit ni elyse.



"Nako! Sayo lang naging ganyan si kuya hmmm. Di kaya, may gusto siya sayo?" sambit ni angel.



"Malabo naman yan no' hindi yon magkakagusto sakin." hindi ko pinahalata na kinikilig ako sa sinabi niya.


Napabalik na sila sa kanilang upuan dahil dumating na ang guro namin. Si ryan naman ay bumalik na rin sa tabi ko.



Masaya naman akong nakinig sa discussions dahil sa sinabi ni angel. At excited na rin akong matapos ang klase para makita ko na si angelo. Nang magbell, inayos ko lang ang mga gamit ko at pinuntahan ako nila elyse at inaya kumain.



"Aisha, tara sabay-sabay na tayo pumunta sa canteen" nakangiting sambit ni elyse.



"Huh hindi pwede! Ako kasama niya." sambit naman ni ryan.



"Eh hello? Pwede naman tayo magsama-sama hmp." sambit ni angel.



"Oo nga naman, ryan. Tara!" pag-aya ko sa kanya at halata namang nairita siya.




Naglakad na kami papuntang canteen at naghanap kami ng table. Si ryan naman nagsabe na siya nalang ang magoorder kaya naman binigyan na lamang siya ng pera nila elyse at angel.



"Angel!" napatingin naman ako sa tumawag kay angel at nakita kong si angelo 'yon kaya natahimik ako.



"Andyan ka lang pala, kumain kana ba? Ano gusto mo?" tanong ni angelo sa kapatid niya.




"Kuya? Ikaw ba yan? Bago yan ah? Hahaha. Alam ko namang hindi para sakin yan, wag kana mahiya sabihin mo na kay aisha." nakangiting sambit ni angel.



______________________________________________________________
_______________

:)

In Between (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon