Chapter 14

29 19 0
                                    

Promise

Nang makauwi, natulog na agad ako dahil sa sobrang pagod. Nagising ako ng madaling araw at tinapos ang mga dapat gawin, maya maya'y naligo na ako't nagbihis.

Sumilip naman ako sa cellphone, dahil baka may text doon si ace, ngunit wala. Kaya naman ako nalang ang nagtext.


'Goodmorning! Galit ka ba sakin?'

Nang makababa, nanood nalang muna ako ng movie sa netflix, dahil masyado pang maaga. Pinanood ko 'yong 'Crazy Beautiful You' movie nina Kathryn bernardo at Daniel Padilla (Kathniel). Habang pinapanood, nag-eenjoy ako dahil nakakakilig talaga sila!

Maya maya'y biglang nag-beep ang phone ko at inakalang si Ace 'yon, ngunit hindi.

From Ryan:

Gising kana? Nakaluto na ba si tita? Gutom na ako huhu.

To Ryan:

Oo! Hindi pa, ni hindi pa nga bumababa e.

Biglang may nag-doorbell naman at ineexpect kong si Ryan 'yon at hindi nga ako nagkamali!

"Aga mo magising ah?" bungad ko sakanya. Natawa naman siya sakin.

"Ows? Normal 'to noh, e ikaw nga hindi."

"Hoy maaga kasi ako natulog kahapon kaya maaga din ako nagising ngayon, hmp!"

Nag-make face lang siya sakin, at nakinood na din.

"Ang ganda ni kathryn noh? Sambit ko sakanya. Dahil gandang-ganda talaga ako kay kath as in super fresh lagi, tsaka kahit anong gawin, ang ganda ganda padin.

"Maganda ka din naman," bulong niyang sambit ngunit narinig ko naman.

"Ano yun maganda ako? Crush mo 'ko noh?" pang-aasar ko sakanya. Natatawa lang ako sa itsura niya dahil parang guilty na guilty siya!

"Hindi kita crush 'no!

"Dapat lang, hmp! Bestfriends forever tayo, ah? Bawal mainlove sa isa't isa. Ayokong mawala ka sa 'kin. Promise yan ah?"

"Oo naman, promise!" ngumiti naman ako sakanya nang sabihin niya 'yon. Maya maya'y nagising na si mama at naabutan niya kami ni Ryan na nanonood.

"Oh! Ang aga niyo ah?"

"Aga ko kasing natulog kahapon, ma."

"Goodmorning, tita!"

"Goodmorning! Teka ipagluluto ko muna kayo, sandali." dumiretso namang kusina si mama para magluto. Tinignan ko naman ang phone ko nagbabaka-sakaling may text roon si ace, pero wala talaga.

"Wala siyang text sayo?"

Umiling ako, "wala"

"Hayaan mo na! Kakausapin ka din nyan, hindi ka niya matitiis."

"bakit hindi niya ako matitiis? Ano ba ako sakanya?"

"Aba malay ko? Siya tanungin mo tungkol dyan."

Maya maya'y tinawag na kami ni mama dahil handa na raw ang pagkain. Pagkatapos kumain, nagpaalam na kami at umalis na dahil kailangan ko rin makausap si Ace.

Nang makarating sa school, nandon na si elyse, ngunit si angel ay wala pa.

"Buti naman nandito na kayo! May kasama na ako," masayang sambit ni elyse.

"Bakit kaya wala pa sila angel?" nagtataka kong sinabi.

"Ewan ko din, pero ang alam ko, naglasing daw si gelo kagabi? Kaya late nagising. Iyon ang text sakin ni gel kanina."

"Ano?! Bakit daw naglasing?"

"Ewan ko din e, hinatid lang daw siya sakanila tapos umalis ulit si gelo tapos ayon pag-uwi lasing daw."

Maya maya'y dumating na sila angel at ace.

"Oh ayan na sila!" sinalubong naman namin sila. At agad kong tinignan si Ace, ngunit umiwas lang siya ng tingin.

"Alis na muna kami, usap muna kayo." ani angel. Kaya naman umalis silang tatlo at iniwan kaming dalawa ni ace.

"Naglasing ka daw? Bakit?" tanong ko sakanya. Kinabahan naman ako dahil seryoso lang ang mukha niya.

"Ano bang pake mo?" okay? sabi ko nga dapat hindi ko nalang talaga siya kinausap pa.

"Sorry. Sana maging okay ka, kung ano man dahilan nyan mawawala rin yan, malalagpasan mo yan." pilit ko siyang nginitian at umalis na, dahil hindi ko na mapigilan ang luha ko.

"Ash wait!" hindi ko na siya tinignan pa at dumiretso na sa cr. Kunwari naghilamos lang ako, nang maayos ko ang mukha ko ay lumabas na ako. Nandon naman siya sa labas ngunit mabilis na akong naglakad papunta sa room.

"Wait!"
"Ash!"
"Uy sorry please!"

Kahit may iba ng nakatingin samin ay hindi ko parin siya nililingon. Ngunit bigla niya na akong hinila.

"Ano ba yon!?" sigaw ko sakanya dahil naiirita ako, hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero nawala ako sa mood ngayon.

"Sorry. Hindi dapat kita ginanon, sorry!"

"Wag na muna tayo mag-usap." seryoso kong sambit at dumiretso na sa room.

Hindi naman talaga kami nagpansinan hanggang sa mga sumunod na araw, umiiwas siya sakin at hindi na rin siya sumasabay pa samin. Inaamin ko namimiss ko siya, ngunit ayoko na ako ulit ang unang kumausap sakanya. Hanggang sa dumating ang Friday.

"Pagkauwi niyo after class, mag-ready na kayo agad ah? Sunduin namin kayo!" ani angel.

"Excited na ako! Kaso ayokong umitim," ani ryan.

"Duh! Kaya nga may sunblock, hmp." sambit ko naman at natawa sakanya dahil daig niya pa kami!

"Chance niyo na rin makapagusap ni kuya, aisha!" nakangiting sambit ni angel. Ngumiti lang ako sakanya dahil kinakabahan na ulit ako. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko if ever man na makausap ko siya pero sana maging maayos na, dahil miss ko na siya. Miss ka ba? Oo na hindi na.

Nang matapos ang klase ay diretso uwi na kami para makapaghanda. Maya maya'y nagbeep ang phone ko. Nagulat naman ako nang makitang si Ace 'yon! Shit.

From Ace:

We're here.

Nang mabasa ay agad kong tinawag si mama at sabay na kaming lumabas.

"Hello tita!" nakangiting sambit ni Angel. Nang makapasok kami sa sasakyan nila.

"Good afternoon po tita!" nakangiti ring sambit ni Ace kay mama. Ngumiti naman si mama sakanila at bumati rin. Nang makita ko naman si Ryan ay natawa agad ako.

"Ang dami mo nanamang dala?" natatawa kong sambit sakanya.

"Hoy! Walang basagan ng trip ah!" tinawanan ko lang siya at natawa rin naman sila Angel. Sunod namang susunduin ay si Elyse kaya dali-dali ring pumunta sakanila para makapunta na kami sa dapat naming puntahan.

"Hi tita! Hi everyone!" pagbati ni Elyse nang makapasok sa kotse. Ngumiti naman kami sakanya.

"Di naman tayo halatang excited noh?" natatawa kong sambit dahil para siyang si Ryan na amg daming dala at halatang ang daming plano na gawin.

"Hindi naman!" natawa lang kami sakanya.

"Kuya! Need natin mamili pa ng pagkain at kung ano pa. Daan tayong store." sambit ni gel sa kuya niya.

"Nako! hindi na kailangan, may mga pagkain kami dito at chips na rin dahil request ni Aisha." nakangiting sambit ni mama sa kanila.

"Really tita? Nice!" masayang sambit ni Ace at dumagdag sila Angel. Kaya naman hindi na kami dumaan pa ng store, dumiretso na agad kami sa pupuntahan naming beach.

______________________________________

:))

In Between (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon