Like
"Mukhang andito na tayo!" masayang sambit ni Elyse kaya naman napaayos na ng upo si Ryan.
"Andito na talaga tayo 'no!" ani Angel. Tinanaw naman namin ang hotel, kung saan kami tutuloy.
"Asan yung beach?" nagtatakang sambit ni Ryan kaya natawanan sila Angel. Sa pagkakaalam ko nga naman ay nandon sa kabilang side ang beach at may swimming pool pa. Kailangan na makapasok muna kami sa hotel at makapagcheck-in bago kami makapunta roon at maka-langoy, kaya naman natawa rin ako kay Ryan.
"Hanapin mo dali! I dare you." natatawang sambit ni Angel.
"Bahala nga kayo, trip niyo nanaman ako!"
Tinawanan lang namin siya at pumasok na sa hotel. Bigla namang pumunta si Ace sa tabi ko at kinuha ang mga dala ni mama.
"Nako! Salamat, Angelo." nginitian naman niya si mama at sinamahan mag-asikaso sa check-in.
Nang matapos ay dumiretso na kami sa room namin. Isang room lang ang kinuha dahil malaki naman 'yon at kasyang-kasya talaga kaming lahat, dahil may tatlong kama 'yon.
"Tita, tabi po kayo ni Aisha for sure, dito naman kayo Gelo at Ryan, tapos dito naman kami ni Angel sa may bintana." ani Elyse.
"Aba, bakit naman kami dito sa pintuan? Gusto ko rin sa bintana!" reklamo ni Ryan.
"Hoy, ikaw! Wag ka nga mag-reklamo. Oh sige, edi sa terrace ka matulog." irita namang sambit ni Angel. Kaya natawa kami. Ayan nanaman sila!
"Ikaw nalang don, hmp!"
Nag-ayos nalang kami ng mga gamit, si mama nilabas na yung mga pagkain para makakain kami. Napag-usapan na din namin na bukas nalang kami pupunta sa dagat para sakto may liwanag pa. Dumidilim na rin kasi sa labas, at pagod rin kami sa byahe kaya naman magpapahinga nalang muna kami dito.
"Oh kumain na kayo dito!" sambit ni mama samin at dali-dali naman kaming tumayo, dahil gutom na rin.
"Salamat po, tita. Kung wala po kayo dito baka puro kami order dito." nakangiting sambit ni Angel.
"Ayoko rin non! Masyadong magastos, nakakahiya rin sainyo. Tsaka sinabihan din ako nitong si Aisha, miss na daw kasi ni Angelo ang luto ko. Totoo ba 'yon, Angelo?" nakangiting sambit ni mama, at ako naman umiwas ng tingen! Mama naman huhu nakakahiya!
"Oo naman po, tita! Ang sarap po kasi ng luto niyo," tumingin naman siya sakin at may nakakalokong ngiti. Arghhh!!
"Salamat,"
Kumain na kami ng mga niluto ni mama, napadami naman ng kanina sina Angelo at Ryan. Natatawa naman ako sakanila dahil halatang gutom na gutom sila lalo na 'tong si Ryan, kala mo hindi kumain kanina e. Tapos na kami nila Angel samantalang sila, parang magsisimula palang kumain. Ang dami-dami ba naman kasi nakalagay sa plato, grabe!
"Si Gelo expected na gutom dahil siya ang nagdrive, pero ikaw Ryan? Kumain ka kanina ah? Nakita ko kaya yun, tinatago mo pa sa bag mo!" natatawang sambit ni Elyse.
"Wow ah? Porket ba, siya ang nag-drive siya lang ang pwede magutom?" Hmm, oo nga naman.
"Whatever." pumunta na si Elyse sa kama at sumunod naman kami.
BINABASA MO ANG
In Between (On Going)
Teen FictionA story where Lumiere Aisha had a lover named Lance Angelo. She didn't know that her bestfriend Ryan was hurt, while she was with Angelo. Her bestfriend Ryan confessed his feelings to Aisha. She was shocked, but they promised each other that nothing...