Chapter 6

37 28 1
                                        

Tagaytay

Naghanda na ako para sa lakad naming magkakaibigan mamaya at na-excite ako dahil pupunta daw kaming tagaytay ngayon. Nakapunta na naman ako don ngunit ang sarap balik-balikan kasi ang sarap tignan nung mga view. Tuwing pumupunta ako sa malalayong lugar hindi ako natutulog, nakakagaan kasi ng loob tumingin sa magagandang tanawin na nadadaanan niyo.

"O, anak mag-iingat kayo ah." bilin ni mama.

"Opo, ma." ngumiti ako sakanya.

Dumating si Ryan habang kumakain kami ni mama. Hindi naman halatang pinaghandaan niya talaga e no' talagang ang dami niyang dalang gamit na parang don na kami titira.

"Bakit ang dami mo namang dala?" natawa ako sakanya.

"Pake mo? Minu-minuto ako magpapalit ng damit, sayang no' para madami akong pictures kunware kung san san ako pumunta!" pati si mama natawa na rin sakanya. Siraulo talaga toh e.


Maya maya'y dumating na rin sila Angelo. Nagpaalam na kami kay mama at lumabas na. Nagulat naman ako kay Angel dahil bumaba siya ng sasakyan at sinabing sa front seat daw ako, pumayag na din naman ako dahil nakaupo na siya sa likod tabi ni Ryan.

"Goodmorning!" nakangiting bungad sakin ni Angelo.

"Mm goodmorning!" nakangiting sambit ko din.

"Asan na si Elyse?" tanong ko kay Angel.

"Susunduin pa natin siya sakanila. Omg! na-eexcite na ako!" nakangiting sambit ni Angel.

"Pake namin." sambit naman ni Ryan. At sinamaan siya ng tingin ni Angel. Kami naman ni Angelo ay natawa lang sakanila.

"Guys, hindi ako pinayagan." malungkot na sambit ni Elyse. Nalungkot naman kami sa narinig mula sakanya.


"Huh why? Asan si tito't tita? I'll talk to them." sambit naman ni Angel.

"Hindi pwede! Hindi kami aalis pag wala ka." sambit ko

"Joke lang! Syempre pwede, waitlang kunin ko lang bag ko." natawa naman siya. At kami naasar sakanya.

"Bahala ka! Kuya tara na nga!" nairitang sambit ni Angel.

Mabagal na pinaandar ni Angelo ang sasakyan para asarin lang si Elyse at kami naman tawa lang ng tawa.

"Oh gosh wait for me!" sigaw ni Elyse mula sa labas at hinabol kami.

Nang maawa na kami ay pinapasok na rin namin siya at tawang tawa parin kami dahil pawis na pawis siya ngayon.

"Ang baho mo naman!" natatawang sambit ni Ryan.

"Oo nga, Elyse!" sambit ni Angel.

"Kayo ba naman tumakbo diba! Azar kasi tong si Angelo bakit mo ba kasi pinaandar ha?!" sigaw naman ni Elyse.

"Aba ako sinisisi mo e may hindi pwede hindi pwede ka pang nalalaman sayang oras kaya no'! Sambit naman ni Angelo. Natawa nalang kami dahil ang haggard na ng itsura ni Elyse ngayon.

Habang tulog sila Ryan, Elyse, at Angel, hindi o mapigilan na hindi sila picture-an dahil nakakatawa ang pwesto nila. Nasa gitna si Ryan at sa magkabilang gilid niya ay sina Elyse at Angel parehas silang nakapatong yung ulo sa balikat ni Ryan na nakanganga ngayon. Natawa din naman si Angelo sa ginawa ko.

"Ikaw? Ayaw mo matulog?" tanong naman ni Angelo.

"Nope," umiling ako. "Baka bigla kang antukin pag natulog ako, tsaka favorite kong tignan yung mga nadadaanan natin, ang ganda kasi." sambit ko pa.

In Between (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon