Chapter 9

32 26 0
                                    

Hug

Chapter 9

"What?! Oh sige po, papunta na po kami dyan." nagulat naman kami dahil naiyak bigla si Angel. Niyakap naman siya ni Elyse.

"Gel, why?" tanong ni Angelo.

"Kuya, we need to go to hospital. Ihatid lang natin muna sila." sambit niya.

"Hindi, diretso na muna tayo don samahan namin kayo." sambit ko.

"Bakit gel? Ano nangyare?" tanong ulit ni Angelo.

"Inatake si papa kaya dinala ulit siya nila mama sa hospital. At hindi pa daw umaayos ang lagay niya." sambit ni Angel.

Dali-dali naman nagdrive si Angelo patungo sa hospital kung nasaan ang papa nila. Kaya mabilis kaming nakarating doon.

Agad sinalubong ni Angel ang mommy niya at niyakap ito. Sumunod lang kami sakanila. Niyakap din ni Angelo ang mommy niya at tinanong kung maayos na ang lagay ng papa nila at sinabing maayos na at kailangan nalang daw nito ng pahinga. Napatingin naman ito sakin kaya bigla akong nahiya.

"Mom, siya si Aisha." pagpapakilala ni Angelo sakin. Ngumiti naman ako sa mommy niya at bumati.


"Oh! Siya yung kinikwento mo?" nagtaka naman ako sa sinabi ni tita.

"Shhh mom!" suway ni Angelo kaya naman natawa ang mommy niya sakanya. Ano kaya kinikwento netong lalaking to' hmp!

"Eto naman po si Ryan, bestfriend po ni Aisha."  Bumati naman ito at ngumiti. "eto naman po si Elyse," ngumiti ulit ito.

"Kumain naba kayo? Mag-order ka nalang Ace." sambit ng mommy niya.

"Opo, ma." sambit naman ni Angelo.

Pumasok na muna kami sa room ng daddy nila at hinintay ang inorder na pagkain.

Maya maya'y dumating na rin 'to kaya naman kumain na kami agad. Nang matapos ay nagpaalam na rin kami dahil maaga pa ang pasok bukas.

"Ma, babalik po ako hahatid ko lang sila." paalam ni Angelo sa mommy niya.

"Nako, hindi! May pasok ka din bukas." sambit naman ng mommy niya.

"Hindi nalang po ako papasok, ma." sambit ni Angelo.

"Hindi! Umuwi ka na rin, samahan mo si Angel sa bahay." walang nagawa si Angelo kundi pumayag kaya naman ay umalis na kami.



Unang hinatid ay si Elyse at ang sunod ay kami ni Ryan. Nang makarating sa bahay namin ay nag-thankyou kami sakanila dahil masaya ang naging lakad namin.

"Ingat kayo ah!" nakangiting sambit ko. Ngumiti sila sakin at umalis na rin.


Pumasok ako sa loob at naabutan ko si mama na may ginagawa sa laptop niya. Niyakap ko siya at nagpaalam na magpapahinga na ako, kaya naman umakyat na ako.

Nag-iwan naman ako ng text kay Angelo.

Me: I'll sleep na! Goodnight. Ingat kayo ah? Text pag nakauwi na.

Pagkatapos ko 'yon i-type inalala ko kung may hindi pa ako nagagawang assignments ngunit buti nalang nagawa ko na 'to bago pa man kami makaalis. Kaya naman natulog na ako.


Nagising ako nang biglang magring ang phone ko.

Angelo calling.....

"Hi?" sagot ko.

"Nagising ba kita? Sorry, namiss kasi kita agad." mahinang sambit niya.

"Okay lang naman. Bakit mo pala ako tinawagan?" pag-iiba ko.

"Hindi kasi ako makatulog, naiisip kita." sambit niya.

"Eh why? Nako! Sasakit ulo mo niyan!" sambit ko.


"Naiisip kita." mahina 'yon ngunit narinig ko.

"Ano?" kunwaring tanong ko.

"Wala sabi ko naiisip ko yung nangyare kay papa, baka kasi ilang days pa bago siya makauwi." malungkot niyang sambit.

"Hindi yan! Malakas ang papa mo, okay? Kakayanin niya yan." sambit ko sakanya.

"Nag-aalala parin ako, ayoko siyang mawala samin."

"Hays hindi siya mawawala. Nagpapagaling ang papa niyo para makasama niyo pa siya. Wag mo ng isipin yan," sambit ko.

"Pwede ba kitang puntahan? I need you," pumayag naman ako sa gusto niya dahil gusto ko siya mayakap, ayoko kasing may nalulungkot sa mga friends ko.

"Sure! Mag-ready lang ako, bye na." sambit ko.

"Osige," binaba ko na ang phone ko at dumiretso na sa cr. Nang matapos maligo't magbihis ay bumaba na ako. Kumain lang ako ng bread dahil wala pang pagkain. Maya maya'y nagtext na si Angelo na nasa labas na daw siya.

Nang makapasok sa kotse ay nagulat ako nang agad akong niyakap ni Angelo. Kaya niyakap ko din siya.

"Thank you," nakangiting sambit niya.

"Always welcome! Magpahinga kana muna kaya? Tulog ka kahit sandali. Tara!" pag-aya ko sakanya.

"O sige," bumaba na kami sa kotse niya at pumasok ulit sa bahay at umupo sa sofa.

"Dyan ka matulog," sambit ko.

"Okay, dito ka lang ah? Wag mo'ko iwan." sambit niya.

"Oo naman no' matulog kana dyan, dito lang ako." humiga na siya sa gilid ko. Nagscroll lang ako sa fb ko at tinignan ang mga pictures ni Angelo. Meron don isang picture na naka beanie siya tapos sobrang hawig niya talaga si Jughead. Ang gwapo!

Maya maya'y bumaba si mama.

"Oh aga mo magising ah?" lumapit siya at nakita si Angelo.


"Bakit siya nandito? Nako mahirap matulog dito sa sofa, dapat sa kwarto mo na siya pinatulog." sambit ni mama.

"Hindi na po, ma. Papasok na rin naman kasi kami mamaya kaya sandali lang po ang tulog niya." sambit ko.


"O sige, maghahanda na muna ako ng makakain." sambit ni mama at dumiretso na sa kusina.

Saktong pagtapos magluto ni mama, ay bigla namang dumating si Ryan.

"Hi tita! Goodmorning po" bati niya kay mama.

"Kumain kana dito," sambit ni mama sakanya.

"Anak, kain na kayo" tumango lang ako kay mama at ginising na si Angelo.

"Gising na," tinapik ko ang balikat niya at agad naman siyang gumalaw. Nang tumayo ay mukhang gusto niya pa matulog ngunit kailangan kasi naming pumasok.


"Bumawi ka ng tulog mamaya, oki? Kain na daw tayo," sambit ko.

"Mmm," tumayo na kami at pumunta na kila mama.

"Goodmorning po tita," pagbati ni Angelo, ngumiti sakanya si mama at sinabing kumain na.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Ryan.

"Pinuntahan ko si Aisha kanina," sambit ni Angelo at nagpatuloy kumain.

Maya maya'y natapos na kami at nagpaalam kay mama na papasok na.

"Alis na po kami, tita." nakangiting sambit ni Angelo. Yumakap na din siya kay mama.

"Mag-iingat kayo ah! Sige na, baka malate pa kayo."

Pumasok na kami sa sasakyan ni Angelo at sinabi niya na susunduin pa daw namin si Angel. Nang masundo na siya ay agad kaming pumunta sa school.


______________________________________________








In Between (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon