Chapter 10

36 28 0
                                        

Inlove

Nang matapos ang klase, hinatid ulit kami ni Angelo. Tinext ko siya na matulog siya agad pag nakauwi na, para makabawi siya ng tulog. At for sure, sumakit ang ulo nun kanina. Si Ryan naman ay kasama ko na nag-aaral ngayon. Nagulat ako nang biglang mag-vibrate ang phone ko.

Angelo: Jgh, yes boss matutulog na po.

Me: Mabuti naman.

Nagulat naman ako nang makita na tumatawag pa siya.

"Bakit?" sagot ko. Napatingin naman si Ryan sakin.

"Walalang, ano ginagawa mo?" tanong niya.

"Nag-aaral, kasama ko si Ryan ngayon." sambit ko.

"Ah, okay. Aral well, Ash!" nagtaka naman ako sa tinawag niya sakin.

"Ash?" tanong ko.

"Ash na tatawag ko sayo, para parehas tayo!" napangiti naman ako sakanya. "Ace na tawag mo sakin, okay?" dagdag niya pa. Naks!

"Oo na, sige! Bye na, magpahinga kana." paalam ko.

"Bye!" Ang cute naman dahil nagsend siya sa messenger ng picture niya! Ni-reactan ko nalang muna ang sinend niya dahil baka tuloy-tuloy na ang usapan namin, at mahirap na dahil kailangan niya pa magpahinga. Kaya naman bumalik ako sa pag-aaral ng lessons.

"Sino yun, sha?" tanong ni Ryan sakin.

"Si Ace lang," sagot ko.

"Ace? Si angelo?" takang tanong niya.

"Oo, sinabi lang na nakauwi na sila." sambit ko sakanya.

"Sows! Ang haba naman?" nakakaloko yung ngiti niya, hmp!

"Tumigil ka nga! Mag-aral na tayo." iritang sambit ko.

Nang matapos ako mag-aral ay napahiga nalang ako at napapikit dahil napagod ang mata ko. Ang sarap sa feeling pag pwede ka nang makatulog!

"Tapos kana?" tanong ni Ryan.

"Mmm tapos na! Gusto ko na matulog," pagod na sambit ko sakanya.

"Kumain kana muna, baliw!" sambit niya naman.

"Bukas nalang! Antok na ako e," inaantok na sambit ko at napahikab pa.

"O sige," napapikit na ako agad at natulog.

Ryan's POV

Napatitig lang ako sa maamong mukha ni Aisha, at kinuhaan na rin 'to ng litrato para may remembrance! Hay, I'm inlove with her. I'm inlove with my bestfriend. Pero hindi ko 'to masabi sakanya dahil nangako kami. Nangako kami na bestfriends forever kami, kaya natatakot ako at mas lalo pa ngayon na mukhang nagkakamabutihan sila ni Angelo.

Hay! Di ko na alam,

"Oh, Angelo andito ka pala!" sambit ni tita habang papasok ng kwarto ni Aisha.

"Opo, tita! Binabantayan ko lang po si Aisha ngayon, nag-aral din po kasi kami kanina kaya napagod po siya at nakatulog agad." tumawang sambit ko.

"Oh siya, sige na! Umuwi kana rin sainyo at baka hinanap ka na don. Pero pag gusto mo kumain, kain ka lang sa baba." nakangiting sambit sakin ni tita.

"Nako! hindi na po tita, sa bahay nalang po ako kakain at magpapahinga na rin po ako." nakangiting sambit ko. Nagpaalam na ako sakanya at umuwi na sa bahay namin.

"San ka nanaman galing?" bungad sakin ni mama.

"Kila Aisha lang po ma nag-aral po kami." sambit ko. At kumuha ng makakain ko.

"Eto, niluto ko kanina." inabot niya sakin yung ulam.

"Salamat ma," nakangiti kong sambit. Nang matapos ako kumain dumiretso na ako sa kwarto dahil pagod na din talaga ako. Tumingin lang ako sa mga pictures namin ni Aisha at inupload ang ilan dito.

Ang ganda niya talaga! Ang swerte ko't naging bestfriend ko siya, hindi lang siya maganda kundi mabait din at mapagkakatiwalaan mo talaga, siya yung taong alam mong hinding hindi ka iiwanan at lagi lang siyang andyan for you.

Inalala ko ang mga nangyare samin dati. Noong mga panahon na wala kaming ibang makapitan kundi ang isa't isa. Iyong mga panahon na sobrang nawala ako sa sarili ko dahil sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ng kapatid ko. Lagi niya akong pinupuntahan non at lagi niyang pinapaalala na wala akong kasalanan don. Siya yung taong nagpapagaan ng loob ko. At hindi ko din kakayanin kung mawala siya sakin.

Pinilit ko noon na wag pansinin ang nararamdaman ko para sakanya ngunit sa pag-iwas ko ay mas lalo lang 'tong lumalalim. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba 'to sakanya kasi alam kong masasaktan siya.

Hay! Hindi ko nalang muna iisipin. Matutulog na ako!


Kinabukasan....

Maaga akong gumising para maaga rin akong makapunta kila Aisha dahil baka maunahan nanaman ako ni Angelo. Naghanda na agad ako at bumaba. Naabutan ko naman don si dad.

"Dad, punta na po ako kila Aisha dun na din po ako kakain." paalam ko sakanya.

"O sige, eto baon mo." at inabot sakin ang tatlong libo. "Dagdag mo yan."


"Thanks, dad!" ngiti ko sakanya.

Pumunta na ako kila Aisha at natuwa nang wala akong makitang sasakyan sa labas. Buti nalang wala yung lalaking 'yon!

Pumasok na ako sa loob at sinalubong si tita.


"Hi tita lene! Goodmorning po," nakangiti kong sambit.

"Oh maupo kana. Hintayin lang natin si Aisha at ang bagal nanaman kumilos." sumunod na ako sakanya at maya maya'y dumating na rin si Aisha. Ang ganda niya!


Pagkaupo niya naman ay nagdasal lang kami at kumain na din agad. Minsan hindi ko mapigilan na hindi tumingin sakanya ngunit iniiwasan ko parin.


"Oh bakit ka tumitingin?" mataray niyang sambit.


"Bakit bawal?" sarkastiko kong tanong.


"Pwede naman! Sige, tingin lang sa maganda!" At hinawakan ang mukha niya. Natawa naman ako.



"Maganda yan? Si tita lang maganda dito e," tumingin kay tita na tumatawa ngayon.


"Aba syempre! Kamukha ko si mama kaya maganda din ako no' hmp!" sambit niya naman. "Sige ka hindi kana makakakain dito ulit." dagdag niya pa kaya naman agad kong binawi.


"Oo na nga e, maganda na!" natatawa kong sambit. Kaya naman natawa siya.


"takaw mo talaga e," sambit niya sakin. Dahil ang dami kong kinakain



"Gutom lang! Tsaka ang sarap ng luto ni tita, sayang kung hindi mauubos." sambit ko.



"Ang dami mong puri sakin ah?" natatawang sambit ni tita.



"Totoo naman kasi tita!" nakangiti kong sambit.





"Sipsip hmp!" pagsabat naman ni Aisha.



"Nagsasabe lang ako ng totoo," ngiti kong sambit at nagmake face naman siya. Ang cute, hays!



Nagulat na lamang ako nang biglang may mag doorbell sa labas.


Nang makitang si Angelo 'yon ay nawala ako sa mood bigla.

___________________________________________________________
_____________

:))

In Between (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon