Date
"Ang ingay mo naman." sambit ni angelo sa kayang kapatid. Tumawa lang si Angel sa naging reaction niya. Tumabi naman sakin si angelo.
"Aisha, pwede ba kita maaya lumabas mamaya?" tanong niya sakin. Natigilan naman ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Speed yorn ah!
"Ah eh san tayo pupunta?" tanong ko sakanya. Pinipigilan ko talaga kiligin pero feel ko pulang pula na ako ngayon.
"hmmm ang pula natin ngayon aisha ah!" nakangising sambit ni Elyse at sinakyan pa ng asar ni Angel. Argh nahalata pa nga! Nakakahiya tuloy kay Angelo hmp.
"Sa mall, libot lang tayo." nakangiti niyang sambit.
"Hmm sige pero sandali lang tayo ah? Madami pa kasi akong gagawin e." sagot ko sakanya.
"Oo naman! Madami pa namang araw." napangiti naman ako dahil ang cute niya talaga. Tsaka yung dimples niya! Huhu mommy ang cutie niya argh!
Bigla namang dumating si ryan na may dalang tray at nagulat nang makita si Angelo sa tabi ko. Inabot niya lang ang mga pagkain samin at umupo na.
"ano nanamang ginagawa nyan dito?" bungad niya.
"Oh why? He's my brother." sagot ni Angel.
"Brother mo pero sa bestfriend ko tumabi hmp!" naiiritang sagot ni Ryan.
"Eh what's your pake ba? Okay lang naman kay Aisha oh right, Aisha?" tumango naman ako sakanya. "atsaka my brother li---" napatakip ng bibig si Angel at masama naman ang tingin ng kuya niya sakanya.
"Ano? Your brother ano? Tuloy mo!" sambit naman ni Ryan.
"Wala kang pake kung ano man 'yon okay?" mataray na sambit ni Angel. Tinarayan lang din siya ni Ryan.
"Ang cute niyo naman! Dyan nagsimula lolo' t lola ko hehe" pang-aasar ni Elyse sa dalawa.
"Yuck!" sabay na sigaw ni Ryan at Angel.
Natawa naman kami sakanila dahil ang cute nga naman talaga tsaka bagay sila haha. Iritang irita naman ang mukha ngayon ni Ryan, kawawa naman. Pagkatapos kumain bigla namang nagsalita si Angelo.
"Uuwi ka ba muna sainyo or diretso mall na tayo?" tanong niya sakin.
"Hoy hoy anong mall? Bawal! Sumbong kita kay tita." singit naman ni Ryan.
"Magpapaalam ako wag kang ano dyan!" sagot ko kay Ryan. Natawa naman si Angelo.
Humarap ako kay Angelo at sinabing uuwi muna ako.
"sige punta nalang muna tayo sainyo." nakangiti niyang sambit.
Ngumiti lang ako sakanya at tinanguan ang sinabe niya. Pagkatapos namin kumain ay nag-offer si Angelo na ihahatid niya kami. Pumayag naman ako kaya walang nagawa si Ryan kundi pumayag na din. Hindi na nagpahatid si Elyse dahil susunduin daw siya ng driver nila. Kaming apat lang ang nandito sa sasakyan nila angelo. Nasa front seat naman si Angel at nasa likod kami ni Ryan.
"dyan lang ang bahay namin." malamig na sambit ni Ryan. Tinigil naman ni Angelo ang kotse nang makarating sa bahay nila Ryan.
"Bye Ryan!" sambit ko habang siya'y pababa ng sasakyan. Ngumiti lamang siya sakin at sinara na ang pinto.
Tinuro ko lang din kay Angelo ang bahay namin. Inaya ko din sila pumasok ng bahay dahil baka mainip sila sa pagstay sa sasakyan.
"Tara pasok muna kayo baka mainip kayo dyan." pag-aya ko. Pumayag naman sila.
BINABASA MO ANG
In Between (On Going)
Teen FictionA story where Lumiere Aisha had a lover named Lance Angelo. She didn't know that her bestfriend Ryan was hurt, while she was with Angelo. Her bestfriend Ryan confessed his feelings to Aisha. She was shocked, but they promised each other that nothing...