Kabanata 5

13.2K 818 1K
                                    

Second

I sighed nang makaabot sa gate namin. Agad akong pinagbuksan ng gwardya at bahagya itong yumuko bilang pagbati. Tumango lang ako. It's already dark. At mukhang na-miss ko na ang dinner namin tuwing gabi.

This day has been so tiring and so boring. Hindi ako nakatakas sa yaya ni Ross na mag-coffee. I evaded him for the past few days with reasons after reasons. Ngunit na-corner niya ako ngayon dahil half day at wala na akong maisip na palusot.

I know what he's up to. And simple-minded boys like him tend to be satisfied with all the chase. But I hope someday he'll get that I'm not interested.

Nag-unat ako habang patungo sa mansyon. I was stretching my arms when I saw Chaos near the porch, wearing a black sleeveless top and his hands on the pockets of his worn jeans. Nakayuko siya sa may gilid ng ilaw ng poste. His soulful eyes were directed to the ground, visibly thinking hard. There were creases on his forehead too.

"Chaos?" Tawag ko.

Agad siyang nag-angat ng tingin at kumurap-kurap. The tiredness in his face visibly vanished when he looked at me.

"Nananaginip ba ako?"

Here we go again.

Humalukipkip ako at hinintay ang susunod niyang banat. I've been getting used to him lately. Dahil wala na akong magawa upang mapatino siya at dahil pagod na rin akong awayin siya.

"Nananaginip 'ata talaga ako." Tila di-makapaniwala niyang saad.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. And I can't help the slight fluttering of my heart whenever he's near. I acknowledge that he's my crush, alright. Pero sobra naman na 'ata 'to.

Pasimple kong tinampal ang dibdib ko habang nagkukunwaring ayusin ang strap ng crossbody bag, upang sana ay kumalma naman ang naghuhuramentado kong puso.

"Dumating ka sa wakas!" Biglang sigaw niya sabay lahad ng dalawang palad sa ere.

I rolled my eyes. "What are you doing here? 'Di ba dapat ngayon nakauwi ka na sa inyo?"

Mom lets him go home. Out of all the bodyguards we have, siya lang ang walang agency. When I asked Mom why she still trusts him despite his lack of professional background, tumatahimik lang ito. I get that he used to be the son of a powerful owner of an intelligence service. But his family history and background are enough to stir doubts in me.

"Grabe ka naman, Boss. Nilamok nga ako dito kakahintay sa 'yo ta's 'yan lang bungad mo sakin. Grabe to." Reklamo niya.

"Hindi ko naman sinabing hintayin mo 'ko, ah?"

"Hindi ko rin naman sinabing huwag kang maghintay, ah?"

I blinked.

"What?"

Sira-ulo ba 'to?

"Wala, mema lang." He shrugged and smirked down at me.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko para pigilan ang sumisidhing inis para sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo?" Tanong niya habang nakapikit pa rin ako.

"Pinipigilan ang sarili ko."

"Sa ano?"

"Sa pagsakal sa 'yo!

"Ay, grabe siya."

Nagdilat ako ng mata at nakapagdesisyon ng umalis. Tutal ay mukhang wala namang magandang patutunguhan ang pakikipag-usap niya kaya mas mabuti sigurong iwan nalang siya doon!

I stepped on his right and began walking away from him. Narinig ko naman ang munting reklamo niya pero hindi ko siya pinansin.

"Hey! Sandali!"

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon