Kabanata 17

9.4K 515 1.6K
                                    

Promise

"Binuksang muli ang kaso ukol sa apoy sa Tondo na kumitil ng higit-kumulang apat na libo sa panahong 2006. Nagulat ang mga abogado sa oposisyon dahil sa biglaang pag-file ng motion for reconsideration ni Mayor Meliza Amante—"

Pinatay ko ang TV at pinagmasdan ang madilim na langit sa bintana mula sa loob ng bahay. Sinamahan nina Ate at Kuya si Mommy na kunin ang files sa opisina nito. Kaya ngayon, ako lang at ang mga kasambahay ang natira.

It's been days since the case was reopened.

The verdict years ago was biased and unclear. Ito ang pinaglalaban ng mga taga-Tondo at mga abogado. And I understand them.

When my mom announced to us her decision, I couldn't tell her not to do it. Hindi ko rin masabi na karapat-dapat niya itong gawin. At that point, both decisions were wrong. But reopening it for the sake of humanity and justice made it feel better.

Ngunit lahat ay may kabayaran. Kapalit ng pagbubukas ng kaso ay ang pagbaba ng ratings ni Mommy. Agaran ding nagpull-out ng shares ang malalaking investors sa Amante Holdings at construction firm.

Pinagdiskitahan din ng mga tao ang aming pribadong buhay. Hindi na namin pag-aari ang aming sarili, dahil tuluyan na itong inangkin ng kanilang mga mapanghusgang mata.

And the death threats were overwhelming. Kaliwa't kanan kaming nakakatanggap ng mga pagbabanta. Even the police couldn't contain the threats anymore. We were forced to renew our phone numbers and create new social media accounts.

Pero kakayanin ko naman lahat 'yan. I can bear all that. We can bear all that. But I guess, some things are just too much to hold.

"S-sorry, Yna. Sabi ni Mommy 'wag daw muna akong kumausap sa 'yo," umiiyak na sabi ni Nadie sa tawag.

Before I could respond, binaba na niya ang tawag at naiwan akong nakatunganga sa harap ng bintana ng kwarto ko.

Last time ay inunfollow ako ni Adel sa lahat ng social media sites. Nag-deactivate din siya pagkatapos. Hindi ko ma-reach ang linya ni Nadie nung panahong 'yon kaya si Vin ang tinanong ko kung ano'ng problema.

But all he said was everything's fine. Gusto lang daw ni Adel mag-relax. And I believe him, of course.

Pero kahapon lang, sumunod sa pag-deactivate si Vin. At ngayon na kinausap ko si Nadie, binabaan niya ako ng tawag. I didn't fully get what she said. Bakit? Did I do something wrong?

Their actions stuck with me through the whole week. Umaasa akong lumitaw sila bigla at magpaliwanag. I even thought they wanted to surprise me with a visit. Pero mag-iisang linggo na, wala pa rin.

Hindi ko man maamin, ngunit nagkaroon na ng kalinawan ang lahat nang sabay na nagpull-out ng shares ang mga magulang nila at pinutol ang kani-kanilang business affiliation sa amin.

Buong buhay ko, pinalaki akong matibay at matatag sa kahit ano. I never beg for anything. I never ask for anything. Kusang binibigay ang lahat sa akin nang walang kapalit. The money, the power, the status—I've had all those since I was born.

Ngunit bakit, sa lahat ng pwedeng kunin at ipagkait sa akin, ay ang mga kaibigan ko pa?

Hinagod ni Ate ang likod ko. Lumingon ako sa kanya at nasilayan ko ang matamis niyang ngiti. Ngunit iba ang sinasabi ng kanyang mga mata.

"What?"

"Ito naman, gusto lang naman kitang lapitan," asik niya.

Umiling ako. Muling naghari ang katahimikan. The past days were close to unbearable. Halos hindi na kami makatulog sa pag-aalala. Tuwing lumalabas si Mommy ay tig-lilimang convoy ang nakasunod palagi. The security around the three of us were tighter than ever.

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon