Ambush
"Papahatid na lang po ako sa El Hogar. Kukunin ko na rin yung sasakyan ko roon sa Escolta."
Tumango ang driver at tumulak na kami.
I sighed and looked out the window. Hindi na ako nakipag-away kay Chaos at hinayaan na lang ang gusto niyang mangyari. Matapos niyang sabihin 'yon kagabi ay um-oo na lang ako at umalis na. After all, what he asked for is harmless.
Yeah, right. It's harmless. We're old friends. And despite what happened years ago, hindi rin naman ako naniwala na kagagawan niya 'yon. Daddy is even comfortable with him now.
Kaya lang, bakit hindi makalma ang puso ko?
Lalo lang lumakas ang tambol ng aking puso nang dumating na kami sa Escolta. I squirmed in my seat. Napatingin naman ang driver ko sa rear-view mirror. Ngumit lang ako sa kanya.
He pulled up beside the old building. Nasa loob pa lang ako, tanaw ko na ang mga tauhang abala sa paglalagay ng mga sako ng bigas at mga kahon ng de-lata tungo sa gusali. Nakita ko rin si Lando na paminsan-minsang napapatingin sa gawi namin. Hindi kasi tinted ang sasakyan.
I looked around for the familiar figure. Pero wala akong makita. Hindi ko naman alam kung saan ako tatambay kung sakaling wala pa pala siya rito. Nahihiya rin akong makisalamuha sa kanila.
"Baka pwedeng mag-park muna tayo saglit dito, Manong? Wala pa kasi ang hinihintay ko."
"Mukhang bawal 'atang tumambay rito, Ma'am. Nasa gilid po tayo ng highway. At tauhan po ng mismong Mayor ang mga 'yan," turo niya sa mga tao.
I was conflicted. Hindi nga naman talaga pwede 'yon. Baka makumpiska pa ang lisensya ng driver at magbabayad pa ng multa.
Sa huli, tumango ako at nagpasalamat sa paghahatid bago bumaba sa sasakyan. Agad namang umalis ang driver at napabuntong-hininga na lamang ako. Saan ako pupunta?
Without much choice, I neared the busy workers. Si Lando lang ang nakapansin sa akin at ngumisi bago ako lapitan.
"Sasakyan niyo po ba?" tanong niya.
But my attention was elsewhere. Pasimple kong hinahanap si Chaos. Pero wala akong maaninag ni anino niya.
"Si Mayor po ba ang sadya ninyo?"
Sa tanong na 'yon lang niya nakuha ang atensyon ko. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakitang nakangisi pa rin siya.
"Oo. Sabi kasi niya na sasamahan niya ako sa talyer mo."
"Nasa loob po. Pagpasok niyo po diyan sa pintuan, diretso sa kanan, ikalawang pinto. Kausapin niyo lang ang guard na hinahanap niyo si Mayor. 'Di naman masyadong istrikto ngayon. Wala ring pila."
I nodded and proceeded. Sa paglapit ko sa pinto, maraming tao ang paroon at parito. May iilan na minsa'y napapatingin sa akin pero dahil sa pagkakaabala ay hindi na ako masyadong pinansin.
Pag pasok ko, agad na tinignan ng guard ang ID. Nangunot ang kanyang noo at bahagyang nagtagal doon ang kanyang titig. Kalaunan ay inabot niya rin sa akin ito at giniya ako sa tanggapan. Ramdam ko ang kuryuso at nalilitong titig niya kahit nakatalikod na ako.
The stares prolonged when I was met with a whole bunch of people on the right wing of this place. Naasiwa ako pero pilit kong nilabanan 'yon at dumiretso sa ikalawang pintuan.
Nang tuluyan na akong makalapit, saka naman ako biglang nakaramdam ng pag-urong. Pero tinulak ko ang aking sarili sa gagawin dahil may meeting pa ako sa ala una at hindi ko pwedeng ipagpaliban 'yon dahil lang sa sasakyan ko rito sa Escolta.
BINABASA MO ANG
A Day in the Night Sky
Romance[Politico 1] All eyes are on Serena. Molded into politics since she was young, there was no room for disappointment. She only has one way to go on and nothing to back out. Living for her is a routine and a duty. There's no other way to turn things a...