Special Chapter

14.8K 826 598
                                    

Hi! Sorry. It took me so long to write this. But thank you for being patient! I love you guys more than anything in this world. 

-

Ilang buwan na rin ang nakalipas.

Tinanggal ko ang salamin sa mga mata at hinilot ang sentido ko. Tambak ng trabaho ngayon sa opisina. At kahit parang pinalipat ko na ang city hall dito sa bahay namin sa Makati, hindi ko pa rin maiwan ang mga papeles.

Gaya ng madalas kong ginagawa kapag pagod, bumaling ako sa litrato ng kasal namin at unti-unting ngumisi nang may maalala sa unang gabi namin bilang mag-asawa.

Hindi siya nakangiti. Supladang-suplada ang dating at mukhang napilitan pa akong tanggapin sa altar. Pero para sa akin, ito ang pinaka-cute na kuha sa lahat ng litrato.

"Ang cute-cute mo rito, Yna," mahinang usal ko habang tinititigan ang kanyang mukha. "Pero no'ng gabing 'yon, hehe..."

Isa 'yon sa pinaka-espesyal na mga araw sa buhay ko. Hindi dahil sa kung ano'ng ginawa namin. Kundi dahil matapos ang lahat... siya pa rin pala talaga sa huli. Siya at siya lang. Hanggang sa maubos ang oras. O siguro... lalagpas pa sa oras.

Katabi ng litrato ng aming kasal ang kuha ko sa kanya ilang taon na ang lumipas. Tanda ko pa kung paano ko titigan ang litratong 'yon gabi-gabi, umaasang magkatotoo ang kanyang imahe sa loob ng selda na ilang buwan ko ring naging tirahan.

Mapait at matamis. 'Yon ang binigay sa akin ng kahapon. Subalit sa huli, nagbunga rin naman ang mga sakripisyo ko para sa amin at sa pamilya ko.

Sa pag-alala ko sa nangyari noon, ni hindi ko napansin ang pagpasok ng kung sino sa opisina.

"Yorms, para kang tanga."

Napawi ang aking ngiti nang marinig ang boses ni Lando at nag-angat ng tingin sa binata. Bitbit niya ang mga papeles na pinakuha ko pa sa Ermita.

Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya matapos niyang ilapag ang mga dokumento sa mesa.

"'Wag ka nga rito!" taboy ko. "Salamat! Pero 'wag mong istorbohin ang pagmomoment ko!"

Ngumisi lang ang kumag bago tuluyang umalis.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Inabot ko ang cellphone na prenteng nakahiga sa mesa at napagdesisyunang tawagan na lang ang asawa. Nasa mall na naman siguro 'yon ngayon.

Isang ring lang at agad niya itong sinagot kaya mas lumawak ang aking ngiti.

"Mahal—"

"Why are you calling? 'Di ba nagtatrabaho ka?" agad niyang tanong. "I miss you too, but you should work. Mamaya mo na ako kulitin."

Sumimangot ako.

"Grabe ka naman sa 'kin. Ang tagal na kitang 'di natawagan!"

"We literally saw each other on breakfast, Chaos. And you called me three times already for the past few hours. Ano'ng sinasabi mo diyan? Lasing ka na ba?"

Napakagat ako sa aking labi at pinaikot-ikot ang swivel chair. Oo nga pala. Pero, hindi ko rin kasi talaga maiwasan ang mag-alala sa kondisyon niya.

Magsasalita pa sana ako nang mauna siya sa akin.

"Anyway, I have to hang up. I have to eat this ice cream now. Or else, matutunaw 'to. I can't have another cup! I finally got the purple cone, Chaos!"

At binabaan niya na nga ako.

Sa mga nakalipas na buwan, lalo siyang naging mataray. Hindi naman siya gano'n sa lahat ng tao! Sa akin lang! Hindi talaga patas ang mundo. Tangina.

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon