Family
It's June. And Chaos is still busy with his graduation requirements.
Mula noong pumunta ako sa First United Building ay hindi na siya muling tumawag pa. Paminsan-minsang text nalang ang natatanggap ko.
Umuusad na rin ang kampanya. Noong isang araw ay nangampanya si Mommy sa balwarte ng mga Gomez, ang Pampanga. As usual, hindi na kami pinasama dahil baka magkagulo na naman. The issues were from left to right, too. Walang katapusan.
"Have you read the latest article? Grabe pati 'yung pagiging achiever mo, dahil daw sa kapit at impluwensya ni Mommy sa school! I can't with these people!" Gigil na saad ni Ate.
Umirap lang ako. "I don't know 'bout that. Hindi na ako masyadong tumatambay sa soc med. You should do it, too. It helps."
Kumuha siya ng chips sa bowl na pinaglagyan ko at hinawi ang buhok.
"No way. Ayoko! Mas dumarami ang endorsements ko. Lalo na't summer pa."
Ate is famous in Instagram and Twitter. Parati siyang kinukuha na mag-endorse sa iba't ibang produkto na makikita lang din naman sa online. Hinikayat din siya ng marami na mag-modelo ngunit nais niya talagang tapusin ang kurso niya sa Enderun.
"Then deal with it. Basta 'wag mo nalang patulan."
Umiling siya. "Too late. May sinagot akong basher sa IG. Pero tumigil na rin naman."
Inirapan ko siya. Nagrereklamo pero sumasagot naman pala. Bumaling ako kay Kuya na nakaupo malapit sa foyer. Busy siya sa kung ano na hindi ko naman makita dahil nakaharang ang pader. Kaya tumayo ako at nagtungo sa labas.
Pagkalapit ko ay nakita ko siyang nakasubsob ang mukha malapit sa sketchpad niya at nakakunot ang noo.
"Ano 'yan?"
Bahagyang nag-angat ng tingin ang kapatid ko.
"Oh, this? It's a house design. Wala akong magawa," humalakhak siya.
"Para saan?" Nagtaas ako ng kilay.
Umupo ako sa kabilang upuan.
"Wala lang. It's boring. Ayaw mong mag-paint? 'Di ka na masyadong nagpipinta ngayon, ah?"
I glanced at the easel na katabi niya lang. Nandoon pa ang 'di ko natatapos na painting ng kalangitan na nakita ko noon sa Escolta.
Umiling ako. "Ayoko muna. Magrereview pa ako."
"Ano'ng irereview mo? August pa naman kayo, 'di ba?" Takang tanong ni Ate.
"Accounting. Just to be prepared," tugon ko.
Nagkibit-balikat lang si Ate at inabot ang remote para lumipat sa kabilang channel. Inabala ko nalang ang sarili sa pag-scroll ng mga kung anu-ano sa Youtube.
"Ayaw mo talagang mag-archi?"
Umiling ako. It's not that I don't want to. I just can't.
"I'm good with politics. Baka mag-proceed nalang din ako sa law school kung sakali. I don't know," sagot ko.
Pumangalumbaba si Kuya at tumigil sa pag-sketch.
"Since bata pa tayo, you're always pressured to do things you don't like."
"I like the piano," untag ko.
"You like it. But you never loved playing the instrument. 'Wag mo 'kong lokohin," tumawa si Kuya.
Bahagya nalang din akong natawa. It's true, though. I liked the things I was presented. I liked the idea of doing something. But I never once did love doing any of the things I was told to do.
BINABASA MO ANG
A Day in the Night Sky
Romance[Politico 1] All eyes are on Serena. Molded into politics since she was young, there was no room for disappointment. She only has one way to go on and nothing to back out. Living for her is a routine and a duty. There's no other way to turn things a...