Kabanata 8

10.6K 613 751
                                    

Forgotten

Tahimik kong pinagmamasdan ang pagdampi ng bulak na may gamot sa mga sugat ni Chaos. Nakapalibot sa kanya ngayon sina Mommy at Daddy. Nakatanaw lang din si Ate at Kuya sa kanya.

"Aray naman, Manang! Dahan-dahan!" Reklamo niya.

"Aba itong batang 'to! Ikaw pa nag-rereklamo?" Muling dumaing si Chaos nang diniin ni Manang ang bulak sa pasa niya.

Ilang minuto pa siyang ngumawa sa sakit at tinigil na rin naman ni Manang Esme ang paglagay ng first aid.

"In my office, Chaos."

Sumulyap siya sa akin sandali bago umalis at sumunod kay Mommy papuntang opisina. Alas diyes na ng gabi at halos lahat ng kasambahay na natutulog na ay nabulabog sa pagdating ni Chaos. Sa ingay niya habang ginagamot, nagising ang lahat sa bahay.

I was anxious sa kung ano ang pinag-usapan nila nina Mommy. Sinubukan kong maghintay pa ng ilang minuto at nagbaka-sakaling bumaba na sila. Pero nang sumapit na ang alas onse ay pinatulog na ako ni Manang.

I guess I'll see things tomorrow.

That night had not been peaceful. Halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa mga susunod na mangyayari sa mga daraan na araw. I don't know what to do with all these anymore. Naaapektuhan na kaming lahat, maging yung mga taong malapit sa amin.

Several investors pulled out their shares in the Amante Holdings. May mga nag-back out din sa iilang proyekto ng construction firm. Umatras sa mga ipinahayag na suporta ang mga iilan sa kaalyado ni Mommy.

"How are we supposed to get all those people back? Sirang-sira na ang pangalan natin sa publiko, Fidel!"

Napahilot sa sentido si Daddy. "Just give it time. Those people's attention spans are short and I'm sure they'll forget it in no time! You just have to give at least a week more or so—"

"We've already given enough time for things to work out pero wala pa rin! I have paid several media outlets to not print out copies anymore! Pero hindi ko maabot yung mga malalaking network!"

Media being paid by influential people is no big news for all those that know. It's common. And sickening. To swear to the public of a trustworthy and honest news and betray it is a crime to the people.

Kaya kahit na hinubog ako ni Mommy nang husto para sa politika, hinding-hindi ko kailanman ito mamahalin. And if ever, if ever I'll be one someday, I wish I would have the heart to change what could not be changed today.

I silently worked on the approval letters for an upcoming school event. Wala ang President kaya ako muna ang pinag-handle sa mga kakailanganin.

Abala ako sa pagrereview ng iilang proposals ng iba't ibang school clubs para sa presentation nang may kumatok sa office. Hindi ko na nilingon pa kung sino 'yon ngunit may narinig akong tumikhim.

Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mahinhin at nag-aalinlangang mukha ni Allison, ang SG secretary namin.

"Uhm, may nag-abot nitong files kanina sa akin. They want you to review it daw."

Nangunot ang noo ko roon. "Why not hand it to me personally? Bakit kailangan dumaan sa 'yo?"

Alinlangan siyang ngumiti.

"T-They want me to give it to you—"

"Kaya nga. Bakit? Pwede namang diretso sa office."

Tumikhim siya. "They are... not sure whether to approach you or not because of, you know, your family's current... situation."

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon