Kabanata 29

9.4K 541 798
                                    

Home

It's true when they say that no matter how many places you've gone to, the path will always lead you back to the place where you belong.

And that's how I came up with the decision to go home.

But before that, pinoproblema ko ang biglaang paglalagay ng boutique sa Pilipinas. Wala 'yon sa plano ng kompanya. Nadagdagan pa ng mga fabric na hindi nadeliver sa tamang oras kaya nagpapanic ngayon ang buong team.

Nasapo ko ang aking ulo gamit ang isang kamay. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin.

"Miss, may—"

"What do you think of putting up a boutique in the Philippines, El?"

Hindi siya sumagot. Mataman niya lang akong tinitigan at kalmadong tumikhim.

"Well?" I probed.

"Wala po 'yan sa planning at sa budget," sagot niya.

I leaned back. Oo nga naman. Kaya mas frustrated ako dahil doon.

"An office?"

"Hindi po kailangan ng office 'pag walang boutique."

"Okay, thank you," tumango ako sa kanya.

"May dinner po kayo kasama si Miss Amika mamaya."

Oo nga pala.

"Sige, salamat, El."

Umalis na rin siya kaagad. And I'm once again left to ponder on my own thoughts.

Buo na ang desisyon kong umuwi. Pero hindi ko pa 'to sinabi kay Daddy o sa kahit sino, maging kay Ami. Ayokong ipagsasabi na uuwi ako dahil alam kong susunduin ako ni Daddy at pipilitin niya akong tumira sa Valenzuela kasama sila ni Tita Ellen.

Medyo nagsisi ako na wala akong nilaan na plano para sa Pilipinas. Now I don't know what to do with the company I'll be leaving behind for a month. Hindi rin naman ako magtatagal. I'll just settle the last will and check the case. 'Yon lang, oo.

I have no hopes of seeing Chaos once again. Maybe he doesn't really want to see me anymore. And I'd understand that. Kahit pa masakit.

There are things we just couldn't change in order to satisfy what we truly want. The world doesn't work like that.

"Uuwi ka na?"

"Yeah," maikling tugon ko.

Nagyaya kumain sa Metro si Ami. Wala na rin naman akong gagawin kaya pumayag na ako.

"Paano si Aldros?"

"Huh?"

"Wala na ba? 'Yon na lang 'yon?" tila dismayado niyang ani.

I rolled my eyes. Ever since Ami knew what happened that night, she wouldn't shut up about Aldros. Lagi niyang sinasabi na baka ito na talaga ang hinahanap ko sa buhay.

I'm not looking for anyone. I'm looking for something.

"We're... acquaintances."

Madalas ang email ng kanyang sekretarya sa akin tungkol sa pinapagawa niyang suit. I just simply forward the email to Eline para siya na ang sumagot.

"Acquaintances, huh? Kung makatingin sa 'yo hindi pang-acquiantance ang pakay!"

Umiling lang ako.

"Do not assume unless otherwise stated, Ami."

"Grabe ka naman. Baka lang naman may gusto 'yon sa 'yo."

"That's impossible. He's so successful, why would he look at someone like me?"

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon