Kabanata 33

9.8K 619 794
                                    

Weak

Hindi ko alam kung paano ko napalipas ang gabing 'yon.

Pagkauwi ko sa condo ay bagsak agad ang katawan ko sa kama. What I did today wasn't physically tiring. But emotionally, then, yes.

I just didn't understand any of it. The mere fact that I couldn't do anything for them at that moment kept me devastated for years. Hindi ako halos makabangon. At ang malamang ang lahat ng pinagdaanan ko ay pagpoprotekta para sa kanila, ay isang bagay na hindi ko kailanman maiintindihan.

I woke up with a heavy heart and a throbbing head. Ni-check ko ang aking cellphone at muntik nang mabitawan nang makita ang mga mensahe ni Chaos na kagabi pa 'ata niya naipadala.

'Sana nakauwi ka nang maayos. Kung hindi mo mamasamain, sana i-text mo ako para malaman kong ligtas ka.'

'Yna?'

'Mukhang tulog ka na. Pasensya sa nangyari kanina. Sana makapag-usap pa tayo ulit.'

I sighed and threw my phone on the bed. Ano pa ba ang pag-uusapan namin? Well, our conversation last night didn't end well. But is it enough to try again?

Pwede lang naman akong makipag-usap kay Tito mismo. Right. I should do just that. Pagkatapos ay aalis na ako patungong Espanya. Magtatrabaho na ako ulit sa kompanya ko. At hindi na ako babalik pa rito.

My heart hurt at the last thought.

"Ma'am?"

Napukaw lang ang aking atensyon nang tawagin ako ni Eline.

"Tumawag po si Jordan. Palpak pa rin ang negotiation sa China."

Isa pa 'to. Bahagya akong nagsisi kung bakit hindi ko pinaglaban ang sa Pilipinas. Kung alam ko lang na hanggang ngayon ay wala pa rin silang nagagawa, sana'y ako na mismo ang kumilos.

"Please tell him to set another board meeting. And have him propose the second project instead. Dapat 'yon na lang ang priority for now. He knows about that already."

"Okay po," aniya.

Tumango lang ako. Pero hindi pa rin siya umaalis.

"What is it?" tanong ko.

Mukha siyang nagdadalawang-isip.

"Kayo raw po ang dadalo sa feeding program sa Tondo, sabi ng Daddy ninyo."

Tumango na naman ako kahit labag sa kalooban ko.

"It's okay, Eline. Just leave me for a while."

Wala talaga ako sa mood buong araw. Kahit nang binalita ni Ami sa akin na uuwi sila ng Pilipinas ay wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko.

Dinagdagan pa ni Daddy.

"Darling, just the feeding program. Ako dapat ang kasama. But I remembered, may golf session pala kami ng board members sa araw na 'yon. Thank you!"

I'm not in the mood so I didn't argue anymore.

At wala na nga akong nagawa sa huli. I kinda relate with the whole board member thing. Importanteng maganda ang pagsasama ninyo ng mga board members. It's for business purposes, actually.

Nag-aya ng dinner sa labas si Adel at Nadie. Hindi kasama si Vin kasi inaasikaso ang engagement nila ni Tanya.

The asshole is finally getting tied. Hanggang ngayon, hindi niya inaamin na gusto na niya si Tanya, even when his actions say that he is. Seriously, I don't know what's stopping him.

"Ewan ko diyan kay Vin. Sobrang in-denial! Halata naman na. Ayaw pang aminin!" tawa ni Adel.

Tahimik naman si Nadie sa gilid at iniisip din ang sariling problemang mag-asawa. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa asawa na buntis siya.

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon