Maybe
When I sketch old buildings, I couldn't help but drift off to the moment when Chaos and I met.
Inis kong pinikit ang aking mga mata at binato ang lapis sa kung saan. It's been months since I last saw that guy. Hanggang ngayon, laman pa rin siya ng isip ko.
I'm not even sure if that was really Chaos. Maybe my mind was just playing tricks on me that time. Ayokong umasa sa wala.
Tumayo ako at kinuha ang mason jar na pinaglagyan ko ng iced coffee at bumaba na. Buwan na rin ang lumipas nang tuluyang umuwi si Manang sa Pilipinas kasama ang ibang mga natirang guard. After six years, ngayon lang ulit ako naiwang mag-isa. But for the good reasons.
Una, gusto kong maging independent. Pangalawa, hindi na rin ako makauwi sa tinitirhang bahay namin sa El Born. Bumalik ako sa Madrid dahil doon na ang main headquarters ng Wintrest, kaya kumuha na lang ako ng bahay sa La Moraleja. At pangatlo, I'm staying away from my dad.
It's been almost a year since nagpakasal siya ulit. Pero nahihirapan pa rin akong tanggapin 'yon.
"Hello? Eline, pwede bang i-contact mo si Ami? Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko. Palaging pinapatay. Tell her na mag-didinner kami mamaya sa Metro."
Halos Pinoy ang staff ko. Mayroon din namang mga Espanyol pero mas marami ang mga Pinoy na nabigyan ko ng trabaho.
"Yes, Miss."
And I don't know what's up with Ami. Kaning umaga nang sinubukan ko siyang tawagan ay hindi naman siya nagsalita. Tapos kalaunan ay nagmamadali siyang nagpaumanhin at binaba ang tawag.
Hindi pa ako tuluyang nakakaalis sa aking inuupuan ay tumawag muli si Eline.
"Miss, uh, s-sorry daw po," putol-putol na sabi ni Eline.
"What? Why?"
"B-Busy daw po siya sa, ano, uh..." lalo akong naguluhan.
"Ano'ng busy? Tatawagan ko na lang siya ulit. Thank you, El."
"T-Teka, Miss, sandali—"
Binaba ko na nag tawag dahil nagsisimula na akong maubusan ng pasensya kay Ami.
Ni-dial ko ang kanyang numero. But once I did, I instantly regretted why I didn't listen to El a while ago.
"Oh, shit—!"
Nanlalaki ang mga mata ko sa mga narinig ko sa kabilang linya.
"Daniel, mamaya na—!"
I ended the call right away. What the hell was that?
"Masarap ba?" sarkastikong tanong ko.
Matalim ang tinging ipinukol ni Ami sa akin habang hinihiwa ang steak niya. We're having our dinner in this restaurant near her unit. Hindi kami natuloy sa bistro dahil naging abala siya sa... ibang bagay.
"Anong masarap?"
"Makipag—"
She held out a hand. Halos matawa ako sa mukha niya.
"Nasa publiko tayo! Pero oo, masarap!"
"Kailan kayo nagkabalikan ni Daniel?"
Ami and Daniel got together sometime after high school. Pero nagbreak din noong masyado nang naging abala sa kani-kanyang pag-aaral. Though, I doubt if that was really the reason why. Still, masaya ako na nagkabalikan na sila ngayon.
"Matagal na. 'Di ko lang sinasabi dahil ayokong ma-issue," humagikhik siya.
"Ayaw mong ma-issue pero mukhang busy na kayo simula pa umaga," sabi ko sabay subo ng steak.
BINABASA MO ANG
A Day in the Night Sky
Romance[Politico 1] All eyes are on Serena. Molded into politics since she was young, there was no room for disappointment. She only has one way to go on and nothing to back out. Living for her is a routine and a duty. There's no other way to turn things a...