Cruel
Fate is cruel. So is time.
"Mayor, totoo ba ang haka-haka na tatakbo ka sa susunod na eleksyon bilang senador?"
"VP Gomez already confirmed it. How true is it?"
"What is your real connection to the Figueroas?"
Biglaan ang paghihigpit ni Mommy ng security sa amin matapos ang ilang linggong pagsusunod sa amin ng mga reporter. Sa eskwelahan, sa opisina, sa bahay, at kahit saan basta may makita na kapamilya namin.
Unti-unting bumabalik ang mga isyu noon sa aming pamilya at sa pamamalakad ni Mommy bilang Mayor ng Maynila sa loob ng tatlong termino. The security has also been breached multiple times. Kaya papalit-palit ng mga gwardya.
But Chaos remained. And that alone sparked fire in the public.
Inabisuhan siya ni Mommy na huwag munang magpakita sa publiko pati na rin ang buong pamilya niya. Pansamantala silang pumunta ng Negros para ipahupa ang galit ng mga tao at para na rin sa kanilang seguridad.
As days went by, the loneliness is creeping, too. Isa-isang nagsi-alisan ang mga tauhan sa bahay sa takot na madamay ang kani-kanilang pamilya. Ang tanging nanatili ay sina Manang Esme at iilan pang tauhan na ilang taon na ring nanirahan dito.
Sina Ate at Kuya naman ay parating hinahatid-sundo sa eskwela. Maging ako ay may nakabuntot na mga gwardya, pero hindi ko kilala at hindi ko namamalayan paminsan-minsan. Si Mommy at Daddy ay unti-unti na ring hindi nag-uusap. Hindi ko alam kung dala ba ng mga problema o... kung may iba pa bang dahilan bukod doon na ayaw ko mang isipin ay bumabagabag sa akin.
My parents never truly expressed their love towards each other in front of us. Ni minsan ay hindi ko narinig kay Daddy ang matamis na salitang tanging mga nagmamahalan lang ang nakakaintindi. But of course, if you never loved each other, you would never understand... right?
"Kain na, hija." Ani Manang.
Pilit akong ngumiti. "Hihintayin ko po muna sila."
"Mamaya pa ang dating nila."
"It's okay."
Bumuntong-hininga si Manang at may sasabihin pa sana ngunit tumalikod lang siya at nagtungo na sa maid's quarters. Tinignan ko ang mga niluto. Masarap magluto si Manang. Pero walang mas isasarap ang pagkain kung may kasabay, lalo na kung pamilya.
I ended up eating on my own. Walang dumating.
I busied myself with paperwork from the student government. Tambak ng activities ang buwan ng Setyembre dahil sa Intramurals.
"Leo, na-approve na ba ang budget?"
"Hindi pa, Yna. Wala si Miss Reyes sa office kanina."
"Asikasuhin mo muna ang pina-reserve na covered court, please. Kailangan natin ang approval para sa opening and closing ceremonies."
Nagkamot ng batok si Leo. At alam ko na ang ibig sabihin no'n.
"Ah, eh... may naka-schedule na raw eh. Nauna sa pag-reserve ang senior high school department."
I shut my eyes tight. "Wala bang ibang venue?"
"Titingnan ko kung pwede ba sa gym."
Tumango ako at hinilot ang sentido pagkaalis ni Leo. Sunod-sunod ang mga problema sa student government mula pa noong isang linggo, lalo na sa mga concerns ng ilang athlete na gustong mag-double ng sports.
"Please announce it to the different grade levels na bawal ang double sports. Automatic disqualification sa isang sport pag nakitang nag-doble."
I stood from where I was sitting and went near the window. The sun shone brightly in the skies. Nakakasilaw. At nakakairita. Para bang dinadagdagan nito ang pait sa aking sistema dahil sa mga nangyayari ngayon.
BINABASA MO ANG
A Day in the Night Sky
Romance[Politico 1] All eyes are on Serena. Molded into politics since she was young, there was no room for disappointment. She only has one way to go on and nothing to back out. Living for her is a routine and a duty. There's no other way to turn things a...