Kabanata 9

10.6K 579 1K
                                    

Memory

"Sa'n ba kasi tayo?"

"Basta."

Agad na humarurot ang motor paalis ng mansyon. Napakapit naman ako nang mariin kay Chaos. Nang makarating kami sa highway ay binagalan niya nang kaonti ang takbo.

Pasko ngayon, kaya wala masyadong nasa daanan. Lahat ay masayang kasama ang kani-kanilang pamilya. Ako naman ay nandito, kasama ang damuho. Wala sina Mommy sa bahay at may inasikaso. Ang mga kapatid ko naman ay nagkulong lang sa kwarto matapos ang Noche Buena kagabi.

I was enjoying the ride. Marahas na umiihip ang hangin sa aking mukha na tila ba gusto nito akong tangayin. I clung to Chaos's shirt secretly. Pero napansin niya 'ata ang pagkapit ko dahil humalakhak siya.

"Boss, 'wag kang mahiya. Maliit na bagay..." Aniya sabay halakhak.

Nag-init ang aking pisngi kahit na maginaw. Niluwagan ko ang pagkakapit sa kanya.

'Di nagtagal ay tumigil kami sa isang mataong lugar. May mga nagbebenta ng kung anu-ano at marami rin namang mga bumibili. Pinark niya ang motor sa gilid ng isang lumang dalawang palapag na bahay at una niya akong pinababa bago siya.

"Welcome to San Nicolas, Boss."

I scoffed and looked around. Maligaya ang lugar na ito at punong-puno ng buhay. Ginala ko rin ang aking paningin sa lumang bahay na nasa tapat namin.

"Ba't tayo nandito?"

Nagkibit-balikat siya at sinenyas niya na ako na ang mauna sa pagpasok. Mula sa luma at kinakalawang na gate, tanaw ko ang malawak na hardin sa loob. Kahit na hindi naman ganoon kagandahan ang bahay, alam kong inaalagaan ito ng kung sino man ang may-ari.

Papasok na sana ako nang may mapansin.

'Figueroa Residence'

Nakaukit ito sa gate. Nilingon ko si Chaos na ngayon ay ngumingisi na.

"Bahay namin 'to. Kaya pumasok ka na. Hindi ka naman namin kakatayin para may handa. Hindi kami kumakain ng tao."

Umirap ako at tumuloy. Maraming iba't ibang halaman sa hardin. Ang iba ay hindi pamilyar sa akin. Mayroon din namang mga natatagpuan lang sa amin.

Pero agaw-pansin ang blue violets sa gilid. Sobrang dami nito. This type of flower is one of the many flowers na matatagpuan sa garden namin. Paborito rin ito ni Mommy dahil sa pinapahiwatig nito. True and faithful.

"Pero pwede na rin. Kung wala na kaming makain. Baka pwede kang—PUTANGINA!"

Isang malutong na hampas at mura ang nagsabay sa aking pandinig habang ako'y nakatalikod at mabilis akong lumingon para lang makita si Chaos at si Tito Amor na may hawak-hawak na malaking karton. Mukhang ito ang ginamit niyang pampalo sa kay Chaos na ngayon ay masama ang tingin sa kanya.

"Pa! Para sa'n yon?!"

Tinignan nang masama ni Tito Amor si Chaos. "Kung anu-anong pinagsasabi mo rito sa dalaga."

Hinimas ni Chaos ang likod niya habang bumulong-bulong. Lumingon naman si Tito Amor sa akin at ginawaran ako ng isang maliit na ngiti.

"Pasensya ka na, hija. Halika, magmeryenda tayo sa loob. Nandiyan ang Tita Irin mo."

Sumama ako sa kanya at palihim na nilingon si Chaos na hanggang ngayon ay bumubulong-bulong pa rin ng mga reklamo. Lihim akong napangiti sa kakulitan niya. He's almost 21 now. Pero wala pa ring pinagbago ang taong 'to.

Agad na bumungad sa aking mga mata si Tita Irin na sinusubuan si Trinity. Tumigil sa pagnguya ang bata at diretsong tumingin sa akin. Ginawaran ko ito ng malawak na ngiti bago ako nilingon ni Tita.

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon