Elle’s POVMakalipas ang ilang minuto ay nakarating na agad kami sa simbahan kaya lang pagpasok namin ay nagulat ako dahil sobrang daming tao at mukhang magsisimula na ang misa kaya no choice kami kung hindi ang tumayo na lang sa may likuran.
“Hay (sigh) dapat pala mas inagahan natin, ikaw kasi Elle eh ang bagal mo kumilos.” paninisi sakin ni Shan
“Anong ako! Eh ikaw nga tong halos lahat ng tindahan na madaan natin eh puntahan mo para bumili ng mga pagkain daig mo pang hindi kumain ng ilang araw.” sagot ko sa kanya
“HAHA! Oo nga pala.” (kamot sa ulo) sabi nya habang tumatawa ng malakas kaya pinagtinginan tuloy kami ng mga tao
“Shh! Wag kayong maingay nasa loob tayo ng simbahan.” saway samin ni Mira
“Ok lang yan Mira, hindi kana nasanay sa amin.” sabi ko habang natatawa na rin habang lumilingon sa paligid at hinahanap ang taong matagal tagal ko na ring hindi nakikita.
“HOY! (sabay kiliti sa tagiliran ko) sino hinahanap mo?” sabi ni Shan at dahil inatake nanaman ako ng katangahan eh bigla akong umatras para sana hindi na ako kilitiin ni Shan ng may biglang umaray sa likuran ko.
“Aray naman!” sabi nung lalaki kaya bigla akong humarap sa kanya at dali daling yumuko kaya hindi ko nakita ang mukha nya.
“Nako sorry po, hindi ko po talaga sinasadya.” nakayuko ko pa ring sabi sa lalaki. Hindi pa rin ako tumutunghay kasi inaantay ko pa syang magsalita ulit ng biglang kinulbit ako ng kinulbit ni Shan sa tagiliran na parang kilig na kilig atsaka bumulong
“Insan si Care yung naapakan mo.” bulong nya sakin
“Anong si Care?” naguguluhang bulong ko din sa kanya sabay biglang tunghay ng umaray na naman yung lalaki sa pangalawang pagkakataon kasi dapat sisilipin nya yung mukha ko dahil nakatungo pa rin ako ng bigla akong tumunghay kaya ang ending nagkauntugan naman kami. Habang hawak ko ang ulo ko ay tiningnan ko ang mukha nung lalaki na nakahawak din sa ulo nya at halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Care sa harapan ko na nakasuot na ng pang sakristan na damit.
“Hays magkakabukol yata ako nito.” seryoso nyang sabi habang nakatingin sa akin pero nakatulala pa rin ako sa kanya at walang balak magsalita hanggang sa dumating na yung mga kasamahan nyang sakristan.
“Oh tol anong ginagawa mo dito, tara na pumila na tayo nandyan na rin si Father at magsisimula na yung misa.” sabi ni Spring bago sila umalis habang dala yung bell. Sila kasi ang magdadala nun habang yung isa pang sakristan ang nasa gitna at may dalang krus bale ang posisyon nila ay
Spring - yung isang sakristan - Care
Habang naglalakad sila papunta sa unahan ay nakatitig lang ako kay Care dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na naapakan ko sya at nagkauntugan pa kami dahil sa katangahan ko.
“Tama na ang titig, sige ka baka matunaw yan.” bulong sakin ni Shan habang si Mira naman ay seryoso lang na nakatingin sa unahan dahil nakarating na sila sa unahan at magsisimula na si Father magsermon.
“ Hay oo na.” sabi ko na lang at nagpokus na ako sa pakikinig kay Father
[FASTFORWARD]
“Tapos na ang misa, humayo kayo at damhin ang presenya ng Panginoon.” sabi ni Father
“Salamat sa Diyos.” sabay sabay naming sabi at nagpalakpakan
Kaya tumayo na kami at nag antanda sa noo ng holy water bago lumabas. Nang makalabas kami ay napagdesisyunan namin na pumunta muna sa isang coffe shop bago umuwi alam ko namang baka sa bahay nanaman dadayo itong mga pinsan ko ng kain ngayong tanghalian.
[Jumpstart Cofee Shop]
“Anong sa inyo? Ako na ang oorder maghanap na lang kayo ng table na mauupuan natin.” tanong ni Shan pagkapasok namin sa coffee shop.
“Caffe Americano sa akin.” sabi ko
“Espresso.” maikling sagot ni Mira
“1 espresso and 2 caffe Americano copy ma'am .” sabay alis para umorder na akala mo sya yung waitress
“Ano kayang nakain nun at umorder din ng Caffe Americano eh sa pagkakaalam ko Macchiato ang paborito nun diba?” tanong ko kay Mira at alam niyo ba kung anong nakuha kong sagot sa kanya isa lang namang kibit balikat. Hay naku! saan kaya pinaglihi ni tita itong si Mira sobrang tipid kasi magsalita buti na lang sanay na kami dito kaya nga kapag kaming dalawa lang ang magkasama napapanis talaga laway ko.
“HAHA.” bigla tuloy akong napatawa ng malakas kaya biglang pinagtinginan ako ng mga tao dito sa loob ng coffee shop. Kaya dali dali akong nag sorry buti na lang hindi na nila ako pinansin at nagpatuloy na sila sa kanilang mga ginagawa.
Ang napili nga pala naming pwesto ay yung malapit sa may pintuan nang biglang tumunog ang chimes na nakasabit sa may pintuan, ibig sabihin ay may pumasok at ng mapatingin ako doon ay pakiramdam ko ay nakakakita ako sa paligid nya ng mga lumulutang na puso puso. Malala na talaga yata ako.
“Ito na po ang order nyo ma'am.” sabi ni Shan habang binababa na yung order naming kape sa mesa na tuwang tuwa pa sa ginagawa nya na pagiging waitress sa amin. Hindi ko napansin na dumating na pala ito kung hindi pa sya nagsalita eh malamang nakatulala pa rin ako hanggang ngayon. Hinanap ko naman agad sina Care kung nasaan na sila ni Spring nang makita ko syang umupo sa tabi ng table namin habang si Spring naman ay pumunta na sa counter at umorder.
“Alam mo Elle nakakahiya talaga kanina yung ginawa mo haha.” tuwang tuwa na sabi ni Shan na hindi napapansin na nasa tabi lang namin si Care at pakinig ang pinagsasabi nya.
“Shh wag kang maingay Shan nandito din sina Care at baka malaman nya pa na may gusto ako sa kanya pati na rin na I'm his ultimate fan kahit hindi naman sya artista✌.” saway ko sa kanya ng mapansin ko si Care na nakatitig kay Mira na busy sa pagcecellphone. Buti na lang dumating na si Spring dala yung kanilang inorder kaya nabaling dito ang atensyon ni Care.
Bigla akong napaisip kung bakit ganun na lang kung titigan ito ni Care, magkakilala ba sila ni Mira. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pakiramdam ko may isang bagay na mangyayari na labis na makakasakit sa akin. Hay baka paranoid lang ako wag naman sana kasi baka hindi ko kayanin.
------------------
PLEASE VOTE, SHARE and ENJOY READING
Thank you!!!
<<Cii_chelles>>
BINABASA MO ANG
SAKRISTAN 1: Mr. Faithful meets Ms. Writer(Completed)
Teen FictionElle Aubrenique Abad is a type of girl who likes to enjoy being a writer of different love stories. She is also the no boyfriend since birth queen according to her cousins but little they didn't know that she keeps on praying to God that someday thi...