Elle’s POV
Katatapos lang ng klase namin sa subject na Risk Management kay Ms. Maddie Lim at ito na ang last period namin ngayong Friday kaya nagdesisyon kami ni Shan na bumili muna ng gift sa mall para kay Mira bago pumunta sa bahay nila. May kaunting salo-salo kasing hinanda si tita Lyra (mother ni Mira) sa bahay nila para daw sa aming magkakamag-anak at mga kaibigan ni Mira which is Spring, Hypnos at Care na lagi na rin naming kasama.
“Elle magcocommute na lang ba tayo papunta sa mall?” tanong nito
“Wala naman tayong choice kasi wala naman si Tatay Caloy.” sabi ko
Tumtulong kasi si Tatay Caloy kila Tita Lyra sa pag-aasikaso ng gaganaping salo-salo mamaya sya kasi muna ang nagsisilbing driver nito kapag may bibilhin yung isang driver pa kasi nila ay umuwi muna ng probinsya kasi may sakit yung asawa.
“Oo nga pala.” sagot nito na parang ngayon nya lang yun naalala
Pagkalabas namin ng school ay dumiretso na kami sa may waiting shed para mag-intay ng jeep. Kahit naman may kaya kami ay sanay pa rin kaming magcommute. Nang makarating kami sa waiting shed ay nadatnan namin sina Care at Spring doon na pinagtitinganan ng mga estudyante at mga tao na dumaan na akala mo ay ngayon lang nakakita ng mga gwapo.
Lumapit naman kami ni Shan sa kanila kaya nga lang medyo nandyan pa rin yung ilang ko kay Care gawa nung nangyaring date namin…yata kahapon pero hindi ko naman pinapahalata sa kanila.“Magcocommute din kayo?” hindi makapaniwalang tanong ni Shan sa kanila
“Wala kasi kaming dalang sasakyan at saka anong masama kung magcocommute kami.” sagot ni Spring
“Wala naman.” sagot muli ni Shan dito habang kami naman ni Care ay tahimik lang at nakikinig sa kanila
“Uuwi na kayo?” tanong naman ni Spring
“Ah hindi pa dadaan muna kami sa mall para bumili ng regalo para kay Mira.” sagot ko naman
“Oh sakto! Dun din punta namin eh wala pa rin kasi kaming regalo.” saad ni Spring
“Edi sabay sabay na lang tayo.” sabi naman ulit ni Shan
Sus pasimple pa itong dalawang ito if I know gusto lang nila makasama ang isa’t isa. HAHA
“Ok lang ba Elle?” tanong ni Shan sa akin kaya ngayon ang atensyon nilang dalawa pati ni Care ay nasa akin na.
“O--oo naman.” nauutal kong sagot
Pagkatapos kung sumagot ay tuwang tuwa na bumalik sa pagkukwentuhan sina Shan at Spring habang kami ni Care ay tahimik pa rin. Si Mira kasi ay nauna ng umuwi tapos si Hypnos naman ay umuwi na din sa kanila para matulog daw muna bago pumunta kina Mira. Maya-maya ay may natanaw na akong jeep na paparating kaya ng malapit na ito ay pinara na namin.
Naunang sumakay si Shan kasunod si Spring tapos si Care akala ko sasakay na sya pero nagulat ako ng pumunta sya sa likuran ko at pinauna akong sumakay.
“Salamat.” nahihiya kong sabi rito
Ang gentleman naman talaga ni Care^.^
“Welcome.” sagot nito na hindi manlang tumingin sa akin at nanatiling nakatingin sa harap namin kaya napatingin din ako doon at nakita ko yung lalaking nakaupo sa harap namin na nakangising nakatingin sa akin or should I say sa may hita ko. Nakalimutan ko na nakau-uniform nga pala kami at kahit nakakipot na ang mga hita ko ay kita pa rin naman ang hita ko dahil medyo maiksi ito. Nagulat na lang ako ng ilagay ni Care yung panyo nya sa may hita ko para matakpan ito at nilagay ang kanyang kamay sa ibabaw nito pero wala syang halong kabastusan ha kasi ginawa nya yun para hindi matanggal ang panyo na nakapatong sa hita ko. Ito kasi yung pwesto namin.

BINABASA MO ANG
SAKRISTAN 1: Mr. Faithful meets Ms. Writer(Completed)
Teen FictionElle Aubrenique Abad is a type of girl who likes to enjoy being a writer of different love stories. She is also the no boyfriend since birth queen according to her cousins but little they didn't know that she keeps on praying to God that someday thi...