Elle’s POV
(Sunday)
Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon na nga ang araw kung kailan ako aamin kay Care. Kasalukuyan akong naghahanda na para sumimba ulit kasama sina Shan at Mira. Nang matapos kung gawin ang aking daily routines ay bumaba na ako at tulad ng aking inaasahan ay nandito na ang dalawa.
“GOOD MORNING TO MY BEAUTIFUL COUSIN IN THE WORLD!” pambungad na bati sa akin ni Shan
“Anong nakain mo?” tanong ko dito
Ikaw ba naman ang purihin ng pinsan mo na never pa nyang ginagawa. Sa pagkakaalam ko kasi ang tanging alam lang nitong purihin eh ang sarili nya. Ang hilig kasi nitong magbuhat ng sariling bangko. HAHA.
“Yung nilutong pinakbet ni Tita.” simpleng sagot nito
“Si Mira?” tanong ko ng makitang sya lang ang nasa sala
“Ha! A--ano kausap si Tita sa kitchen.” alanganin nitong sagot na syang ipinagtataka ko pero binalewala ko na lang ito baka masyado lang akong maraming napapansin kaya naglakad na ko papunta sa kusina ng hinarangan ako ni Shan.“Oh bakit mo ako hinaharangan?” nakakunot noong tanong ko sa kanya
“Mamaya ka na pumunta dyan magkwentuhan muna tayo.” sabi nito habang hinihila ako pabalik ng sala
“Anong magkwentuhan? Kakain muna ako ng breakfast at magsisimba pa tayo.” sagot ko dito at pilit pa rin dumadaan kahit nakaharang sya
“Basta mamaya ka na kumain.” sabi pa rin nito at hindi pa rin sumusuko sa pagharang sa akin
“Bakit ayaw mo ba akong papuntahin sa kusina, may tinatago ba kayo sa akin?” tanong ko dito at tinaasan sya ng kilay
“Wala hah kung ano-ano lang ang iniisip mo at saka ano naman ang itatago namin sa iyo.” defensive nitong sagot
“Yun naman pala eh edi paraanin mo ako.” sabi ko kaya wala na itong nagawa kung hindi ang payagan akong dumaan
Pagkapasok ko sa kusina ay nakita ko agad si Mira na may sinasabi kay Mama at seryoso naman itong nakikinig.
“Good morning Ma!” bati ko dito bago lumapit sa kanya para humalik sa pisngi
“A-a-anak kanina ka pa ba dyan?” gulat na tanong ni mama sa akin at pansin kong kahit si Mira ay parang gulat na gulat rin
Ano bang meron sa mga tao ngayon at pansin kong parang may tinatago sila sa akin.
“Hindi naman po kararating ko lang.” sagot ko at nakita kong parang nakahinga sila ng maluwag
“Shan.” narinig kong sabi ni Mira na medyo pagalit
“Nasa sala si Shan.” sagot ko dito
“Sige po Tita, Elle sa sala lang muna ako puntahan ko si Shan.” saad ni Mira at ako naman ay napatango na lang.
“Anak kumain ka na dyan at may gagawin pa ako.” sabi ni mama at sasagot pa lang sana ako ay umalis na ito
Diba ang weird nilang tatlo. Si Mira nagsalita ng mahaba , si Shan pinuri ako at si Mama hindi manlang ako binati ng good morning na dati ay lagi naman nyang ginagawa hay (sigh).
Pagkatapos kung kumain ay bumalik na ako sa sala at nadatnan ko sina Mira at Shan na nagkukwentuhan nang mapansin nila ako sa gilid.
“Ano tara na?” tanong ni Shan habang nakangisi sa akin
“Ha ang aga pa ah baka hindi pa nga tapos ang first mass.” sabi ko dito dahil 7:30 pa lang ng umaga eh third mass pa kami ewan ko nga kung bakit ang aga nila pumunta dito sa bahay.

BINABASA MO ANG
SAKRISTAN 1: Mr. Faithful meets Ms. Writer(Completed)
Teen FictionElle Aubrenique Abad is a type of girl who likes to enjoy being a writer of different love stories. She is also the no boyfriend since birth queen according to her cousins but little they didn't know that she keeps on praying to God that someday thi...