Care’s POV“Good afternoon mom!” bati ko dito ng makapasok ako ng bahay sabay halik sa pisngi nya. Maaga kasing natapos ang klase namin ngayong maghapon kasi puro pagpapakilala lang ang aming ginawa dahil halos lahat ng teacher namin ay puro bago. Marami kasing bagong building na ipinatayo ang school kaya marami rin ang kailangan nilang teachers.
Si Spring ay naiwan pa sa school kasi may praktis pa sila ng sayaw at si Hypnos naman ay umuwi na rin kasi matutulog pa daw sya eh halos buong maghapong puro tulog na nga lang ang ginawa nun eh tsk.
“Good afternoon son!” sabay bati rin nito agad ng mapansin ako. Masyado kasi itong abala sa kanyang ginagawa
“Anong ginagawa nyo ma?” tanong ko ng makitang ko syang may dala-dalang basket
“Ah dadalhin ko lang itong mga maruruming damit natin dito sa laundry room tapos ibabad ko na para mas madali kapag nilabhan ko bukas.” sagot nito
“Ako na magdadala nyan ma.” sabi ko habang kinukuha sa kanya yung basket na may lamang damit
“It’s ok son. Magaan lang naman ito at saka umakyat ka na sa taas para makapagbihis ka na ng damit mo at baka matuyuan ka pa ng pawis.” pagtutol nito
“Pero mom!” sagot ko
“Sige na kaya ko na ito.” muling sabi nito
Wala na akong nagawa at umakyat na lang papunta sa kwarto ko, pagdating kasi sa mama ko ay nawawala ang pagiging seryoso at tahimik ko sa halip ay nagiging isa akong malambing at syempre caring na anak.
Pagkarating ko kwarto ay binaba ko agad ang aking mga gamit at nagbihis balak ko kasi pagkatapos nito ay mag-aaral muna ako ngunit nagsisimula pa lang akong magbasa ng aking aralin ay pumasok na naman sa isip ko yung babaeng kumanta kanina na para daw sa akin.
[FLASHBACK]
Pagkatapos ng aming first period ay dumiretso muna kami ni Hypnos sa gym para intayin si Spring na nagpapraktis ng sayaw para sa Foundation Day at next week na yun kaya puspusan talaga ang pagpapraktis ng mga ito. Isang buong linggo na namang walang klase kaya baka hindi na lang din ako pumunta tutal hindi naman sya compulsory..
Pagdating sa gym ay natanaw ko na agad sina Spring nagsasayaw kasama ang mga kagrupo nito at talagang bigay todo ang mokong palibhasa ang daming mga babaeng nanunood sa kanya at halos mapuno na ang gym. Sikat kasi yang mokong na yan and unfortunately pati kami ni Hypnos.
“Tss! pasikat si tagsibol.” sabi nung katabi ko at nagmamadaling humanap ng pwesto para matulog
Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod dito at umupo rin sa bleachers.
“Ohh my goshh! Ang galing galing talagang magsayaw ni Darling Spring!” girl 1
“I love you Papa Spring!” girl 2
“Be mine! Baby Spring!” girl 3
Tss..ang ingay naman dito. Paano kaya nakakatulog itong katabi ko? Tatayo na sana para umalis dahil ayoko sa lahat eh yung lugarna maingay at saka alam ko namang susunod din itong mga ito ng biglang tumunog yung speaker at may nagsalitang babae.
“Ahh good morning everyone I dedicated this song for Mr. Faithful, CAREFUL WYATT V. HENDERSON. I hope you hear my song.” sabi nito na parang kinakabahan pa
Napatigil ako sa pagtayo at nanatiling nakaupo. Gusto kong umalis na at wag ng pakinggan ang kakantahin nung babae para sa akin pero hindi ko alam kung bakit parang may part sa akin na gustong pakinggan yung babae. Sina Spring na nagpapraktis ng sayaw ay tumigil muna at nakinig pati yung mga babaeng maingay kanina ay tumahimik rin.

BINABASA MO ANG
SAKRISTAN 1: Mr. Faithful meets Ms. Writer(Completed)
Novela JuvenilElle Aubrenique Abad is a type of girl who likes to enjoy being a writer of different love stories. She is also the no boyfriend since birth queen according to her cousins but little they didn't know that she keeps on praying to God that someday thi...