Elle’s POVGood Morning readers! Ngayon nga ay on the way na ako sa school at hindi ko kasabay sina Shan kasi si papa ang naghahatid sa akin. Mamaya pa daw kasing hapon ang work nya. Maaga ako ngayon kasi sina mama at papa ay magkasamang bibisita sa restaurant namin pagkahatid sa akin ni papa, sayang nga eh hindi ako makakasama kasi may pasok (=.=).
“Anak nandito na tayo sa school mo.” sabi ni Papa
Wala naman masyadong nangyari kahapon kasi pagkatapos naming kumain sa cafeteria ay dumiretso na kami sa aming last subject before lunch tapos nagpakilala lang kami ulit. Nung lunch break naman kumain lang kami sa isang fast food chain tapos pumasok na ulit sa aming last period subject at as usual yun pa rin yung ginawa namin ang pagpapakilala ulit. Pagkatapos nung klase ay nauna na akong umuwi kina Mira kasi iniiwasan ko na magkita kami ni Care dahil hindi ko alam kung paano ko sya haharapin ng hindi naiilang kaya pagdating sa bahay ayon knock out este nakatulog agad ako nadrain ang energy ko sa pagkanta eh.
“ANAK!” sigaw ni papa kaya parang bigla akong nagising sa pag-iisip sa mga nangyari kahapon
“Bakit Pa?” nagtatakang tanong ko dito
“Kasi naman kanina pa kita tinatawag at nandito na tayo sa school mo eh hindi ka pa rin sumasagot.” paliwanag nito
“Sorry po Pa may naalala lang po ako.” sagot ko tapos tumingin ako sa paligid at nakitang nandito na nga pala kami sa tapat ng school kaya bumababa na ako at nagpaalam kay Papa.
“Bye po Pa!” paalam ko sabay mano
“Mag-iingat ka at sumabay ka na lang ulit mamaya sa mga pinsan mo pauwi.” sabi nito
“OPO!” sagot ko habang kumakaway kay papa kasi naglalakad na ako papasok ng school. Nang matanaw ko si papa na paalis na ay nagtuloy-tuloy na rin ako papasok sa school at dumiretso agad sa room namin, doon ko na lang iintayin sina Shan. Habang naglalakad ay napansin ko na kaunti pa lang talaga ang mga students na nandito.
“Anong bang itatanong mo sa akin?” tanong nung babae
Malapit na ako sa room naming ng may marinig akong boses ng isang babaeng pamilyar sa akin kay nagmamadali akong lumapit sa may bintana at sumilip.
“Ikaw ba ang yung babaeng nagdedicate ng kanta sa akin kahapon?” tanong ni Care
Oo ni Care at ang kausap nya ngayon ay walang iba kung hindi si Mira.
“Ano sumagot ka?” tanong ulit ni CareAlam ko naman na sasabihin nyan ni Mira na hindi sya ano ba kasi ang pumasok sa isip ni Care at si Mira ang tanungin eh ob---
“Ye—yes, ako nga ang kumanta kahapon.” sagot nito
ANOOO!!! Bakit Mira? sigaw ng isip ko
“Hindi! Bawiin mo ang sinabi mo Mira, hindi ikaw yun eh, ako yun.” bulong ko hanggang sa naramdaman ko na lang na nag-uunahan na sa pagbagsak ang mga luha ko kaya agad na tumalikod ako sa kanila kasi pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga. Hindi ko akalain na magagawa sa akin yon ni Mira, kasi pwede naman syang tumanggi at sabihing hindi nya kilala kung sino ang babaeng nag-alay ng kanta kay Care dahil kung tutuusin mas gusto ko na ring malaman ni Care ang totoo na matagal ko na syang gusto.
Sinilip ko ulit sila sa loob ng room na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil nakita ko sila na magkayakap at dahil sa sobrang bigat na ng aking nararamdaman ay mas pinili ko na lang ang umalis habang umiiyak at naglakad papunta sa garden, buti na lang wala pa masyadong mga estudyante kaya walang makakakita sa akin ng ganitong itsura agad rin naman akong nakarating sa garden.
“ANO BANG GINAWA KO PARA MAKARAMDAM AKO NG GANITO KASAKIT!” sigaw ko habang patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha
Wala akong pakialam kahit may makarinig sa akin ang mahalaga ay mailabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mag-away kami ni Mira.
BINABASA MO ANG
SAKRISTAN 1: Mr. Faithful meets Ms. Writer(Completed)
Teen FictionElle Aubrenique Abad is a type of girl who likes to enjoy being a writer of different love stories. She is also the no boyfriend since birth queen according to her cousins but little they didn't know that she keeps on praying to God that someday thi...