Elle’s POVNandito kami ngayon sa school at last day na ngayon ng foundation day. Wala naman masyadong nangyari nung mga nakaraang araw pero syempre sasabihin ko pa din sa inyo ang ilang kaganapan noong mga nakaraang araw.
Nung FIRST DAY ng foundation ay pinanood namin sina Spring na magsayaw ng Yummy by Justin Bieber bilang introduction bago officially magsimula ang foundation day habang kami naman ay halos mabingi sa kakasigaw at palirit ni Shan na may kasama pang hampas habang sumasayaw si Spring lalo na sa part ng chorus nung kanta. Wala naman masyadong ginawa dahil opening remarks at orientation lang sa mga rules ng mga laro pati sa mga pacontest.
SECOND DAY naman ay sinuportahan namin si Hypnos sa laro nya akalain nyo yun may iba pa pala syang alam gawin bukod sa matulog HAHA. Nagulat nga ako ng sabihin sa akin nina Spring na may laro daw si Hypnos at basketball pa. Syempre mas nakakagulat yung sa tuwing makakashoot si Hypnos ay tumitingin sya kay Mira na nakaupo sa left side ko at ngumingiti tapos ito namang katabi ko ay namumula agad ahemmm mukhang may something…
THIRD DAY ay hindi kami pumasok at nanggulo lang kami sa bahay nina Care. Ang bait nga sa akin ni mommy eh ay tita pala HIHI masyado pala akong advance mag-isip^.^ nandoon din pati at medyo natakot nga ako kasi akala ko hindi nya ako gusto para kay Care pero hindi naman pala palabiro din pala ito tapos ang tawag ba naman sa akin ay daughter-in-law na kaya close na kami eh HAHA. Nagkaayos na rin sila ni Care sa tulong na rin ni tita at hinayaan naming silang makapag-usap ng maayos medyo naiyak nga din ako ng magyakap silang mag-ama.
Nung FOURTH DAY naman ay nanood lang kami ng pageant na Mr. and Ms. Foundation Day by Department at ang pambato namin ay si Skyline kapartner si Zircon na kaibigan din nya. Hindi man sila ang nanalo pero parehas naman silang may title. Si Zircon ay pang 1st place habang si Skyline naman ay pang 2nd place. Matapos ang contest ay nagulat ako ng harangin kami ni Skyline akala ko nga ko nga ay aawayin nanaman nya ako pero hindi pala dahil humingi pa nga ito ng tawad sa amin ni Care kaya nagsorry din ako sa ginawa ko sa kanya.Apat na araw na ang nkalipas mula ng maging kami at masasabi kong masaya ako sa kung anong meron kami ngayon kahit minsan ay hindi pa rin maiiwasan ang pagiging serious type nya pero alam ko na hindi na sya tulad ng dati. Nagkakatampuhan din kami pero hindi matatapos ang isang araw na hindi kami nagkakabati.
Minsan pumupunta sya sa bahay at tinutulungan nya ako dun sa sinusulat kung story na hindi ko pa natatapos. Matutulungan nya daw ako in a way na sya ang magsisilbi kong inspiration oh diba may alam na din syang kakornihan^.^
“Hey nakikinig ka ba sa sinasabi ko.” nakakunot noo nitong tanong sa akin
“Ha! Ano nga ulit ang sabi mo?” tanong ko dito
Masyado yata akong matagal na nagbaliktanaw sa nakaraan oh diba ang lalim HAHA pero seriously nakalimutan ko talaga na kinakausap nya ako kaya ang lolo nyo ayun nagwalk-out.
“Uy sori na kinukwento ko lang naman sa readers natin kung ano ang nangyari nung mga nakaraang araw kaya wag ka ng magalit.” nakapuppy eyespa ako habang sinasabi yan sa kanya alam ko naman kasing di nya ako matitiis.
“Oo na.” sabi nito at inakbayan ako
Sabi sa inyo eh hindi ako nito matitiis at syempre ganon din ako sa kanya.
“Ano ba kasing sinasabi?” tanong ko dito
“Tinatanong kasi kita kung saang booth mo gusto pumunta.” sagot nito
Oo nga pala ngayon lang kasing last day binuksan ang mga booth kasi baka wala daw manood ng mga pacontest at games kung bubuksan agad ang mga booth kaya ngayong last day is para lang talaga maenjoy ng mga students ang lahat ng booths by depatment din. Sina Sppring at Shan ay kasama sa nagbabantay ng kanilang booth kaya wala sila ngayon. Binalikan naman naming sina Mira at Hypnos na naiwan namin ng walk-out si Care.

BINABASA MO ANG
SAKRISTAN 1: Mr. Faithful meets Ms. Writer(Completed)
Novela JuvenilElle Aubrenique Abad is a type of girl who likes to enjoy being a writer of different love stories. She is also the no boyfriend since birth queen according to her cousins but little they didn't know that she keeps on praying to God that someday thi...