Chapter 6: Amridge State University

63 42 0
                                    


Elle’s POV

“Care anong ginagawa mo dito?” gulat kong tanong sa kanya ng makita ko sya sa labas ng bahay namin na naka-uniform at mukhang papasok na rin hindi pa kasi lumalabas yung dalawa sa loob eh baka hindi pa tapos sa mga ginagawa nila kaya nauna na ako dito sa may gate at nakita ko nga sya kaya I approached him.

“Elle may sasabihin sana ako sayo eh hindi ko kasi kayang pigilan pa ang nararamdaman ko.” seryosong sabi nito habang nakatitig sa aking mga mata na kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang umiwas sa kanyang mga titig dahil parang hinigop nito ang atensyon ko papunta palagi sa kanya.

“Ha ano ba yun? ^_^ tanong ko na pigil na pigil sa kilig habang abot langit ang ngiti, OH EM GEE baka magtatapat na sa akin si Care na gusto nya rin ako. THIS IS IT GUYS. THIS IS IT.

“Elle I re—really like you—your cousin.” pagtatapat nya sa akin

“WWHATT!” sigaw ko.

Nang biglang nakaramdam ako na parang may tumatawag sa akin

“Elle gising na baka malate tayo nyan, huy.” tawag pa rin sa akin noong boses

“Ah ayaw mo pa ring bumangon ha.” sabi nito at nawala nang bigla na lang akong ginanaw at nabasa…TEKA BASA AKO? Kaya parang bigla akong nagising sa katotohanan at dali daling bumangon. Nakita ko sa aking harapan si Mira na natatawa sa may pinto at si Shan na may hawak pang timba habang naka peace sign.

“SHAN! Bakit mo ako binasa?” tanong ko sa kanya na medyo naiirita pa

“Eh kasi naman kanina ka pa namin ginigising kaya lang wa epek pa din.” paliwanag nito

“Kahit na dapat hindi mo pa rin ginawa yan tingnan basa tuloy pati yung kama.” seryoso kung sabi sa kanya dahil alam ko na lalo lang madadagdagan ang trabaho ni mama dito sa bahay kasi ayaw naman niyang kumuha kami ng katulong dapat daw matuto kaming gumawa ng sarili namin.

“Sorry na kasi, ginawa ko lang yun kasi baka malate na tayo sa school and I think you had a dream because you keep on shouting.” paliwanag pa rin nito

“Panaginip.” mahina kong sabi

Nang biglang maala ko ang nangyari sa aking panaginip na nagtapat sa akin si Care na may gusto sya sa pinsan ko. Ang tanong sinong pinsan? HAYY ano ka ba Elle panaginip lang yan hindi yan totoo (sabay iling ko).

“Tama hindi yun totoo.” pagkukumbinsi ko pa rin sa sarili ko at hindi ko malayan na naisaboses ko ito kaya narinig nila.

“Ano bang pinagsasabi mo dyan Elle? Alin ang hindi totoo?” tanong ni Shan na nagtataka

“Ha! Wala yun at saka anong oras na ba?” tanong ko rito

“Hala 6:40 na pala..baka malate na talaga tayo hindi pa naman natin alam kung anong section at schedule natin this semester.” malungkot na pahayag ni Shan sa amin kasing tatlo sya ang pinakaaayaw at takot talaga na malate.

“Kapag hindi pa talaga tayo kumilos malamang malelate na talaga tayo.” sabi ko at nagmamadaling pumunta sa kwarto ko para doon maligo tapos si Mira naman ay kanina pa palang nakaligo at si Shan naman ay sa cr ng guestroom kailangan na kasi namin matapos agad para hindi kami malate kung nagtataka kayo kung kailan kami nagpaenroll ay noong before pa mag-end ang first semester kasi ayaw namin na makipagsiksikan sa ibang students kapag magpapaenroll lalo na at ang dami pa naman ng students dito sa ASU (Amridge State University).

Pagkatapos ko magawa ang mga daily routines ko ay kinuha ang bag ko para bumaba at mag-breakfast mukhang ako na lang ang hinihintay kasi nandoon na sina Shan at Mira na kumakain kaya nagmamadali akong umupo at kumain na rin ng makita ko si mama na may dala pang kanin at nilapag sa mesa. Ang uniform namin ay long sleeves na white na pinatungan ng chaleco na kulay brown with blue necktie tapos ang palda naman namin ay kulay navy blue na 3 inch above the knee, white socks at black shoes na may konting heels. Sa lalaki naman ay ganun din kaya lang black slacks ang kanila at black leather shoes.

SAKRISTAN 1: Mr. Faithful meets Ms. Writer(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon