Chapter 1: Meet Ms. Writer

157 53 2
                                    


Elle’s POV

Bakit ba kasi ang manhid manhid mo... Hindi mo man lang ba nararamdaman na mahal kita.. matagal na ... Hindi ko lang maamin sayo kasi ayokong masira ang pagkakaibigan natin.. Sana ako na lang ang mahalin mo kung bakit naman kasi sa dinadami ng babaeng mamahalin mo ay yung pinsan ko pa…

(Knock knock knock)

(Door open)

"Elle kanina pa kita tinatawag ah, bakit di ka sumasagot?” sabi ni mama habang naglalakad papasok sa kwarto ko at umupo sa aking kama.

"Eh kasi po busy ako sa pagsusulat ng new story ko at saka Ma nandoon na ako sa part na nagtatapat na yung bidang babae sa bidang lalaki. " excited na kwento ko kay Mama. Alam naman kasi ni Mama na talagang kapag nagsusulat ako ay dun lang ako naka focus at walang pakialam sa nangyayari sa paligid ko. Parang kahit yata magkasunog ^_^HAHA joke lang…

“Anong oras  ka ba nagising kanina?” tanong ni mama

“Alas sais pa po.” Sagot ko

“Oh eh mag- aalas nuewebe na ah, tama na yan! ”sabi ni mama

“Pero Ma.” tutol kong sagot

"Anak alam ko naman na ayaw mong maabala dyan sa ginagawa mo pero diba may usapan kayo ng mga pinsan mo na maaga kayong magsisimba ngayon eh kanina ka pa hinihintay ng mga yun sa baba. Hala sige maligo kana at pagkatapos sumunod kana sakin sa baba para makapag-almusal muna kayo bago magsimba." sermon sakin ni mama habang ang kanyang mga kamay ay nakakapit sa kanyang magkabilang bewang.

Tuwing 10:00 ng umaga ang Third mass. Lagi kaming sumisimba ng pamilya ko dati kaya lang ng maging busy na si papa sa trabaho ay hindi na ito nakakasama magsimba pati si mama dahil busy rin sya sa pag-aasikaso ng aming restaurant. Nagsisimba pa rin ako tuwing Linggo kasama itong dalawang pinsan ko at third mass ang gusto namin kasi para hindi masyadong maaga at syempre yun ang schedule ng pagsasakristan nya lagi.

"Mama naman, tatapusin ko na muna isulat ang chapter na ito please... “ naglalambing kong sabi kay mama at niyakap sya. Humarap naman sakin si mama at tiningnan ako na kunwari ay nag-iisip.

"Hmmm..hmmm..” nakatingin lang ako kay mama at iniintay ang sagot nya.

“No and that’s final." biglang seryosong sabi ni mama bago lumabas ng kwarto ko. Alam ko naman na pag seryoso na si Mama ay kailangan ko na syang sundin pero kahit medyo strikto si Mama hindi pa rin mawawala ang kanyang kabaitan at syempre kakulitan.

Naiwan ako sa kwarto at tinabi yung mga gamit ko sa pagsusulat ng mga kwento pagkatapos niready ko na yung blouse ko na color gray na hanging blouse, white pants and sneakers na susuotin ko sa pagsisimba sabay nagmamadaling  pumunta na ako ng cr para maligo.

After 15 minutes ay tapos na ako kaya ngayon ay naglalakad nako pababa sa hagdanan nang marinig ko ang mga boses ng aking pinsan na feeling at home palagi... Kung sabagay sa tagal na ba naming magkakasama para na ngang magkakapatid turingan namin ehh lalo na at only child ako.

AY OO NGA PALA! ( 0_0)

Naalala ko kanina pa ko kwento ng kwento sa inyo eh di pa nga pala ako nakapagpapakila...(sabay kamot sa ulo) So hello readers! I am Elle Aubrenique Abad, 19 years old, first year college taking up Bachelor of Science in Hospitality Management. Alam kong nagtataka kayo kung bakit ang course ko ay walang connection sa pagiging writer at yun ay dahil wala naman talaga akong balak na ipublish ang mga stories na ginagawa ko, oo inaamin ko na isa na rin ang pagsusulat sa naging hobby ko lalo na kapag wala akong ginagawa bukod syempre sa pagiging ultimate fan ni -----.

"GOOD MORNING ELLE! Bilisan mo nga bumaba dyan kala mo naman kinaganda mo yan. HAHA" napatigil ako sa pagsasalita ng sumigaw si Shanice sakin. Nagmadali nako bumaba kasi baka kung ano nanaman ang sabibin ng pinakatahimik at pinakamahiyain kung pinsan. (insert sarcastic tone)

(Shanice Leigh Abad- 19 years old, first year college, at ang pinakamaingay sa aming magpipinsan)

"Ano ba naman yan Shan, aga aga yang bunganga mo." kalmadong sabi ni Almira habang kumakain.

(Almira Ghaile Abad- 18 years old, first year college, pinakabata ngunit pinakamature sa aming tatlo)

Marami pa akong mga pinsan na nasa States at halos lahat kami ay puro mga babae.

"Umupo kana dyan Elle at kumain hindi kana inintay nitong mga pinsan mo at kanina pa daw silang gutom." sabi ni mama habang nagluluto pa kaya lumapit muna ako kay mama.

"Ano yan ma?" tanong ko

"Menudo paboritong ulam ng papa mo alam mo naman yun pagkagising menudo agad ang hanap minsan nga nagseselos nako sa menudo eh" natatawang sabi ni mama

Hay nako ito talagang si mama pati ba naman ulam pagseselosan. Ehh alam ko naman na sa sobrang pagmamahal nila ang isa't isa ay kahit anong pagsubok ay kaya nilang lampasan eh.

"Ay naku ma! Matakot kana haha" sabi ko habang natatawa pa hanggang sa umupo na ako at nag umpisang kumain. Kung hinahanap nyo yung mga pinsan ko. Ayun nasa sala na nanunood ng tv di manlang ako hinintay. Tss..

[FASTFORWARD]

"Bye Ma, alis na kami. " sabay kiss ko sa pisngi nya at ganun din ang ginawa nung dalawa.

“Bye din po Tita.” sabay na sabi ni Shan at Mira.

"Sige! Mag- iingat kayo at Elle hinay hinay sa pagtitig sa crush mong sakristan ha! " pang-aasar ni mama sakin. Si mama talaga pinaalala pa eh.

"Bye ulit tita, salamat sa pakain hanggang sa uulitin.. Haha joke lang✌... at saka kami na pong bahala dito kay Elle. " sabi ni Shan habang tinatapik ang balikat ko na akala mo ay kung sinong siga sa kanto pagkatapos lumapit kay mama at may binulong.

“Hayaan mo Tita gagawan ko ng paraan para hindi na lang hanggang titig si Elle hehe” bulong nya na pakinig ko din naman.

“Sige sige mahina yang anak ko ehh” sagot ni mama at nag-apir pa sila na akala mo wala ako dito.

“Mama naman ehh.” nakapout na sabi ko

“Sige na umalis na kayo baka mahuli pa kayo sa misa.” pagtataboy samin ni mama

"Sige po Tita, mauna na po kami" sabi ni Mira saka dali daling naglakad... Walking distance lang naman dito sa subdivision namin ang church kaya okay lang na lakarin.

Nagkatinginan kami ni Shan dahil sa biglang pagmamadali ni Mira. Isinawalang bahala na lang namin yun at muling nagpaalam kay mama bago sumunod sa kanya.

"Uyy si Elle excited na yan makita ang cutie patootie na sakristan nya." asar sakin ni Shan. Si Almira naman tahimik lang na naglalakad at walang pakialam samin.

"Tumahimik ka nga Shan, gumaya ka kya kay Mira hindi maingay." saway ko sa kanya. Kinakabahan nanaman kasi ako dahil ganito naman palagi eh sa tuwing makikita ko sya. Magsasalita pa sana ito pero tiningnan ko na sya ng masama at alam nyang kapag ginagawa ko yun eh seryoso nako at malapit ng mapikon kaya nanatili na rin itong tahimik.

Makalipas ang ilang minuto ay natatanaw ko na ang simbahan... Napangiti ako at bumulong…

"We will meet again Mr. Faithful."

-------------------

Elle on the side--->>

PLEASE VOTE, SHARE and ENJOY READING

Thank you!!!


<<Cii_chelles>>

SAKRISTAN 1: Mr. Faithful meets Ms. Writer(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon