Elle’s POVPagkarating namin sa room 201 ay pumasok na kami agad at naghanap ng mauupuan marami na rin ang nasa loob na students at halos lahat ay bago pa lang sa aking paningin. Ang napili kung pwesto ay sa last row, sa may tabi ng bintana habang si Mira ay sa unahan ko naman umupo. Lumingon-lingon ako at hinanap sa paligid si Care ngunit mukhang wala pa ito. Maya maya ay nakita ko ng dumating ang adviser yata namin ngayon dahil kada semester ay nagpapalit din ng mga adviser ang section 1 pero ang lower sections ay hindi. Pumasok na ito kasunod si Care at yung isa nya pang kaibigan na si Hypnos. Balita ko kasi kaya wala si Hypnos at hindi nila kasama nung sembreak ay pumunta ito sa States para bisitahin ang kanyang lola kaya doon na rin ito nagbakasyon. Pumunta agad si Maam sa table nya para ayusin ang kanyang mga gamit. Nagulat naman ako ng dumiretso sina Care dito sa may bandang likod at tumigil sa tabi ni Mira, uupo na sana si Care sa tabi nito ng maunahan sya ni Hypnos kaya napipilitan syang umupo sa tabi ko at ngayon ko lang napansin na wala na pa lang ibang vacant seats kung hindi sa tabi ko at tabi ni Mira. OH EM GEE! Kaklase ko na nga ito katabi ko pa yieeeeh dream come true na talaga ito ^.^ ( isip ko habang natatawa at kinikilig pa).
(Hypnos Kayne Walters- cold type of person, 19 years old, sacristan, first year college student at mahilig matulog)
“GOOD MORNING CLASS!” biglang bati ng aming teacher kaya tumayo din kami para bumati
“GOOD MORNING MAAM!” bati naman namin
“OK CLASS SIT DOWN!” sabi nito
“THANK YOU MAAM!” sagot namin at umupo na kaso madulas ang sahig dahil bagong floor wax eh ang nangyari sa halip na sa upuan ako umupo ay sa sahig ako napaupo
“ARAYYY KO PO!” sigaw ko kaya napatingin sa akin yung mga kaklase ko tapos narinig ko rin na may nagtatawan na tatlong babae na nakaupo dun sa first row pero hindi ko na lang pinansin pati si Maam at ito ring katabi ko na sa halip na tulungan ako ay bagkus ba naman titigan lang ako kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang tumayo ng akin habang hawak ang aking pwetan na syang napuruhan sa pagbagsak ko kanina.
“Are you okay Miss?” tanong sa akin ni Maam
“Opo Maam! ayos lang po ako.” sabi ko habang naka ok sign pa
“OK CLASS DITO NA ULIT ANG HARAP SA UNAHAN!” sigaw ni Maam para makuha ang atensyon ng aking mga kaklase na hindi pa rin maka move on sa katangahan ko kanina kung bakit naman kasi hindi ko naisip hawakan yung upuan bago umupo edi sana hindi yun dumulas at hindi rin sana ako nahulog buti sana kung meron sasalo sa akin.
“I am Mrs. Mallise Yu, 34 years old ang bago nyong adviser at ang hinahandle kung subject sa inyo ay Micro Perspective of Hospitality and Tourism. Kung nagtataka kayo kung bakit may Tourism dyan hindi ko rin alam.” seryoso nitong sabi
Ngeek! Seryoso ba talaga itong si Maam hindi nya talaga alam yun parang imposible naman yata.
“Joke lang.” seryoso nya pa ring sabi
Ang ganda mag joke ni Maam serious face pa rin HAHA^.^ kaya ito tuloy mga kaklase ko hindi magawang tumawa buti ako kahit sa isip na lang diba readers? ^.^
“Iyan kasing subject na yan ay subject din ng mga tourism students at yang mga courses nyo ay almost the same at mayroon yang connections sa isa’t isa.” paliwanag ni Maam na agad naman naming naintindihan
Naalala ko naman yung pangalan at apelyido ni Maam kulang na lang ng SA para malisyosa na. HAHA^.^ pero infairness hindi makakaila na may ibubuga pa rin si Maam pagdating sa kagandahan at kasexyhan kala ko nga dalaga pa to eh.
“At dahil nagpakilala na ako kaya kayo naman at huwag kayong mag-alala dahil pagkatapos nito ay ididismiss ko na kayo agad tutal first meeting pa lang naman natin ito para makapag recess na kayo ng maaga. Ok start tayo dun sa girl na nahulog sa upuan kanina. Please come in front and introduce yourself.” sabi nito
Ito talagang si Maam Mallise Yu Sa inulit pa eh nagmomove on na nga ako sa kahihiyang yun pero tumayo na rin ako at pumunta sa unahan para magpakilala.
“I am Elle Aubrenique M. Abad, 19 years old, I love to read books and I hope we can all be friends.” pakilala ko at umalis na sa unahan para bumalik na sa upuan ng makasalubong ko si Care dahil sya nga pala ang sunod na magpapakilala at sa hindi sinasadyang pangyayari ay nagkadikit ang mga balikat namin kaya nakaramdan ako na para ba akong nakuryento at alam kong sya lang ang bukod tanging makakapagparamdam sa akin nun. Pagkatapos nun ay nagmamadali na akong umupo para makita ko syang magpakilala sa unahan.
“Careful Wyatt V. Henderson 19, Sakristan.” maikling pakilala nito at bumalik na sa tabi ko
Marami pang nagpapakilala hanggang sa turn na ni Mira para magpakilala kaya tumayo na ito at pumunta sa unahan. Napansin ko naman na nandoon na naman yung mga titig ni Care kay Mira katulad nung nandoon kami sa coffee shop.
“Almira Ghaile C. Abad, 19.” sabi nito at umalis na rin agad sa unahan. Mas maikli pa nga ang sinabi nito kaysa kay Care.
“Are you related to each?” tanong ni Maam sabay turo kay Mira at sa akin
“Cousins po Maam.” sagot ko habang tumango naman si Mira
“Ahh! So dahil magkaapelyido kayo nagdecide ako natawagin kang Miss A1 (sabay turo sa akin) at Miss A2 (sabay turo naman kay Mira) para hindi ako malito kapag tatawagin kayo.” nakangising sabi nito na akala mo’y napakaganda ng kanyang ideya eh kulang na lang tawagin nya na akong Miss Ewan. Tumango si Mira kaya no choice na din ako kung hindi ang pumayag.
“Ok continue. Who’s next?” tanong nito ng tumayo na si Hypnos papunta sa unahan na parang inaantok na at gustong gusto ng matulog.
“Hypnos Khayne G. Walters, 19 and I love to sleep (sabay hikab).” tapos umalis na ito sa unahan at bumalik sa kanyang upuan.
Bagay na bagay talaga dito ang pangalan nyang Hypnos dahil si Hypnos ay isang Greek God of Sleep, dun siguro nakuha ng mga magulang nya ang kanyang pangalan.
Nagpatuloy lang ang pagpapakilala ng makita ko na masama yung tingin sa akin nung isang babae na huling magpapakilala. Sa pagkakaalam ko ay sila yung naririnig ko na tumatawa kanina nung madulas ako kasama yung tatlo nya yatang kaibigan kaya ng sya na ang magpapakilala sa unahan ay pinakinggan ko ang pangalan nya.
“I am Skyline Claire D. Corpuz, 19 years old, Cheerdancer and my family own one of the biggest and famous company in the world. Let’s all be friends.” sabi nito at nag-smirk sa akin bago bumalik sa kayang upuan. Ano kayang problema nun sa akin? tanong ko sa sarili ko
“Ok class see you on are next meeting. CLASS DISMISS!” sigaw nito at lumabas ng room namin kasunod yung mga kaklase namin pati sina Care. Ang natira na lang sa room ay ako at si Mira na inaayos pa ang kanyang gamit kaya inintay ko sya para sabay na kaming puntahan si Shan.
Oo nga pala tapos na ang klase ko kaya isa lang ang ibig sabihin nito bukod sa recess na ay NGAYON KO NA GAGAWIN YUNG DARE KO (*.*).
------------------
PLEASE VOTE, SHARE AND KEEP READING
Thank you!!!
<<Cii_chelles>>

BINABASA MO ANG
SAKRISTAN 1: Mr. Faithful meets Ms. Writer(Completed)
Teen FictionElle Aubrenique Abad is a type of girl who likes to enjoy being a writer of different love stories. She is also the no boyfriend since birth queen according to her cousins but little they didn't know that she keeps on praying to God that someday thi...