Chapter 14: Cat Fight

52 34 0
                                    

Elle’s POV

“Elle iha, hindi mo ba gusto ang mga pagkain?” tanong ni Tita Lyra sa akin

“Naku! Hindi po.” sagot ko dito habang umiiling-iling pa

“Ganun ba napansin ko kasi na kanina pa tulala.” paliwanag nito

“May iniisip lang po ako.”  mahina kong sagot

Nandito kami ngayon sa bahay nina Mira at nagsisimula na nga ang kaunting salo-salo dito pero mamaya pa ang pinakahighlight ng small party na ito. Kompleto na rin kaming magkakabarkada at aming mga kamag-anak kaya lang hindi ko magawang magsaya dahil hindi ko maiwasan na matulala sa tuwing naiisip ko yung mga nangyari kanina.

[FLASHBACK]

“Wala na hulog na hulog na talaga ako sa kanya.” pagkausap ko sa aking sarili at wala akong pakialam kahit na may makarinig sa akin.

Matapos ko kasing bumaba sa mini platform ay nagmamadali na akong umalis doon at hindi na sila inintay pa dahil sa mga oras na ito ay ang gusto ko lang ay umuwi. Pakiramdam ko kasi ay sasabog na ang puso ko sa lobrang lakas ng tibok nito.

Habang naglalakad ako dito sa loob ng mall ay nakatungo lamang ako at sa sobrang pagmamadali ay may nakabangga akong dalawang babae.

“I’m sorry, nagmamadali kasi ako.” paghingi ko ng paumanhin dito at aalis na sana ng hawakan nito ng mahigpit ang kamay ko

“Sa tingin mo hahayaan na lang kitang umalis ng basta-basta matapos ang ginawa mo sa akin.” matapang na saad nito at dahil medyo pamilyar ang boses nito kaya humarap na ako sa kanila.

“Skyline.” pagbanggit ko sa pangalan nito

Si Skyline ay yung kaklase ko na palaging masama ang tingin sa akin at yung tumawa nung nalalaglag ako sa bangko dun sa room kasama ang kanyang mga kabarkada.

“Oh! The pathetic and loser in the Abad cousins.” panglalait nito sa akin

“Diba nagsorry na ko.” sagot ko dito at dineadma lang ang sinabi nya

“WALA AKONG PAKI SA SORRY MO AT WALA KANG KARAPATANG SA DEADMAHIN ANG MGA SINASABI KO.” gigil nitong sagot habang yung isa naman nitong kasama ay nanonood lang sa amin at pati na yung ibang tao sa mall ay mukhang nakuha na rin namin ang atensyon.

“Ano ba talagang kailangan mo sa akin?” mahinahon ko pa rin tanong dito kasi ayaw ko ng gulo

Hindi naman kasi ako pinalaki ng mga magulang ko para lang makipag-away sa kung sino.

“Wala naman akong kailangan sayo ang gusto ko lang layuan mo si Care.” seryoso nitong sagot

“Kaibigan ko si Care kaya bakit ko sya lalayuan.” seryoso ko ring sagot

“NAGMAMATIGAS KA PA! Eh pano kaya kung sabihin ko sayong nakita ko kayo ni Care kanina habang kumakanta, nagtitigan at naghalikan sa pinsan mong si Mira.” pagbabanta nito

“Wala kaming ginagawang masama.” may diin kong sagot

“Wala? Nagpapatawa ka ba alam ko namang hindi lingid sa kaalaman mo na nagkakamabutihan na si Care at Mira pero nilalandi mo pa rin si Care.” sabi nito habang dinuduro ako pa ako

“Hindi ko sya nilalandi. Baka ikaw? Akala mo hindi ko alam na palagi mo syang nilalapitan kapag wala syang kasama at kulang na lang ay maghubad ka sa harapan nya.” palaban kong sagot dito at mukhang hindi na nya napigilan ang kanyang sarili kaya ----.

(PAKK)

“HOW DARE YOU!” sabi nito habang pulang – pula na sa galit matapos ako nitong sampalin

SAKRISTAN 1: Mr. Faithful meets Ms. Writer(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon