Elle’s POV
Kanina pa ako pauli-pauli dito sa sala at hindi mapakali kasi naman nagtext na sa akin si Care kani-kanina lang na malapit na sya kaya anytime soon ay pwede na syang dumating. Mag-aalas kwatro na ng hapon at nandito na rin si Mama sobra nga ang pagtataka nito ng abutan ako kanina sa kwarto ko na napakagulo dahil nagkalat ang aking mga damit hindi kasi ako makapili ng susuotin. Ang suot ko nga pala ngayon ay ripped jeans at hanging blouse na color sky blue tapos white rubber shoes.
“Anak maupo ka nga! Ako ang nahihilo sa ginagawa mo ehh.” sermon nito sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang umupo sa tabi nya
“Ma naman eh sa kinakabahan ako.” sagot ko dito
“Bakit ka ba kasi kinakabahan eh hindi pa naman nagpopropose sayo.” mapang-asar nitong sagot
“Hay nako Ma malabong mangyari yan.” sabi ko
“Ano ka ba naman anak, walang imposible kaya think positive lang ha!” paalala nito kaya ngumiti na lang ako bilang sagot
Kung alam mo lang Ma ang mga totoong nangyayari baka hindi muna masabi yan kasi may Mira na yun eh. Nagkwentuhan lang kami ni Mama hanggang sa marinig namin ang tunog ng doorbell.
(dingdong…dingdong…)
“Ma! Baka si Care na yan.” sabi ko ditto
“Oh ano pang hinihintay mo, puntahan muna.” nakangiti nitong utos sa akin kaya nag mamadali kong kinuha yung pouch ko at pumunta na sa may gate para tingnan kung si Care na nga yun.
Napakasupportive talaga ni Mama akala ko nga nung una hindi nya ako papayagan kasi medyo strict sila ni Papa sa akin lalo na kung lalabas ako na hindi yung mga pinsan ko ang mga kasama pero tingnan mo nga naman sya pa ang pumili ng susuotin ko at halos ipagtulakan na ako papunta kay Care.
(Author: Gusto mo naman)
Syempre nemen^.^ choosy pa ba ako
Natatawa na lang ako sa mga iniisip ko eh HAHA
“Mukhang masaya ka ah.” tanong nito hindi ko kasi namalayan na kanina pa pala ako nakatayo sa harapan nito at parang tanga na tumatawang mag-isa. SHOCKS NAKAKAHIYA >.<
“Ah hindi naman.” mahina kong sagot sa kanya dahil hindi pa rin ako makamove-on sa ginawa ko na namang kahihiyan kung bakit naman kasi sa tuwing kasama ko sya nawawala ako sa katinuan.
“Don’t be shy actually you look cute.” seryoso nitong sabi kaya hindi ko mapigilang magblush
“Salamat.” medyo awkward kong sagot
“Ok ka lang namumula ka eh.” tanong nito
“Oo okay lang ako, blush on lang yan.” sagot ko dito
(Konsensya)
Really Elle blush on kailan ka pa naglagay nun eh hanggang polbo at liptint ka lang eh.
“STOP! OO NA, OO NA.” sigaw ko
“Ha?” nagtatakang sabi ni Care
Syete Elle baka isipin nyan ni Care nababaliw ka na, ito naman kasing konsensya ko eh ang lakas mangbuking.
“Ano pasensya na.” ang tanging nasabi ko na lang habang nakayuko ng biglang marinig ko syang tumawa
“HAHAHA Grabe ang saya mo pala kasama.” nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa akin
“Hindi naman.” sagot ko at nag-iwas ng tingin ng mapansin ko yung sasakyan sa gilid
“Dyan tayo sasakay?” tanong ko sa kanya

BINABASA MO ANG
SAKRISTAN 1: Mr. Faithful meets Ms. Writer(Completed)
Teen FictionElle Aubrenique Abad is a type of girl who likes to enjoy being a writer of different love stories. She is also the no boyfriend since birth queen according to her cousins but little they didn't know that she keeps on praying to God that someday thi...