Chapter 4: Sleep Over Part 1

82 45 0
                                    


Elle’s POV

“I’M HOME!” malakas kong sigaw na nag echo pa sa loob ng bahay, nahawaan na yata ako ni Shanice sa kaingayan ahh kayo ba naman ang laging magkasama ewan ko lang at ito nga habang papasok ako  ng bahay ay nakita ko si papa na nakaupo sa sala at nakaharap sa kanyang laptop kaya lumapit ako sa kanya para magmano.

“Mano po Papa. Ang aga nyong umuwi ah?” tanong ko kasi laging gabi kong umuwi si papa dahil masyadong maraming kailangang gawin dun sa company na pinapasukan nya. Isa ba naman sa pinakamalaki at sikat na kompanya ang pagtrabahuhan mo.

“Wala kasi ngayong masyadong kliyente kaya pinauwi na kami ni boss para makapagpahinga naman daw kami. Oo nga pala nasaan na ang mga pinsan mo, sinabi sakin ng mama mo na magkakasama kayong umalis kanina para magsimba ah?” tanong ni papa

“Ayon umuwi na po sa kanila para daw makapagpaalam kina tita na dito daw sila matutulog ngayong gabi at para sabay sabay na kaming papasok bukas.” sabi ko

Yun kasing balak naming umuwi ng tanghali ay hindi na natuloy dahil pagkagaling namin sa coffee shop eh napili pa ni Shan na pumunta sa mall para mamasyal kaya wala na kaming nagawa kung hindi ang sumama sa kanya tutal bukas ay pasukan na naman at tapos na ang semestral break, hindi namin namalayan ang oras kaya hapon na kami nakauwi ng mapagdesisyunan nila na magsleep over sa bahay kasi sila lang naman ang nag-usap ni hindi man nga lang ako tinanong kung payag ba ako.

“Oh anak nakauwi kana pala.” sabi ni mama habang naglalakad papunta sa tabi ni papa at umupo

“Mano po Mama. Ang lakas na nga po ng sigaw ko kanina eh hindi ninyo manlang narinig haha.” natatawang sagot ko

“Busy kasi ako sa pagluluto ng hapunan natin. Tumawag na sa akin kanina ang Tita Janice (mama ni Shanice) mo at sinabing dito matutulog yung dalawa kaya hindi ko siguro narinig ang sigaw mo.” paliwanag ni mama. Si mama kasi kapag nagluluto sya talagang wala syang pakialam sa ibang bagay dahil dun lang nakapokus ang atensyon parang ako kapag nagsusulat ako ng mga stories.

“Anong oras nga pala ang punta dito ng mga pinsan mo? Hindi kasi nabanggit ni Janice eh.” seryosong tanong ni mama

“Mga 7:00 daw po pero sigurado naman ako na wala pang seven eh nandito na si Shan.” pahayag ko kasi bukod sa katabi lang ng subdivision namin ang tinitirhan nila eh excited na yung kumain ng pagkain na niluto ni mama.

“Hindi po ba kayo pumunta ng restaurant mama?” tanong ko

“Hindi na wala naman kasing masyadong customer ngayon at saka may tiwala naman ako kay Meredith.” sabi ni mama. Si Ate Meredith ay ang katiwala ni mama sa restaurant kapag wala sya, mabait yun at maganda pa.

“Ah sige ma akyat muna ako sa taas para magbihis at makapaghanda na rin bago dumating sina Mira.” bigla kong putol sa kwentuhan namin ni mama.

“Sige na at hindi pa rin ako tapos magluto eh.” sabi ni mama at nagmamadaling pumunta sa kitchen, si papa naman ay kanina pang bumalik sa paglalaptop nya dahil may ginagawa daw syang proposal at bukas na ang pasa.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nagbihis ng bigla na namang pumasok sa isip ko yung mga titig ni Care kay Mira, iba kasi eh para bang may something na hindi ko lang masabi kung ano. Umupo ako sa kama ko at kinuha yung notebook at ballpen na ginagamit ko kapag nagsusulat ako kaya lang ilang minute na ang nakalipas pero wala pa rin akong maisip kung ano ang susunod na mangyayari dun kwentong sinusulat ko ngayon.

“Ano bang nangyayari sayo Elle! ( habang sinasabunutan ang sarili) umayos ka nga malay mo napatingin lang si Care kay Mira.” pagkausap ko sa sarili ko pero sino bang niloloko ko kung hindi ang sarili ko din kasi kitang kita ng dalawang mata ko na titig eh hindi lang simpleng tingin pati na rin nung nasa simbahan kami napansin ko rin na sumusulyap sya sa likod ko eh si Mira lang naman ang nandun eh kasi si Shanice ay nasa tabi ko.

“Hay (sigh) sana mali lang ako ng iniisip.” sabi ko habang tinatabi yung notebook ko kasi wala ako sa mood ngayong magsulat kaya bumaba na lang ako para tumulong kay mama sa kusina.

[FASTFORWARD]

(6:30 PM)

“Sa wakas tapos na rin.” sabi ko habang nag-iinat pa, tumulong kasi ako kay mama na magluto kaya sa sobrang daming niluto namin eh akala mo ay fiesta.

“Syempre naman para mabusog yung mga pinsan mo kagaya na lang ni Mira ang payat payat pa naman nung batang yun.” sabi ni mama. Si Mira pero Shan sigurado akong kahit gaano kadaming pagkain ihain mo dyan ay hindi yun mabubusog ang dami yatang alaga sa tiyan nun.

(Ding...Dong...)

“Buksan mo na yung gate baka yung mga pinsan mo na yun.” utos ni mama kaya dali dali akong sumunod at pumunta na sa gate. Pagdating ko sa gate ay ang malapad na ngiti ni Shan ang sumalubong sa akin at ang nakasimangot na si Mira.

“Wala pang seven ah…bakit nandito na agad kayo?” tanong ko at itinuro lang ni Mira si Shan kaya sya ang tiningnan ko

“Kasi gutom na ako at gusto ko ng matikman ang mga niluto ni Tita.” sagot nya at dali daling pumasok sa bahay kaya wala kaming kundi sumunod sa kanya sa loob. Pagkapasok namin ay dumiretso na kami sa kusina para tulungan si mama maghain.

“Elle tawagin muna ang papa mo sa itaas sabihin mo kakain na.” utos ni mama

Pag-akyat ko sa taas ay agad akong pumunta sa kwarto nina papa at kumatok…

(knock..knock)

“Pa baba na kayo… nandyan na sina Shan at kakain na daw po.” sabi ko
“Sige anak...tapusin ko lang ito, susunod ako agad.” sagot ni papa
“Ok po.” sabi ko at umalis na para bumalik na sa baba

Pagdating ko sa baba ay nakupo na sila at mukhang kami na lang ni papa ang iniintay. Maya maya ay bumaba na rin si papa kaya nagpray na si Shan bago kami kumain.

“Papa Jesus maraming pong salamat sa pagbibigay sa amin ng mga pagkaing nasa aming harapan at sana po ay hindi kayo magsawang bigyan kami ng ganitong mga kasasarap na pagkain. Amen.” dasal ni Shan at pagkatapos nun ay masaya kaming kumain habang nagkukwentuhan at kahit si Mira na tahimik ay nagawa rin tumawa dahil sa kakulitan ni mama at Shan. Pagkatapos kumain ay hindi na kami pinatulong ni mama sa paghuhugas ng pinggan at sya na lang daw kaya sinamahan ko na yung dalawa sa guestroom na nalinis na ni mama kanina pa. Dito kasi kaming tatlo matutulog kasi hindi kami kasya sa kwarto ko.

Pumasok kami sa guestroom at nagkanya kanyang upo sa kama. Meron kasing tatlo kama ang aming guestroom para sa mga bisita kapag dito matutulog.

“Hay busog na busog ako (sabay himas sa tiyan nya).” sabi ni Shan

“Paano ka naman kasi hindi mabubusog eh halos ikaw na lahat ang kumain ng beef steak, afritada, rice, fried chicken at pati yung mga dessert.” sabi ko

“Kasalanan ni Tita yun.” nakangusong sagot nya

“At bakit naman.” nalilito kong tanong

“Eh ang sarap nya magluto eh.” sagot nya

“Syempre mama ko yun ehh.” tapos nag apir pa kami habang nagtatawanan ng tumayo si Mira

“Alis lang ako saglit.” sabi nya at umalis na kaya tumango na lang ako

“Anyare dun.” tanong ko kay Shan

“Baka pupunta ng cr at magbabawas hahaha.” bulong ni Shan

“Uminom ka nga ng gamot mo tinutupak ka na naman.” sabi ko habang tiningnan ang nilabasan ni Mira na hindi ko na ngayon natatanaw. Ano kayang nangyayari dun hindi naman ganon kailap samin dati yun ah kahit tahimik sya nagsimula lang ito ng nakatagpo namin sina Care kanina sa may coffee shop. Nararamdaman kong may tinatago sya samin at yun ang dapat kong alamin.



------------

PLEASE VOTE, SHARE and ENJOY READING

Thank you!!!




<<Cii_chelles>>

SAKRISTAN 1: Mr. Faithful meets Ms. Writer(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon