Chapter 2: Meet Mr. Faithful

107 47 0
                                    


Care POV

(kring..kring)

Nagising ako na tumutunog ang cellphone ko kaya kahit inaantok pa ako ay pilit ko pa ring sinagot ang tawag at kahit hindi ko tingnan ang pangalan ng caller ay kinilala ko na ito dahil isa lang naman ang mahilig mambulabog sa akin ng agang aga.

“Anong kailangan mo? “ seryosong tanong ko

“Tol! Wala man lang bang hello dyan o di kaya kamusta naman ang pinakagwapong kong kaibigan sa balat ng lupa.” madamdamin niyang sagot na akala mo babae

“Tss..kung wala kang matinong sasabihin ibaba ko na to, marami pa akong gagawin bago pumunta sa simbahan.” sabi ko

“Ito naman aga aga seryoso na agad, hihingi lang sana ako ng pabor na kung pwede sunduin mo ako dito sa bahay at sabay na tayo pumunta sa simbahan.” nahihiya niyang sabi

“Diba may sarili kang kotse?” nagtatakang tanong ko

“Grounded kasi ako, nahuli ba naman ako ni mom na pumunta nanaman ng bar eh alam mo naman yun ayaw na ayaw na pumupunta ako dun.” sinabi ko na kasi sa kanya na walang magandang maidudulot yan pagpunta nya sa bar.

“Sige, saan ba kita susunduin?” seryosong sabi ko

“HAHA sabi na ehh di mo ko matitiis. Alam ko namang napakabuti ng iyon puso.” tumatawa nyang sabi na daig pang nanggaling sa sinaunang panahon.

“Umayos ka nga, may tinatanong pa ako Spring.” I said

(Spring Kier Williams- 19 years old, first year college, dancer, sakristan and happy go lucky person)

“Sa Elite Subdivision nandito ako sa bahay ngayon baka kasi lalong magalit si mom kapag sa condo pa ako umuwi.” seryosong sabi nya

“Sige.” sabi ko at binaba ko na aking cellphone, hindi na ko na rin sya inintay  sumagot dahil baka humaba lang ang usapan. Bumangon na ko sa kama at dumiretso sa cr para maligo.

I am Careful Wyatt Henderson, 19 years old, first year college student in Amridge State University, at Dean Lister. Ako ang pinakaseryoso at tahimik na rin sa aming magkakaibigan. Mahilig ako sa color black lalo na pagdating sa mga sinusuot kong damit pero hindi ako gangster o kung ano pa man dahil ako ay isang SAKRISTAN.

After 10 minutes ay nakaready na ako at bumaba para mag-almusal bago sunduin si Spring. Pagbaba ko ay agad kong nakita si dad na umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo tapos si mom na naghahain na ng pagkain sa mesa. Nilampasan ko lang si dad at lumapit kay mom para yumakap.

“Good morning mom.” sabay halik sa kanyang pingi

“Good morning son. You don’t great your father again right?” she asked me

“Yeah and I think he doesn’t mind at all if I great him or not.” I said

Nagsimula ang hindi pagkakaunawaan namin ni dad ng mas pinili ko ang course na gusto ko kesa mag law katulad nya. Lagi nyang sinasabi na kung pipiliin kong mag law ay kakayanin ko naman dahil alam nyang matalino ako at mana ako sa kanya kaya lang ako mismo ang umayaw at dahil dun nagalit si dad at nagkasagutan kami buti na lang inawat na kami ni mommy bago pa umabot kami sa puntong magkasakitan. Alam kong si mommy ang labis na naapektuhan sa pag aaway namin ni dad pero ayoko namang sundin si dad para lang magkaayos kami.

“It’s ok son, I know that someday you and your father will get along together again so for now just eat your breakfast before you go, I’ll just call your dad.”  my mom said and I just nod to her because I’m starting to eat before she goes in the living room.

[FASTFORWARD]

Nandito na ako ngayon sa daan papunta sa bahay ni Spring dito sa may Elite Subdivision. Nang makarating ako sa may gate ng subdivision ay binuksan ko ang aking bintana para makita ako ng guard.

“Tuloy na po kayo sir.” sabi ni manong guard. Tumango lang ako kay manong at dumiretso na papasok ng subdivision at baka mahuli pa kami sa misa ehh kami pa naman ang mga sakristan kaya hindi pwede buti na lang  malapit lang dito ang church. Oo sakristan din si Spring kahit naman maloko yan alam pa rin nya kung kelan sya magseseryoso kaya nga kami naging magkaibigan.

Kilala na ako ni manong guard dahil simula pagkabata eh lagi na kaming pumunta dito dahil magbestfriend ang mga ama namin at parehong lawyer ang pinagkaiba lang si Spring ay sinusuportahan ng ama nya sa kung anong gusto nyang kurso hindi tulad ni dad.

Maya maya lang ay nakita ko na si Spring na nakatayo sa harap ng gate nila na akala mo ay isang  modelo ng kung anong produkto kaya binusinahan ko na ito.

(peeep….peeep )

“Sumakay ka na bago pa magbago ang isip ko at iwanan kita dyan.” seryosong sabi ko

Kaya naman dali dali itong sumakay. Pagkasakay nito ay agad ko na ring pinaandar ang kotse at umalis. Habang nasa daan ay kwento lang ito ng kwento ng may mapansin ako sa kalsada yung tatlong babaeng naglalakad. Yung dalawa sa hulihan ay masayang nag-uusap at nagtatawanan habang yung nasa unahan ay tahimik lang na naglalakad. Nabaling lang ang atensyon ko kay Spring ng maging seryoso na ang mga sinasabi nya sa akin.

“Grabe tol! Sa tagal na nating magkakilala hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit lagi ka lang naka serious face, oo nakikita kitang ngumiti kapag kasama mo si tita at saka minsan samin na mga kaibigan .” seryosong tanong nya sa akin

“So anong gusto mong iparating.” I said

“Wala ka bang balak mainlove o magkagirlfriend kasi alam mo para iba pa rin yung ngiti ng isang taong inlove yung para bang pakiramdam mo lagi na sa tuwing makikita mo sya kumpleto na ang araw mo.. parang ganon ba.” He said

“Wala pa ngayon sa isip ko ang ganyang bagay marami pa akong dapat unahin na gawin kesa dyan.” seryosong kong sabi

Pagkatapos kung sabihin yun ay tumahimik na sya hanggang sa makarating kami sa simbahan nang biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sakin ni Spring kanina. (sigh) Ano nga kaya ang pakiramdamam ng mainlove? Tss.. (iling..iling) ano bang nangyayari sakin?.

“Uyy anong nangyayari sayo?” tanong nya

Hindi ko na sya sinagot kasi kahit ako di ko rim alam ang sagot kung bakit naapektuhan ako ng kanyang sinabi. Nang dumating kami sa simbahan ay agad kong pinarking ang sasakyan bago bumaba alam ko namang susunod din yun tinamaan kasi ako sa sinabi nya kaya nauna nakong pumunta sa isang kwarto na pinagbibihisan naming mga sakristan. Dapat magfocus muna ako sa ginagawa ko lalo na at para kay Lord.





-------------------

PLEASE VOTE, SHARE and ENJOY READING

Thank you!!!

<<Cii_chelles>>

SAKRISTAN 1: Mr. Faithful meets Ms. Writer(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon