Kabanata 4

4.3K 144 46
                                    


Wednesday ngayon at napag usapan namin ni Derek sa text ang tungkol sa lunch namin. For the past few days, we've been texting and sometimes he'll go to my room and give me snacks. He's kind and gentleman.

"Hi, Zeth. Kasama mo ba pinsan mo ngayong lunch?" Freddie approached me.

I saw Farah's look. Bumalik ang tingin niya sa libro niya nang pinasadahan ng tingin si Freddie. Napatingin ako sa grupo ng mga lalaki kong kaklase na nagkukumpulan at nakatingin sa amin. When they saw that I was looking, they immediately acted like they're talking about something.

I smiled at Freddie. "Hindi, e. Si.. Derek ang kasama ko."

Nakita ko ang pagpaalam ng kaniyang ngiti nang banggitin ko si Derek. He put his hands on his pocket. Bahagya naman akong nahiya. I think he's about to ask me lunch. Well, puwede naman bukas! Bakit ba kasi ngayon niya lang ako inaya?

I smiled awkwardly. "Libre naman ako bukas."

"Ah, ganoon?" He raised his head like he heard something interesting. "Pwede ba kitang maaya sa lunch? No meanings- I mean, bawal ka pa mag boyfriend di'ba?"

My smile faded. I know where that came from. Syempre, alam niya iyon dahil sa mga pinsan ko! This is the reason why I hate Conrad and the boys sometimes.

Tumango ako. "Sige, uhm.. Bukas na lang ha?"

As usual, sinundo ako ni Derek sa harap ng classroom namin. He's with all his smiles. Napangiti ako nang kunin niya ang bag ko sa akin.

Sa dating cafe niya ako dinala ngayon. Hindi na ako nagulat dahil paborito niya yata dito. Well, yeah, their food is good here. Iyon nga lang, ayaw ko kasi hindi maganda ang huling na encounter ko dito. At hindi malabong makita ko uli sila ngayon. But I can't protest, though. Ito ang gusto ni Derek, hinayaan ko siya.

I watched him stood up and went to the counter to order food for us. Ako nama'y naiwan sa usual spot namin at nag aabang ng mga taong lumalabas masok sa cafe. Isa isa ko silang pinagmamasdan dahil mamaya ay ibang tao iyon.

Tumuwid ako ng upo at halos itago na ang mukha ko nang makita ko nga ang grupo nila Axcel na paparating.

I sat uncomfortably and searched for anything to cover my face. Wala akong nakita kaya naman nang makapasok sila ay talagang naestatwa ako.

Parehong grupo. Walang kulang sa kanila ngayon. Maybe that's their set of barkadas. Hinanap ng mata ko si Leander na nakasuot na ngayon ng uniform niya.

Nagtataka ako, nabanggit dati ni Seidon na madalas lang raw pumasok ang isang ito. But now, feeling ko hindi naman. Noong nakaraan ay nakita ko siya tapos ngayon, nakita ko uli. Ibig sabihin, every day na siya pumapasok?

Miles was with them again. I almost rolled my eyes. So they're really good friends? Pati iyong chinitang maputing babae? Pinagmasdan ko sila. Mas matangkad si Miles doon sa chinitang babae. Miles looked western while that girl is more asian.

"Papasok kayo mamaya?" I heard Leander said. Dumaan sila sa harapan ko nang hindi ako napapansin.

Humalakhak si Axcel. "Putangina mo, nandedemonyo ka na naman."

"Hoy ikaw," Tinapik siya noong isang lalaki. "H'wag kang nandadamay at baka sumama ako sayo."

"Practice na naman ba, Lean? Sigurado ka bang sasali tayo doon?" Miles said. Lumapit pa siya kay Leander at tumingala sa kaniya.

Pumaymewang si Theo. "Sige, pre, sama ako sa kademonyohan mo. Nakakaantok iyong subject mamaya. Putangina, kapag ako nainis sa thesis na 'yan.."

Until The End Where stories live. Discover now