Kabanata 8

4.1K 141 34
                                    


Sembreak na. My family planned to go to Cebu for three days and go back immediately because of Seidon and Damien's birthday. Unfortunately, magkasabay sila ng birthday kaya naman iritang irita si Damien.

Ang mga pinsan ko'y maiiwan sa Puerto Alcala as usual tuwing sembreak, dahil sa birthday ng dalawa. They don't want to miss it. At tsaka kung hindi sa Manila ay wala naman silang pupuntahang inside the country lang. They usually spend their vacations abroad. Minsan kami rin.

I prepared my birthday preseng for the two. It was hard to pick because they can just buy everything. Kaya naman sa tatlong araw ko sa Cebu ay tanging pamimili lang yata ng regalo ang ginawa ko. I bought a costumized sling bag for Damien and a chain necklace for Seidon since he likes this thing.

"Cash na lang!" Seidon said when we arrived back to Puerto Alcala.

Cash na lang raw ang ibigay kesa regalo. Isasampal ko sa kaniya iyong regalo ko. Kung gusto niya, isanla niya na lang iyon para kumita siya.

Sinapok siya ni Conrad. "Putangina mo, buraot ka talaga."

"Ayos na singkwenta sayo."

"Ano?! Ang yaman yaman mo, West! Anong singkwenta?"

"May pinaggagastusan pa'ko, bobo! H'wag kang maarte d'yan," he laughed.

"Ano? Babae mo?" Singit ni Ash at nilagpasan kami para sa pakwan na nakalatag sa lamesa namin.

"Oo! Pero hiyang hiya naman sayo Abo, sino bang lumuluwas pa sa Roweda para lumandi?"

"Putangina ka."

The party is held on Damien's wide backyard. Pool party pa raw mamayang gabi. Game naman ako syempre.

I wore my sweetheart dress paired with my stilettos. I looked at the two gift box on my hand. Ako ang nag ayos nito, ha. Naproud naman ako ng konti sa aking creative side. Ngumisi ako.

Bumukas ang passenger seat ng sasakyan ni Daddy nang palapit ako doon. Bumulaga ang kapatid kong mukhang chickboy sa suot na tuxedo. He looked at me like he was so stressed of something and he had to burst it out.

He looked at my dress. "Ano 'yan?!"

"Ano?" Nilingon ko si Mommy na nasa loob na at nakikipag usap kay Dad doon.

Tinuro niya ang damit ko. "'Yan!"

"Dress, Kuya?"

"Why is it like that? Nasaan ang manggas mo?"

Halos umirap ako. "Sweetheart dress, Conrad. Do you know fashion? This is fashion!"

"Sweetheart?" Kunot na kunot ang noo niya. "Kaya naman pala ang pangit."

Susugudin ko na sana siya nang padabog niyang isara ang pintuan. I frowned because of irritation. He's ruining my night and my dress. Feeling ko tuloy totoong pangit nga!

Malapit lang ang bahay nila Damien sa amin kaya hindi ko maintindihan kung bakit kinailangan pa naming magsasakyan. Sabi ni Mommy, para raw maganda ang entrance namin. Nagtataka tuloy ako kung may red carpet doon tsaka may nag aabang na media.

I rolled my eyes when I saw nothing. Pinarada lang ni Dad ang sasakyan sa gilid at sabay sabay kami bumaba.

Conrad raised his eyebrow. "You shoulders look thin, Zeth. Bakit ka pa nag ganiyan?"

Hinampas ko siya at nilingon si Mommy. "Mom! Conrad's being a annoying!"

She looked at me. "Rad, behave. Dito ba kayo mag aaway? Nakakahiya."

Until The End Where stories live. Discover now