Kabanata 29

3.3K 109 54
                                    

Pinanood ko si Bea na lumakad paalis at katatapos lang magdala ng tsaa na pinakuha ko sa kaniya. Lumipad kaagad ang mata ko sa laptop ko, nananakit na ang mata ko kakatingin doon kaya inilayo ko muna iyon para makapagpahinga.

I lifted the tea and sipped on it. But I immediately pushed it away from me because it was burning my tongue and I don't like the taste. Ngumiwi ako at nawalan na ng gana na inumin iyon.

My phone rang. It was Conrad. Umirap ako bago ko iyon sinagot. Sumandal ako sa swivel chair at bahagyang inuga uga iyon habang kausap ko ang kapatid ko.

"What?" I lazily said.

"Asan ka?"

"Work? Obviously, Kuya. Saan pa ba?"

"Labas ka muna. Ako ang bahala kay Kuya Worth."

Napanganga ako. "Kuya! I have a report to do after lunch. What again? Busy ako!"

Hindi ko alam kung bakit madalas akong iniistorbo ng dalawa kong kapatid. Last week ay si Astra. I don't want to remember that time. Ngayon ay ang kapatid ko naman. Seriously, what the hell is their problem?

I heard him sigh. Nasaan ba siya? Probably on his site. Ewan ko, siguro ay panibagong kliyente na naman.

"Dalian mo. Its urgent."

"Ilang minuto?"

"An hour."

"An hour?! Kailangan kong makabalik kaagad! I didn't even had my lunch!"

"E'di dito ka na maglunch!" Bulyaw niya pabalik sa akin.

"I don't eat fast food!"

"This is not a fast food! Gulay!"

"Salad?"

He groaned. "Putcha, oo! Dalian mo at tutubo na ang petchay na 'to!"

I did what he said. He told me to get his important documents on his table at home. Malapit lang ang bahay sa trabaho ko kaya siguro ako ang inutusan ni Kuya. Nakasalubong ko pa pababa si Westley na nakasunod ang sekretarya niyang hirap na hirap sa pagbubuhat.

I wore my cat-eyed Mykita sunglasses. Pinatunog ko ang aking Lexus na kakukuha ko lang last month kay Zarrick. I almost begged for a discount for this. Kahit na may pinagsamahan kami ng kumag na iyon ay napakadamot.

Malapit sa Hedgebeach ang adress na binigay sa akin ni Conrad. Huminto ako sa isang malaking mansyon na mukhang hindi pa gaanong gawa, but its almost done. Bago ang gate at amoy na amoy ko sa labas ang pintura.

My brother's car was there alongside with a familiar black and shining Rolls Royce Cullinan. My eyebrow raised while I am surveying the car. Sa huli ay nagbikit balikat ako. There's so many Rolls Royce owner here in Puerto Alcala. Imposible.

Walang katao tao sa labas kaya binuksan ko na lang ang gate. I fixed my pink coat I'm wearing, with my white neat sports bra and a pink slacks with a pump. My long dark hair is tied at my back.

Nginitian ko ang mga karpinterong nagbubuhat ng mga malalaking tipak ng mga kahoy at hallow block. Kulang na lang ay kawayan ko sila, mabuti na lang at nakita ko ang kapatid ko sa loob.

Nakapaymewang at kasama ang dalawang lalaking nakatalikod. I waved at him. He looked stressed. Well, he was really stressed these days. Ang dami rami niyang ginagawa. He can decline the offers but he still chose to work. Ewan ko ba, maghihirap na yata.

"There she is." He sighed.

Lumingon ang parehong lalaki sa akin. The other one is not so familiar but the other one is very familiar.

Until The End Where stories live. Discover now