Kabanata 5

4.4K 141 16
                                    

"Pina-vet mo ba 'to, Dam?" I asked Damien while patting Godzilla's head.

Nandito uli ako kila Damien ngayong sabado kasama si Riese at si Collin. We're currently in their pool. Iyong pool na lagi kong kinaiinggitan tuwing mapapadaan ako o kaya gigimik kami dito. Their pool is larger than us. Iyong pang Olympics pa yata ang type nito.

Kinawag ni Damien ang paa niya para mabasa si Collin na kinukuhanan ng picture ang tubig. I saw how she frown because of that. Nilingon ko naman si Riese na dala dala ang pagkain at nilalapag sa lamesa na medyo malayo sa amin.

Damien laughed. "Hindi, pa. Si Abo na raw kasi may girlfriend yata siya doon sa vet sa Freytown."

"Is that the Stella girl or something?" Hindi ko inalis ang tingin ko kay Godzilla na natutulog na yata ngayon sa damuhan.

Damien shook her head. "Kay Zarrick naman 'yon!"

"Zarrick? Akala ko ba taken 'yon? I saw his post in Instagram. Hindi ba 'yun iyong girlfriend niya ngayon?"

"Ah, iyon? Ewan ko ba! Sabi ni Seidon si Stella lang din raw 'yon!"

"Huh? The girl is prettier I think- Well, Stella's pretty but.." Humalakhak ako. Tumawa din siya.

I don't know. Feeling ko ibang babae iyong nasa picture, e. Pero hindi na lang ako mangingialam. Knowing Zarrick, he don't want annoying people. Gusto niya siya lang ang nagmamando sa buhay niya. That guy is really weird. He doesn't like noise. Minsan pa ay sasabihin niyang diretsahan sa amin na ayaw niya kami. Well, ganoon din naman ako sa kanila.

Conrad is playboy. Sumusunod sa yapak ni Kuya Worth pagdating sa boys. Pumapangatlo siguro si Seidon at Westley. Tapos si Sean. Tapos si Zarrick. Lastly, si Abo. Pakiramdam ko siya ang pinaka matino sa kanilang lahat. He's not so suplado and not so cold. Matino din siya mag isip. Siguro nga medyo matino din talaga kapag only child ka lang.

"Hedgebeach tayo bukas! May jetski na!" Riese excitedly said.

Pinasadahan ko ang makurba niyang katawan. I really like her body. Hindi naman siya nagwowork out o ano pero ang slim ng braso niya at flat ang tiyan. I don't know. Mine doesn't have that curve.

Ngumisi ako. "Marunong ka ba?"

Sumimangot kaagad siya. "That's so easy! Hindi ba, Collin?"

Nagbikit balikat naman ang isang 'to na balot na balot ang katawan. "I don't know. I haven't tried, Ate."

Collin is the purest among us all. Syempre, siya ang bunso namin. Seidon's really over protective when it comes to her. Minsan pinagagalitan ko dahil kulang na lang magkumot si Collin. Sayang kaya! That's why I don't like Conrad criticising how I wear.

While Damien on the other side, ito talaga ang kinaiinggitan ko sa pagdating sa pagiging maayos sa katawan. She's still senior too, she's one year older than me but her body is already improving! Mas tipid naman siya kumain sa akin kaya nagtataka talaga ako kung paano niya nakukuha ang kurbang iyon.

Sumimangot ako at kinuha ang clubhouse sandwich ni Riese. I stopped when I realize that Riese made these. Binaba ko iyon ng dahan dahan at wala nang balak kainin.

"Ano? Bukas, ah! Ayain mo sila Rad, Hazeth!" She said. Sarap na sarap siya sa sariling gawa.

I nodded. "Okay."

Kinabukasan pagkatapos lang mag umagahan ay kanya kanya ang busina sa labas ng bahay namin. Conrad is laughing while leaving me alone on our dining table. Hindi pa tapos ang kinakain pero narinig lang ang busina ng mga mokong sa labas ay tuwang tuwa na.

He grabbed his cap from somewhere and left me. Sumimangot ako at ininom na ang natitirang gatas bago sumunod sa kaniya.

Bumungad sa kalsada sa tapat ng bahay namin ang sasakyan ni Asher na nasa labas at kausap si Westley. Sumungaw doon sa sasakyan niya si Seidon na nakadila at hinahampas hampas ang busina ng sasakyan ni Ash.

Until The End Where stories live. Discover now